chapter 67

287 12 0
                                    

jaydee's pov
nakikita ko kay drake na nasasaktan siya pero ayaw niya lang sabihin napatingin ako kay lance na nakatingin rin pala saakin at napatingin kaming dalawa kay sammy na nakatingin kay drake

"drake"tawag ni sammy kay drake kaya inangat ni drake yung ulo niya at tinignan si sammy

"you should say sorry"sabi ni sammy

"yeah i know hihingi na nga ako ng tawad pero umalis siya"sabi ni drake

"alam mo drake aalis talaga yun nasaktan sa mga sinabi mo eh"sabi ni sammy

"i know"sabi ni drake at yumuko uli

"ano bang nangyari?"tanong ni abby

"wala"sagot ni drake

"alam mo drake mababawasan yang bigat ng pakiramdam mo pag nag-open ka"sabi ni kaye

"hindi niyo rin lang maiintindihan"sabi ni drake

"edi ipaintindi mo saamin"sabi ni kyle pero hindi nagsalita si drake kaya napa buntong hininga si sammy

"si drake at jasmine kasi ay grade school and high school classmates sa tagal nilang maging magka-klase naging mag bestfriend sila"pag kwento ni sammy at tumingin saakin

"sa tagal din nilang naging mag bestfriend hindi nila naiwasan na mahulog sa isa't isa ang akala ni jasmine siya lang ang nag mamahal at ganun din ang nasa-isip ni drake pero hindi nila alam na mahal nila ang isa't isa"sabi ko at tumingin kay lance

"hanggang sa nag aminan sila ng feelings at nagsimula ng manligaw si drake....anim...anim na buwan niyang niligawan si jasmine at sinagot siya ni jasmine ng oo nung birthday ni drake at tumagal sila ng dalawang taon"sabi ni lance at tumingin kay sammy

"akalain niyo yun tumagal sila ng dalawang taon sa dalawang taon na yun halos hindi namin sila mapaghiwalay pero dumating yung araw na kailangan ng tapusin ni drake lahat ng ugnayan nila dahil maaaring gamitin ni chad si jasmine laban kay drake pero hindi nagpaawat si drake at tinuloy pa rin nila yung relasyon nilang dalawa"sabi ni sammy at tumingin saakin

"pero hindi alam ni jasmine na kasama si drake sa mafia world pero nagulat nalang si drake ng malaman lahat ng yun ni jasmine nagalit si jasmine kay drake dahil hindi niya sinabi hanggang sa isang araw hindi na nagpakita si jasmine at kung magkakasalubong man sila lumalayo si jasmine"sabi ko at tumingin kay lance

"ilang araw umuuwi si drake na lasing at puro pasa hanggang sa hindi na kinaya ni sammy na nakikita si drake na ganun kaya sinabi na ni sammy na siya ang nagsabi kay jasmine ng lahat nagalit si drake kay sammy at nag-away sila yung away nila umabot na sa muntik na nilang mapatay yung isa't isa"sabi ni lance at tumingin kay sammy pero hindi si sammy ang nagsalita kundi si drake

"bago ko pa mapatay si sammy nun bigla nalang akong natumba dahil sa lakas ng suntok ni sammy tatayo na sana ako ng sunod sunod na niya akong sinuntok hanggang sa bugbog sarado na ako dun lang siya tumigil at sinabi niya saakin kung bakit niya pinalayo si jasmine saakin at dun na realize kong tama si sammy dahil kung hindi niya ginawa yun siguro wala na ngayon si jasmine"sabi ni drake tapos may tumulong luha sa mata niya pero pinunasan niya agad at niyakap agad siya ni sammy

"it's okay to cry drake were here for you"sabi ni sammy kaya niyakap din siya ni drake at tuluyan na ngang umiyak pero yung tahimik na iyak

"alam mo drake minsan kasi kailangan mong magsakripisyo para sa taong mahal mo"sabi ni tiffany

"hindi sa lahat ng oras kailangan mong maging masaya"sabi ni yana

"nag break na ba kayo?"tanong ni zack

"walang nangyaring closure dahil bigla nalang siyang hindi nagpakita"sabi ni lance

"so meaning kayo pa kasi wala palang closure na nangyari"sabi ni sky

"hindi natin alam"sabi ni andrew

"bilib nga ako dito sa pinsan ko eh"sabi ni drake habang pinupunasan yung luha niya

"bakit naman?"tanong ni kyle

"dahil ilang beses na siyang nag sakripisyo para saating lahat at halos ilagay niya na yung sarili niya sa kapahamakan para lang saatin samantalang ako hindi ko man lang nagawa i mean wala man lang akong nagawang pagsasakripisyo para sa mga taong mahal ko"sabi ni drake

"mali ka drake... dahil ng pinalayo ni sammy si jasmine hindi mo na siya hinabol dahil alam mong mapapahamak siya at naghintay ka ng mahabang panahon para makita uli siya alam mo laging umiiyak at nagkukulong si jasmine noon sa kwarto halos hindi pa siya kumain nasasaktan din ako sa tuwing nakikita ko siyang ganun pero isang araw ay lumabas siya ng kwarto niya na parang walang nangyari at sinabi niya saaking hihintayin niyang matapos lahat ng toh at kung sakaling manligaw ka uli sasagutin ka daw uli niya hanggang sa nagtuloy tuloy na yung pagiging masaya niya pag sasakripisyo na yung ginawa mong paglayo rin kay jasmine"pag ku-kwento ko

"at pagsasakripisyo na rin yung ginawa mong pagtanggap ng pag totorture at pagpapahirap sayo para lang mailigtas kami ni mom hindi mo lang alam nag sasakripisyo ka na pala"sabi ni lance

"i think you should go to jasmine's room and talk to her"sabi ni sammy

"tulog na yung tao bukas nalang sila mag usap"sabi ni abby

"she's not yet sleeping actually kanina pa siya nakikinig saatin"sabi ni sammy

"pano mo naman nalaman?"tanong ni kyle

"instict...you should talk to her"sabi ni sammy kaya tumayo na si drake at naglakad pero huminto rin siya at humarap uli saaming lahat

"thank you for being there for me"sabi ni drake kay sammy at ngumiti

"anything for my family and love one's"sabi ni sammy at ngumiti rin at tinanguan niya si drake kaya tumakbo na si drake papunta sa kwarto ni jasmine tapos tumayo silang lahat except saamin ni sammy

"saan kayo pupunta?"tanong ni sammy at tinaasan sila ng kilay

"a-ano s-sa....k-kitchen oo tama sa kitchen"sabi ni lance

"ah sa iba kasi kayo dumadaan dun kasi yung kitchen"sabi ko at tinuro yung isang pinto dun

"wala munang aakyat hayaan niyo silang mag-usap at alam kong pakikinggan niyo yung mga pag-uusapan nila hindi ako tanga para maniwala sa sinasabi niyo kaya umupo na kayo"sabi ni sammy kaya wala silang nagawa kundi ang umupo

between the two boysWhere stories live. Discover now