One

7.9K 135 3
                                    

Before, I just live my life very normal. Nakikipaglaro ako sa mga kaibigan ko, nakikipagkulitan sa mga magulang ko, I even go to school for my studies. But when I'm on my twenty's, everything has changed.

"Nathalie Rouse?" she asked.

"Yes I am." I answered.

"I'm Dr. Catherina Hoel, psychiatrist. How are you, why are you here?"

Nanginginig ang aking mga kamay nang itanong niya na ito, hindi ko alam kung saan o paano magsisimula. Baka kapag sinabi ko sa kan'ya, mapahiya ako at ipagkalat niya. Butil-butil ng pawis ang lumabas sa aking noo pati na rin sa aking kamay.

"Kumalma ka iha, hindi kita kakainin. Alam ko may problema ka kaya ka nandito, you can tell me everything. Your secrets will be safe with me." Nakangiti nitong saad nang mapansin na nanginginig na ako sa kaba.

"Doc. How can I know kung nymphomaniac po ba ako?" Nakapikit kong tanong rito.

"Nymphomaniac? Wow, very rare ang mga gan'yang cases iha at kailangan talaga 'yan mabigyan ng pansin ng mga kagaya naming Doctor. Good thing you came here, minsan kasi namimis-interpret ng mga tao kung ano ang tunay na ibig-sabihin ng isang psychiatrist. Just because we are psychiatrist doesn't mean para lang kami sa mga baliw, our main job is to connect with your brain and know what kind of fear you're facing in order for you to conquer it. Marami kaming puwede gawin, and seriously I'm interested in your problem." Mahabang paliwanag nito.

"Okay, ilang araw mo na napapansin na may mga symptomps ka ng nymphomaniac?" Pagsisimula nito sa tanong.

"More than 1 month na po Doc. pinagwawalang bahala ko na lang po siya kasi akala ko normal lang kasi I'm in my adult stage na, pero kasi Doc. pakiramdam ko hindi na siya normal kasi araw-araw akong uhaw sa tawag ng laman. Gusto ko makaramdam lagi ng pleasure, gusto kong masatisfied ako. My body wants it, but my mind doesn't want it and doesn't want to do it." Umiiyak na saad ko.

"Tell me, paano mo ito nairaos for almost one month?" Tanong niya ulit.

"Kinukulong ko 'yong sarili ko sa aking silid, minsan kung hindi ko na talaga makayanan ay nanonoud ang ng mga palabas na may sekswal na tema at mag-isa kong binibigay ang pleasure sa aking sarili." Nahihiya man ay sinabi ko sa kan'ya ang totoo.

Napailing ito at napahawak sa sentido niya, "Total nasabi mo na sa akin kung ano ang kalagayan mo makakaasa ba ako na pagkakatiwalaan mo ako?" Tanong nito.

"Tulungan mo po ako na malagpasan 'to, naniniwala po ako na tutulungan n'yo ako." Nakatingin sa mga mata niyang sagot ko.

"Huwag ka magalala, sa ngayon kailangan ko muna suriin kung isa ka nga bang nymphomaniac kailangan pa kita i-undergo sa mga test na makakapagpatunay na isa ka na sa kanila and after that tutulungan kitang mawala 'to sa systema mo. Hindi madali Nathalie, pero sana makaya mo." Saad nito habang tinitignan ako.

Tumango ako at nagpasalamat sa kan'ya. "Bumalik ka rito dalawang beses sa isang linggo," saad nito sa akin.

Binigyan niya ako ng mini-calendar at may mga bilog ang mga araw kung kailan ako babalik sa kan'ya, nais ko ng matapos ang aking paghihirap kaya susugal ako rito. She gave me her number and vice versa. Nagpaalam na ako sa kan'ya at naisipan kong pumunta sa isang sikat na coffee shop malapit sa clinic ni Doc. Catherina.

I just order a large cup of Mocha Frappe, and sit beside the wall glass. 'Yong kitang-kita ang labas ng coffee shop. Nilabas ko 'yong journal ko at sinulat doon ang ginawa ko ngayong araw.

"I started to visit a clinic and ask for a psychiatrist help, sana magkaroon ng progress."

Nagsimula na akong sumimsim sa aking kape habang nakatingin sa malayo, then I saw a couple kissing each other torridly in public. Bigla na namang nanginig ang aking kamay, bigla akong kinabahan... "I also want to feel that kind of pleasure too." Sabi ng isip ko.

Pero bigla kong pinikit ang aking mga mata, "Nathalie, you're in a public place please calm and do the inhale and exhale exercise." Mahinang saad ko sa aking sarili at kinalma ang aking paghinga.

"Hey pretty lady, what's wrong?" Biglang sulpot ng isang estranghero.

"What the hell? Gusto mo ba akong patayin sa gulat, ha!" Sigaw ko rito, muntik na akong atakehin sa puso kahit wala naman akong sakit.

"Pardon me, para kasing ang weird ng kinikilos mo e that's why I came here and ask you." Pagrarason pa nito.

"You don't care and I'm fine," mataray na saad ko sabay kinuha ang kape ko't tumayo at aalis na sana nang...

"Your notebook and pen!" Sigaw nito, bigla akong kinabahan hindi ko pa pala 'yon na-i-sara.

Kukunin ko na sana nang makita kong nakatoun ang mga mata niya roon... Agad ko 'yong hinila at tinitigan siya.

"You're sick?" Takang tanong nito.

"You don't care if I'm sick, you stranger!" Sigaw ko rito sabay talikod at tuluyan na itong nilisan.

"Hey, I'm Troye!" Habol pa nito.

Who cares to his name though? Nakakainis siya!

I just opened my apartment nang makarating na ako, simula nang mapansin ko na parang may mali sa mga kinikilos ko doon na ako nakapagpasya na lumipat. Ayaw ko silang magalala sa akin. Bigla ako natigilan nang makaramdam na naman ako ng pagkauhaw.

I just cried it, naiinis ako kasi sa lahat ng puwedeng dumapo sa akin na sakit bakit ito pa? Nakakababa ng pagkababae.

---

A/N: VOTE AND COMMENT GUYS, THANKS! :)

Loving the Nyphomaniac (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon