Naisulat to last month of 2010 and this was my very first novel online so maraming wrong grammar at kung anu-ano pa. I am editing some of it pero dahil may pagkatamad ako, minsan hinahayaan ko na lang. I don't have a personal editor kaya medyo nahihirapan din ako dahil wala akong alam sa pag-edit. ANyways, sana po ay magustuhan niyo ang JESTER Series ko! Enjoy! Comment and vote po sana. :)
Picture: KC Conception as KC Valdez
___________________________________________________________________________
Copyright © 2010 Chiichoi. All rights reserved.
Ring!Ring!Ring! Umaalingawngaw ang tunog ng alarmclock ni KC. Floral ang tema ng kwarto ni KC, at may iilang mga kagamitan tulad ng drawer, cabinet, mesa, upuan at kama ang nasa loob nito. Pero para kay KC ang kwartong ito ang kanyang ‘solitary place’, doon lang kasi siya nakakakuha ng peace of mind lalo na sa mga oras na kailangan niyang mag-aral.
“Kristina! Gumising ka na! Tanghali na! Mahihirapan kang makakuha ng trabaho.” ani ni Kriselda, ang nanay ni KC.
“Opo Nay!” Balik na sigaw ni KC. Kakamot-kamot na bumangon si KC habang siya ay nahikab. Lumapit siya at humarap sa salamin habang tinitignan nya ang kanyang sarili. “OK! Eto na to KC. Makakahanap ka na rin ng trabaho.” Si KC ay naka-graduate ng Summa cum Laude sa kurso niyang Secretarial sa UP Los Banos. Lumabas sa kwarto si KC na bitbit ang kanyang tuwalya sa balikat.
“O anak, tinanghali ka ng nagising ah. Bilisan mo nang maligo at kakain na tayo.” Si Castro, ang kanyang ama-amahan na isang personal driver ng mga Aquino.
“Eh Tay, sa sobrang excited ko po, pinlantsa ko pa yung dadamitin ko pagkatapos yung mga kakailanganin ko ay nilagay ko na sa bag ko. Hindi pa ako makatulog kagabi dahil nga din po sa pagiging over-excited ko.” Habang sinasabi ni KC iyon ay binigyan niya ng mano ang kanyang ama at ina sabay diretso sa banyo. Matapos ang pagligo ay lumabas na si KC sa banyo at tumuloy patungong kwarto niya. Tumayo ulit si KC sa harap ng salamin at ngumiti habang nag-posing sa harap.
“Ang ganda mo talaga. Katulad ka ng katukayo mo.” Nagbibirong komplimento niya sa sarili. Hindi nagkakalayo ng edad sina KC at KC Conception, Sharonian kasi ang nanay nya kaya nang lumabas sa telebisyon si KC, ay ipinangako ng nanay nya sa sarili na ipapangalan nya rin ang magiging anak katulad ng pangalan ng anak ni Ate Shawi. Pinaglihi nga ata sya ng nanay nya kay KC Conception dahil kuha niya ang hugis ng mukha ni KC, pwede na nga daw siyang maging impersonator ni KC sabi ng mga kapitbahay nya, yun nga lang daw e mas sexy sya at mas matangkad kay KC.
Miyembro si KC ng samahang NBSB o NO-BF-SINCE-BIRTH, hindi dahil sa pihikan siya pagdating sa pagpili ng lalake kundi nawalan na kasi siya ng tiwala sa mga lalake. Nabuntis kasi ng damuho niyang ama ang kanyang nanay pero hindi nito pinanagutan at nagpakasal pa sa mayamang babae. Hindi pinanagutan ng tatay niya ang kanyang ina sa kadahilanang hindi nito kaya ang magpakasal sa hamak na labandera lamang. Pinalaki siya ng nanay niya nang mag-isa hanggang sa magkakilala sila ni Mang Castro ang ama-amahan na niya ngayon. Napakabuting lalake at ama ni Mang Castro at doon ay naghilom ang hinanakit niya sa mga lalake. Kaya lang naman hindi pa nagkaka-bf si KC ay dahilan na napalaki siya sa aral na ‘Pag-aaral muna bago mag-bf’ at saka mas ang focus ni KC ay hindi sa lalake kundi ang maiahon ang pamilya niya sa hirap.
BINABASA MO ANG
JESTER Series 1: James Anthony's - Wounded Hearts [Edited Version]
RomanceTEASER: Sino ba ang hindi maghahangad na maging si James Anthony Cristobal? Maraming bahay, maraming pera, maraming kotse at maraming babae ang nagahahangad na maging Mrs. Cristobal. Swerte nga kung baga pero hindi lahat ng taong mayaman ay masaya...