Chapter 7

19.9K 370 8
                                    

Copyright © 2010 Chiichoi. All rights reserved.

Well, do you like it?” tanong ni James sa namamangha pa ring babae. Pumunta kasi silang amusement park, a surprise date just for her. “I actually wanted to reserve this whole place but then again, I remember it will be boring if it’s only the two of us here,”

“I-I don’t know what to say? Thank you so much!” sabi ni KC sa kanya. Nabigla pa siya nang niyakap pa siya nito sa likod niya. “Na-surprise talaga ako ng sobra at pinasaya mo ako ngayon. Maraming maraming salamat talaga,” sabi pa nito.

“No need to thank me, Cassandra, I just wanted to fulfill one of your wish. Now,  ang kulang na lang ay ang ka-date mo that is why I am here too,” Yun lang at iniangkla na niya ang kamay ni KC sa braso niya. “Shall we, Honey?”

Tumungo na lang si KC. Yun na ang hudyat nang kanilang ‘date’. Pumunta muna sila sa shooting range at napanalunan nila ang grand prize. He plays target shooting with his brod so hindi na kailangang magtaka pa kung makuha man niya iyon.  “Here’s your prize, honey,” Nag-eenjoy siya nang sobra. Alam niyang pambata lamang ito at lagi silang andito nang mga magulang niya nung bata siya, dapat ay nagsasawa na siya at wala nang gana pero ang makita lang na masaya si KC ay nag-eenjoy siya. Ngiti lang nito ay nakakpagbigay sa kanya nang kasiyahan, feeling niya tuloy ay si Santa siya.

“Thank you! Yun lang yata muna ang masasabi ko ngayong araw na ito. Mukhang magiging bobo muna ako at yung lang ang sasabihin ko. You don’t know how happy, I am.”

“Don’t worry about it, honey. I told you that we are on a ‘date’ so no need to thank me. After all, I’m enjoying it too,” A lot...

“Punta tayo dun!” sabi ni KC na parang bata kung makaasta, it was a proof that she was really enjoying this ‘date’. Hinila siya nito papuntang bump car, space shuttle, anchor’s away at sa kung anu-ano pang mga ride. He even got wet from one of it. Hindi nila namalayang gabi na pala gutumin na silang pareho.

“Oops! Nag-skip na pala tayo nang lunch, ngayon ko lang nakalimutan ang oras. Let’s go grab something for dinner on the way home,” sabi niya habang nagpapahinga sila sa labas nang sasakyan. “Thank you, Cassandra,” Walang anu-anong sabi niya.

Nagtataka pero naka-ngiti paring natumingin ito sa kanya. “For what? Ikaw nga itong nagpasaya sa akin e. Tignan mo at nakuha ko pa itong si Baby Anthony diba?” Ipinangalan kasi ni KC ang teddy bear na napanalunan niya from his second name, siya daw kasi ang nakakuha kaya dedicated ito para sa kanya.

Natatawa pa rin siya kapag tinatawag ni KC ang teddy bear na Anthony. “I don’t want to sound cheesy but thanks for everything today. Siguro kung ibang babae ang kasama ko ay hindi ako mag-eenjoy. I mean, pagkasama kita lagi akong happy mood.”

“So, personal clown na ako ngayon?” kunwari ay nagtatampong saad ni KC.

“Unfortunately, yeah and a very beautiful one indeed,” sabi niya na dinugtungan niya pa. “I’m just seriously happy that you enjoyed our little ‘date’.”

Gusto niyang kurutin ngayon ang sarili. Hindi niya kasi alam kung nagda-day dream ba siya ngayon o naghahalucinate. Kasi palapit na nang palapit at mukha ni James. Hindi rin naman kasi niya gustong lumayo bagkos ay lumalapit pa ang mukha niya sa mukha nito na para bang may sarili itong isip. Tumigil muna ang mukha nito sa tapat niya. Tumingin siya sa mapupungay nitong mga mata pababa sa matatangos nitong ilong at pababa sa mga labi nitong sobrang tagal na niyang pinapangarap na mahalikan. Hindi nagtagal ay tinupad na naman ni James ang isa sa mga pangarap niya. Hindi alam ni KC kung pano ang tumugon. Napansin iyon ni James at medyo napangiti. Mukhang pinanggigilan pa siya dahil kinagat pa nito nang mahina ang ibabang labi niya bago nito inilayo ang mukha sa kanya.

JESTER Series 1: James Anthony's - Wounded Hearts [Edited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon