Copyright © 2010 Chiichoi. All rights reserved.
Walang pagtutol na namutaw sa labi ni KC at kinuha niya ang nakalahad na kamay ng Boss niya. Hindi pa rin talaga siya makapaniwalang sinasayaw na siya ng ultimate crush niya. Sige na, sige na. Crush ko pa rin talaga siya kahit na ang panget nang unang pag-uusap namin. Amin ni KC sa sarili.
“Isn’t it funny how the two of us first met?” Natatawa pang sabi ni James, nakikita ni KC sa mga mata ng boss ang pagka-aliw sa mga naaalala. “Oh, anyways, I forgot to say sorry to you. I was very rude that time. Its just that—hmmm, never mind that. Lets just forget everything and become friends, after all we're gonna work together starting tomorrow.”
“I think thats a good idea Sir, este, James pala.” At napabungisngis siya. Hindi lang nito tinupad ang mga pangarap niya, hinigitan pa nito iyon. Aba, ang pangarap lang talaga ni KC ay ang makausap ito at matitigan ng matagal sa personal. Hindi niya pinangarap ang maging kaibigan at boss pa ito. Mali pala ang impresyon niya sa lalake nang una at napatunayan niya na hindi pala lahat ng ‘First Impression Last’.
“Sa totoo lang Sir, err- James pala, ang akala ko talaga sa inyo ay walang modo at sobrang sungit na tao. Pero James, nag-iba na ang pananaw ko sa iyo ngayon ay alam ko na na mabait ka pala. Ang ikinapagtataka ko lang, James, bakit ka nga ba binigyan ng ‘ICE PRINCE’ na palayaw?” curious na tanong niya at tinignan niya ito sa abuhin-asul na mata nito.
“Sa totoo lang, I dont like reporters or any media people. I dont even like a ‘fan’ kasi hindi naman ako artista. Isa akong negosyante. So, If I dont like people I give them a cold shoulder o kaya naman ay bad mood ako noon kaya ko sila nasusupladuhan like what happened between us. I mean, I was in a really foul mood that time.” Yumuko ito at bumulong sa kanya. Malakas kasi ang musika sa loob ng hall.
Biglang bumilis ang puso ni KC. Akala kasi nito ay hahalikan na siya nito. Ilusyonada masyado ang puso ko ha. Pero alam ni KC, sa puso niya, na inasam niyang magkahalikan silang dalawa. Hindi namalayan ni KC na tapos na pala ang tugtog kung hindi lang siya tinawag muli ni James ay maiiwan siya sa dance floor.
“Come here, Honey.” Tawag sa kanya ni James. Aba at may pa-honey honey pa ang mokong ha. Hindi maiaalis ni KC ang tuwa sa kanyang puso. “I’d like you to meet my brods, or you can say my bestfriends.” At dinala na siya ni Jaq sa miyembro ng JESTER Club. “Guys, meet Cassandra. Cassandra, meet them.”
“So this is your new secretary.” Sabi ni Ezekiel. Alam na ni KC ang mga pangalan ng miyembro ng JESTER Club dahil na rin sa pagka-obsessed nilang mag pinsan sa mga miyembro nito. “I'm Ezekiel and it's so nice to meet you Cassy. Well, Cassy na pala ang palayaw mo sa akin para unique at close.” Sabi nito na tatawa-tawa pa.
“Seriously, Eze. Stop, harassing the lady.” Sabi naman nang isa pang miyembro na si Sean. “Anyway I'm Sean, pardon Ezekiel for behaving like that and please don't mind my accent.” At ngumiti ito sa kanya. Lahat ng mga miyembro ay nagpakilala sa kanya isa-isa. Hindi na lang niya sinabi na kilala na niya silang lahat sa mukha at pangalan.
Hindi niya mapigilan ang mag-text sa pinsan niya. Excited kasi siyang sabihin dito na nakita na niya ang super crush nitong si Ezekiel. “Uhmm. If you dont mind, Pwedeng magpa-picture.” Hiyang hiyang tanong ni KC pero para ito sa ikaliligaya ng pinsan niya kahit pa nga ba para siyang isang fan girl na isa sa kinaaayawan pa naman ni James. Sana lang ay hindi magbago ang tingin at turing ng mga ito sa kanya ngayong umaasal siyang parang isang fan sa paboritong artista. “For remembrance lang sana. Alam kong sobrang kapal na talaga ng mukha ko at kukuha pa ako ng pictures nyo pe—“ hindi na niya natapos ang sasabihin niya kasi ay nahila na siya ni James.
BINABASA MO ANG
JESTER Series 1: James Anthony's - Wounded Hearts [Edited Version]
عاطفيةTEASER: Sino ba ang hindi maghahangad na maging si James Anthony Cristobal? Maraming bahay, maraming pera, maraming kotse at maraming babae ang nagahahangad na maging Mrs. Cristobal. Swerte nga kung baga pero hindi lahat ng taong mayaman ay masaya...