Col's POV
"Hello maganda kong best friend!" sigaw ng lalaki na nasa kalagitnaan ng isang napakatahimik na restaurant.
Napahawak ako sa nose bridge ko ng pagtinginan sya ng mga tao pero ngumiti lang sya ng malaki. The hell!
Umupo na ako sa harap nya at binigyan sya ng isang nakamamatay na tingin. "Hello din matanda kong best friend." Sarcastic na bati ko sa kanya.
"Ang hard! Bata pa kaya ako!" reklamo nya kaya napadampot ako ng kutsilyo at pasimpleng itinutok ito sa kanya na ikinataas ng mga kamay nya.
"Nahihibang ka ba? Anong klaseng bata ang isang sixty five year old na lalaki na kagaya mo? Gosh! Paano ba kita naging kaibigan? Ang masama pa nito best friend pa." sabi ko habang nakahawak sa nose bridge ko.
Nginitian nya ako ng malaki sabay kinuha dahan dahan ang kutsilyo na nakatutok sa kanya. "Dahil magkasundo tayo haha!"
"Oo na lang." pagsuko ko sabay buntong hininga. "Woah problemado? Don't tell me.."
"Pwede ba France." Sabi ko sabay irap.
"Pfft! Broken ka nanaman noh? Bakit kasi di na lang lalaki?" sabi nya at tinawag na ang waiter.
I am Colleen MacGrath, twenty five years old, isa akong fitness trainer at nagmamay-ari ng ilang fitness gym. Mayroon akong kuya na syang naghahawak sa family business namin. Parents? They left us already so kaming dalawa na lang ng kuya ko.
But the thing is hindi kami yung super close dahil kung sya yung playful type, ako naman ang serious type. Hindi naman sa sagad na seryoso noh? Most of the time lang naman, may pinagkaiba ba yun?
Ayaw ni kuya na pagtrabahuhin pa ako dahil kaya naman daw nya akong alagaan also di din related yung course na tinapos ko sa ginagawa ko. Bakit ba? Ayoko ngang nakatambay lang or what mas gusto ko yung may ginagawa ako eh.
At tungkol sa tanong ni France sa akin? Yes, I'm a femme lesbian.
Sabi nila maganda naman daw ako, but the thing is sobrang boring ko daw kaya at first lang sila naiinlove sakin tapos kung may tumatagal naman pera lang ang habol sakin. Alam na alam na nila France and Danica yun.
Pero wala eh, hindi ko talaga maimagine na magmamahal ako ng lalaki or magkaboyfriend ako. Bago kami iwan nila mom ay naamin ko naman sa kanila kung ano ako. Sa una hirap silang tanggapin ako but as the time goes by ay natanggap naman nila ng makita nilang responsable ako.
Napabuntong hininga ako at tumingin kay France. "Alam mo naman na hindi ko kaya diba? Di ko talaga maimagine eh."
"Thank you." Sabay naming sabi sa naghatid ng order namin. Inikot ko ang pasta at sumubo na.
"So, ano namang case ang nangyari sa three month relationship mo?" tanong nya na parang ineexpect na nya kung ano ang nangyari.
Napasimangot ako at tumingin sa kanya. "Pinerahan ako, ano pa ba? Tama na nga ang tungkol sakin, kakalbuhin ko na yang panot mong ulo."
"Excuse me hindi ako panot ngayon, nagwig kaya ako! Sshh!" parang batang sabi nya.
"Alam mo hindi talaga tumutugma yang edad mo sa pagkaisip bata mo noh? Act base on your age, will you?" yamot na sabi ko sa kanya.
"Nah! Maikli na nga lang buhay ko magiging bugnutin pa ako kagaya mo. Anyway, napag-isipan mo na ba ang pabor ko?"
"Ah yung sinasabi mong pinakauna at huli mong pabor sakin? Pinag-iisipan ko pa wag kang atat okay?" sagot ko sa kanya at nagpunas na ng bibig.
"Ay, Col! Tignan mo ang anak ko ang ganda ganda talaga!" sabi nya at akmang ipapakita ang picture from his phone pero winave ko ang kamay ko. "No, thanks."
Sumimangot naman sya at parang tanga na nagscroll sa phone nya. "Alam mo France, di ko talaga maimagine na pinatulan ka ni Miss Francesca Fuentes. Model sya, maganda, mas matangkad sayo tapos, pinatulan nya ang matandang kagaya mo?"
Nailapag naman nya ang phone at dinuro ako. "Hoy! Marinig ka ng asawa ko multuhin ka non! Sino ba naman di magmamahal sakin? Gwapo – "
"Konti."
"Mayaman – "
"Galing sa parents."
"Responsable – "
"Pwede na."
"Mata – "
"Hoy France! Para ipaalala ko sayo, hindi ka matalino! Puro palakol ang grades na pinakita mo samin ni Danica! Ulyanin ka na din?" taas kilay kong tanong sa kanya.
"Sungit mo naman! Joke lang eh! By the way, alam mo ba, nadiscover ng school ang talent ng nag-iisa kong magandang anak." Nakangiting sabi nya.
"Ano namang talent mayroon ang anak mo?" tanong ko sabay inom ng wine. "Pagkanta! Maganda talaga ang boses nya Col, seryoso!"
"Oo na lang."
"Oo nga Col! Maganda ang anak ko, may talent pa tapos mabait din at malambing akala mo ba? Bakit ba kasi ayaw mong ipakilala kita sa kanya?" tanong nya at uminom sa wine nya.
Napabuntong hininga naman ako sabay tingin sa kanya. "Anong point ang pagpapakilala sakin? Alam mo namang hindi ako friendly na tao France. Baka pag awayan pa natin kapag cold ang naging treatment ko sa anak mong mahal na mahal mo."
"Sabagay tama ka dyan. Baka nga magtalo tayo tungkol don. Pero Col.." napatingin ako sa kanya ng sumeryoso ang boses nya.
"Pag umalis na ako, I don't mind kung ikaw ang makakatuluyan ng anak ko." Nakangiting sabi nya sakin.
"Tsk, ayoko sa mahina ang utak France."
"Uy grabe ka! Natuturuan naman sya!"
"Bakit ba kasi sa dami ng mamanahin nya sayo ay yung brain capacity pa talaga? Di gaya ni Miss Francesca na sobrang talino."
"Oy kanina mo pa ako nilalait ah!" natawa ako ng namula na yung mukha nya sa inis.
"Hahahaha!" sabay na tawa namin ng marealize namin na puro kalokohan pala ang usapan namin. Hay nako France Clark, ikaw ang pinakamatandang best friend ko na mas isip bata pa sakin.
BINABASA MO ANG
MYstress (Mistress)
Детектив / ТриллерUnang una sa lahat ay wag po mag-expect ng something from this story. Ang author po ay nagsusulat lang depende sa flow ng kanyang utak. At kapag walang utak? Walang sulat. Charr! Hindi naman sya description diba? Hirap po i-describe, sa prologue na...