T H R E E

3.5K 91 1
                                    

Frances POV

It's been a week since new year's over and that new year is one of the happiest kahit na ang lungkot ng place. But I don't care! As long as I'm with daddy ay masaya ako.

Mamaya ay agad ko syang pupuntahan dahil ayaw na ayaw nya raw na nags-skip ako ng school. Dahil kung magskip daw ako ay mas lalong wala akong matututunan. The thing is.. wala naman akong natututunan.

Ampalaya shake kaya ang dalhin ko? Wag malamig!

"Okay class, bring out your Araling Panlipunan module and turn it to page 134." Pagkasabi pa lang non ni Miss ay agad naming inilabas ang mga modules namin.

"Class – "

"Excuse me." Naputol ang sasabihin ni Miss kaya agad akong napatingin sa harap at mula don ay kitang kita ko si Kuya Rey na tapat na butler ni daddy.

"Yes? How may I help you?" tanong ni Miss pero inilibot nya ang tingin nya at ng huminto sakin ay agad ko syang sinenyasan na umalis na dahil ayoko na naiistorbo ako sa pag-aaral ko.

Pumapasok ba ang napapag-aralan ko sa utak ko? Sometimes!

"Oy Frances, di maganda kutob ko dito." Bulong ni Anne kaya agad akong napatingin sa kanya.

Humarap si kuya Rey kay Miss at nagbow. "I'm sorry for intrusion. But this is an urgent case and I really need to excuse Miss Frances.. for the whole day."

What!? Lumabas agad ako sa backdoor at sinalubong si kuya Rey. "Hey! Frances! Sasama ako!" rinig kong tawag ni Anne pero naiinis talaga ako.

"Kuya! Ilang beses ko bang sasabihin na wag mo akong – " he cut me off and say the three words that turn my world upside down.

"He left us."

Nabato ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig kay kuya Rey. "Frances!" huling narinig ko ang pagtawag ni Anne sa pangalan ko bago pa sakupin ng kadiliman ang paningin ko.

///

It's been a month at ngayon ay nagluluksa pa din ako dahil umalis si daddy. He left me a letter but I'm too weak to open it.

Anne never leaves my side at sobrang thankful ako don. Kanina lang ay tuluyan ng nagtago si daddy sa lupa at walang araw na hindi dumagsa ang bisita at patuloy akong inaalo pero wala eh.. ang sakit sobra.

Every time na kaharap ko si daddy ay umiiyak ako. Nung una hagulgol pero habang tumatagal ay pumapatak na lang ang luha ko na kusa at sobrang alalang alala si Anne.

Sinagot ko ang tawag ng hindi tinitignan ang caller. "Yo dude Frances!"

"Yo Anne." Walang ganang bati ko.

"Awww di pa din pala bumabalik ang dude ko? Okay lang hindi ako magsasawang hintayin ka dude! Don't skip your meals and take care always!" Hyper na sabi nya kaya kahit papaano ay napangiti ako.

"I will. See you soon." She chuckled at pinatay ko na ang call.

Sa loob ng isang buwan na yon ay never akong nagskip ng school. Kitang kita ko ang awa sa mata ng schoolmates ko sa tuwing dumadaan ako sa harap nila. Bakit hindi?

Dahil kumalat na parang apoy ang balita at idagdag mo pa na ang kilala nilang hyper na Frances na halos batiin ang lahat ay nawala.

Tinignan ko ang buong room na kulay brown which is kwarto ni daddy dito sa bahay at umiyak nanaman.

Bakit naman po iniwan nyo ako agad? Mag-isa na lang po ako oh. Uuwi tapos babatiin ng maids pero wala ng sumasalubong na hyper na daddy.

Why all of a sudden? Bakit ang bilis naman? I'm alone now and I feel so lonely..

///

Week had passed at parang sarili ko na din ang umawat sa ginagawa kong pagmumuni muni.

Ano ang sabi ni daddy? Think positive always! Tama! At dahil don ay nabuhayan ulit ako. Why? Dahil ngayon ay magkasama na ulit si mommy at daddy and I am happy for them.

Should I follow? No of course! Baka pagdating ko sa taas ay masermunan ako ni daddy eh. At isa pa nakapagdecide na ako sa course na kukunin ko sa college. Ano pa nga ba? Edi business related!

Decided na ako na ang magtatrabaho sa lahat ng iniwan nila at hindi ako susuko hanggang sa matuto ako!

"Hey yo dude Anne!" masiglang sigaw ko sa hallway at agad na tumakbo kay Anne sabay yakap sa kanya.

Humiwalay sya sakin at tumingala sabay hawak sa balikat ko. Oops, hanggang balikat ko nga lang pala si Anne.

"Dude! Nagbabalik ka na! Welcome back! Yahooo!" sigaw nya at para kaming tanga na nagyakapan at nagtatalon dito sa hallway.

"Oy may dadaaan!" sigaw ng isang lalaki at agad kaming gumilid. "Sorry." Sabay naming sabi pero maya maya ay ngumiti din.

"At dahil nakabablik ka na. Treat mo ako ng ice cream after school?" nakangiting sabi ni Anne habang naglalakad kami papunta sa classroom. "Sure! Malakas ka sakin eh!"

"Sabi mo yan ah!"

"Naman!"

MYstress (Mistress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon