O N E

5.7K 118 1
                                    

Frances POV

"Frances!" nabitawan ko ang ballpen ko sa sobrang gulat ko sa babaeng tumawag sakin. "Oh bakit Anne?" tanong ko sa kanya.

"Lunch na tayo!" sigaw nya pero agad akong umiling. "Hindi pwede! Tinatapos ko pa itong pinapasagutan ni Miss sakin eh!" sabi ko sa kanya at tintukan ang ginagawa ko kaso..

"Aray! Bakit ba nambabatok?!" inis na sigaw ko sa kanya.

"Gaga! Anong tinatapos?! Eh di mo nga masagot sagutan yang number one eh!"

"Aaaaaanne!! Ang hirap naman kasi nitong math eh! Tulungan mo naman ako." Nagmamakaawang sabi ko sa kanya.

Bumuntong hininga naman sya. "Bakit Frances? May madali bang subject sayo? Lahat kaya mahirap para sayo!"

"Eh hindi ko naman kasi magets talaga eh!" sabay gulo ko sa buhok ko. Syet! Makakapasa ba ako nito!? Lagot nanaman ako kay daddy nito!

///

"Miss Clark! Ano ba naman yan? Araw araw naman akong nagtuturo sa klase pero bakit ni isa wala ka manlang naitama?" dismayadong sabi ni Miss matapos nyang check-an ang papel ko.

Huhuhuhu! Hindi ko naman kasalanan eh. "Sorry po Miss." Nakayukong sabi ko.

"Mga kabataan nga naman ngayon oh. I'm sorry Miss Clark but you have to take my subject seriously from now on. Malapit na mag fourth quarter pero ni isa sa mga previous grading ay wala ka manlang maipasa. You need to take my subject in summer." Tinignan nya ako habang nagsusulat.

"Miss!? Pero bakasyon ko na po iyon!" reklamo ko kaso napapikit ako ng hampasin nya ang lamesa. "Bakasyon ng lahat yon Miss Clark! Kahit ako! Nakakahiya naman sa susunod mong teacher kung ipapasa kita ng wala kang natutunan sakin diba!?"

Matapos ang pag-uusap or more likely ay panenermon sakin ni Miss ay lumabas ako ng office nila na bagsak ang balikat. "Nangangamoy summer class ah?" pang-aasar ni Anne kaya agad ko syang sinamaan ng tingin.

"Bakit kasi di na lang nya ako ipasa?" sabay buntong hininga. "Yo dude! Wake up! Alam mo namang walang pumasa kay Miss na hindi natuto diba? Think positive ka na lang about dito." Sabi nya kaya tumango na lang ako.

Siguro nga para naman may maipagmalaki ako kay daddy bukod sa pagiging singer ko dito sa school diba? Kahit manlang makapasa ako ng hindi nagrerepeat. Kaya mo yan Frances! Para kay daddy!

"Ay Frances, samahan mo nga muna ako sa Media Room, gagawa lang ako ng balita na ipapasa ko sa TLE natin." Tumango na lang ako at nagpahatak.

Anne Joy Denmark is my best friend. Kung ako yung walang utak, sya naman yung may utak. Lagi nya akong tinutulungan kahit na wala naman akong natututunan pero kahit ganon ay di sya nagsasawang turuan ako. Kaya mahal na mahal ko yang best friend ko na yan eh!

And I am Quinn Frances F. Clark, fifteen years old, anak ni daddy France Clark na isang multi billionaire na businessman dito sa bansa. Kahit na mayaman kami ay never binili ni dad ang isa sa mga teacher ko para lang ipasa ako dahil nakikita nya raw ang sarili nya sakin.

Dapat daw akong magsikap para sa sarili ko dahil kung sakaling maiwan nya raw ako ay walang ng tutulong sa sarili ko bukod sakin which is true, right?

Natatakot ako na iwan ako ni daddy someday lalo na ngayon dahil bukod sa may edad na si daddy ay wala na din si mommy.

My mommy died because of a heart attack. Si mommy ay isang famous model nung kabataan nya at kilala sya bilang si Francesca Fuentes. She married my daddy at the age of twenty nine pero si daddy non ay fourty nine na.

Kaya naniniwala talaga ako na age doesn't matter! Pero ang hindi alam ni daddy ay may heart disease pala si mommy kaya mula non ay inalagaan nya ito, kaso inatake naman si mommy sa puso sa sobrang pag-aalala dahil aksidenteng nabangga ako ng isang motor nung nagpipicnic kami sa park.

Kaya kasabay ng pagising ko sa hospital ay.. I lost my mommy and I was only ten years old at that time.

Sobrang hirap sa side non ni daddy, lagi ko syang nakikitang umiiyak gabi gabi in front of my mommy's picture. Pero masaya ako dahil five years ago ay hindi na umiiyak si daddy whenever she sees my mommy's picture, I don't know why but I am thankful.

"Guys! Dito muna si Frances ah!" sigaw ni Anne sa lahat at nagsitanguan naman sila. Ngumiti naman ako sa kanilang lahat at kumaway.

"Kuya Josh dito kami sa Private room manonood ha?" paalam ni Anne sa senior namin at agad syang pinayagan.

"Tara dito Frances maupo ka." Umupo ako sa tabi nya at agad nyang binuksan ang tv.

Our jaw dropped dahil sa balitang unang bumungad pagkabukas na pagkabukas palang ng tv.

Agad akong napatayo at kinuha ang mga gamit ko pagkatapos ng balitang yon. "Frances! San ka pupunta?" tanong ni Anne.

Tumingin ako sa kanya at bumuntong hininga. "Kailangan kong makausap si daddy. Mauuna na ako Anne, take care." Mabilisang sabi ko at agad na tumakbo papuntang parking lot.

Akala ko ba daddy wala tayong lihiman? Pero ano to? Nakakainis!

MYstress (Mistress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon