Frances POV
It's Saturday afternoon at kakatapos ko lang kumain. Andito ako ngayon sa sala habang tinitignan ng maigi ang lahat ng quiz at third quarter exams na nangyari nung mga nakaraang araw.
Di ako makapaniwala habang isa isang tinitignan ang mga papel. Seriously?!
Half ng quizzes ay bagsak pero ng magluksa ako ay ang mga sumunod na quizzes ay pasado na, although hindi perfect ay mas mataas sya kaysa sa minimun. At heto pa!
Lahat ng third querter exams ko ay pasado! Even math! Di talaga ako makapaniwala kaya nakanganga akong nakatitig sa mga ito.
Seryoso ba to? Dapat bang nagdadalamhati ako para makapagfunction ang utak ko? Grabe naman kung ganon!
"Hello dear Frances." Nakangiting bati ng isang nakaformal suit na babae at may hawak na brief case. Ngumiti naman ako at bumeso sa kanya. "Hello tita Pia." Nakangiting bati ko sa kanya.
"Seeing you doing good right now ay di na ako ganon nag-aalala." Nakangiting sabi nya at naupo sa harapan ko. Agad ko namang iniligpit ang nagkalat na exam papers sa lamesa at ngumiti sa kanya.
Si tita Pia ay hindi ko talaga tita dahil sya ang pinakapinagkakatiwalaan na lawyer ni daddy. Since lagi ko syang nakikita so I decided to call her tita na lang dahil di naman na sya naiba samin.
"Okay Frances. Listen carefully dahil hindi masyadong magstay si tita dahil marami pa akong appointment okay?" tumango naman ako at inayos ang sarii ko.
"Tungkol ito sa lahat ng pagmamay-ari ng daddy mo. Wag ka sanang magagalit dahil sya mismo ang nag-utos nito at ako lang ang napagkatiwalaan nya. Okay?" ngumiti naman ako ng malaki at tumango.
"Syempre naman po tita! Aalagaan ko po lahat ng business ni daddy at magdodoble aral po ako para lang matuto at mapangunahan po lahat ng ipon ni daddy." Deteriminadong sabi ko.
"About that.. walang iniwang pamana sayo si France." My jaw dropped and process everything inside my head.
"Ano po?" di makapaniwalang tanong ko.
///
Base kay tita at sa mga papels na pinapakita nya. Hindi ako iniwanan ni daddy ng kahit anong mana at lahat ng naiwan nya ay.. binigay nya sa bago nyang asawa!
Meaning, nakapangalan lahat sa bago nyang asawa ang lahat ng pagmamay-ari namin at kahit piso ay di ako iniwanan.
"Wanna know what iha, sobrang nagtataka talaga ako dahil di ka manlang nya iniwanan pero buo talaga ang loob nya ng makausap ko sya. Doon nya talaga iniwan sa napangasawa nya and hindi ka pa pwedeng humawak ng company dahil wala ka pa sa legal age. Here's the copy" Sabi ni tita at inabot sakin ang isang papel.
Colleen MacGrath
Yan ang pangalan ng bagong asawa ni daddy? Tsk! Panigurado mas maganda pa din at mabait si mommy! Her name can't even compare psh!
"It also stated here na titira kayo na magkasama dito sa bahay." Sabi ni tita pero agad akong napacross arms. "Titira po na magkasama? Eh never ko pa nga po syang nakita o narinig kahit boses nya eh."
"Hahaha maganda ka pa din kahit galit. Alam mo yun iha? Kamukha kamukha mo talaga ang mommy mo." Suddenly lahat ng bad vibes ay nawala dahil sa sinabi ni tita.
"Thanks po."
"Oh by the way, kaya wala pa ang stepmom mo dahil sya ang lahat ng nag-ayos kay France hanggang huli. Mauuna na ako ha?" tumayo na si tita kaya agad na din akong tumayo.
Saktong paghawak ni tita sa brief case ay bumukas ang malaking pintuan at mula dito sa pwesto namin ay rinig na rinig ang takong ng sapatos na papalakas na papalakas.
"Oh, andito na pala sya eh. Hello Miss Colleen." Ngumiti si tita at nagbow pa. Nang huminto ang takong na nakakarindi ay humarap ako sa tinitignan ni tita.
And my jaw dropped again! Iniling ko ang ulo ko at umupo ulit. No! Nakashades lang sya kaya sya maganda!
///
Naka-upo ako dito sa isang single couch habang nag-uusap silang dalawa na magkaharap sa isang long couch. At mula dito ay titig na titig ako sa sinasabing step mom ko daw!
She's a foreigner base on her physical appearance pero sa tingin ko half half dahil magaling magtagalog eh!
Blonde ang buhok nya na may highlights na light blue na talagang mapapansin mo pag titingin ka sa kanya. Even her eyebrows ay blonde tapos mayroon syang maliit na mata pero di naman singkit at ang hahaba pa ng mga pilik mata nya pero makikita mo naman sa black orbs nya na nababagot na sya.
May pagkamaliit ang mukha nya at mukhang mas matanda lang sya sakin ng kaunti kung titignan tapos kapag titingin sya sa ibang direksyon ay makikita mo kung gaano katangos ang ilong nya. Plus mayroon din syang small, pinkish at semi pouted na lips na sobrang cute!
Umiwas agad ako ng tingin ng tumingin sya sakin. Alam nyo, mas mukha ko pa syang ate kesa stepmom! Matangkad din sya at maputi. Kung si Anne ay hanngang balikat ko lang, malamang ay ganon naman ako sa stepmom ko dahil pagdaan nya kanina sa gilid ko ay hanggang braso lang ako dahil sa pamatay na heels nya.
"Thank you for coming Pia Oderel." Sabi ni stepmom at nakipagkamay kay tita. Bumeso naman si tita sakin at umalis na.
"Colleen MacGrath is my name. And you are?" nakade-kwatro na tanong nya. Wow! Ang taas ng tingin sa sarili ah.
"Quinn Frances Clark, the only daughter of France Clark." Tumango tango naman sya sabay tayo tapos humawak sa maleta nya.
"Just call me Col, wag na wag mo akong tatawagin na mommy dahil hindi ako ang mommy mo." Sasagot na sana ako but she motioned me to stop so I did.
"I only have one rule. Wag na wag mo akong iistorbohin dahil ayokong naiistorbo ako. Got it? I'll take the guestroom on the right wing before your room. Have a nice day." Tuloy tuloy na sabi nya tapos sinuot ang shades nya at lumakad habang hatak hatak ang maleta nya.
Wow talaga wow! May ginawa ba ako sa kanya!? As long as I remember ay ito ang unang pagkikita namin! Kung makademand akala mo.. ugh!
Napakasungit! Ito ba yung sinasabi ni daddy na habaan ko ang pasensya ko?! Ngayon nga sagad na eh!
At teka.. san daw sya magroroom?
I'll take the guestroom on the right wing before your room.
What?! Ayoko syang makatabi ng kwarto!
"Hey wait!" sigaw ko at agad na humabol paakyat.
BINABASA MO ANG
MYstress (Mistress)
Mystery / ThrillerUnang una sa lahat ay wag po mag-expect ng something from this story. Ang author po ay nagsusulat lang depende sa flow ng kanyang utak. At kapag walang utak? Walang sulat. Charr! Hindi naman sya description diba? Hirap po i-describe, sa prologue na...