Proposal.
Belleza."Look oh! Andito nanaman siya! Sumasakit talaga eyes ko kapag nakikita ko siya!"
"I know right! Nakakadiri iyong itsura niya!"
"Ang panget niya talaga! Hahahaha!"
"Never in my life akong magkakacrush sa kagaya niya, bro!"
I lowered down my head and secretly smirked. This people, really? Hindi naman siguro ganoon kakulang ang pera nila kasi narito sila sa isang elite school. Bakit hindi nalang sila bilhan ng mga magulang nila ng aruga? Mukhang nakulangan kasi sila no'n.
Pathetic spoiled brats.
I'm walking in this hallway habang nakababa ang aking ulo, trying to avoid their judgemental looks. With big eyeglasses, braces, messy hair, and a big school uniform, who wouldn't have judged me? In this world full of judgemental people, all I can do is watch their false accusations and dirty judgments.
Kung sabagay, it's better to have a life in their world rather than have a life in my old world. Mas gugustuhin ko pa'ng malait kaysa mautusan na manakit. Kaya, hinding hindi ako magsisisi na pinili ko ang buhay na ganito.
Once I reached the classroom's door, I deeply sighed. Mukhang alam ko na ang mangyayari. I opened the door and immediately backed away. Ayaw kong madumihan nanaman. At tama nga ang hinala 'ko, may nahulog na isang eraser na punong-puno ng chalk powder. Tumingin ako sa mga estudyante na nasa loob ng classroom. Ang iba sa kanila ay nakangisi, ang iba naman ay mukhang dismayado, at mayroon namang mga deadma lang.
I mentally smirked. Dismayado talaga sila dahil hindi ako nadumihan. Tamang tama pa naman iyong timing nila. Alam na alam talaga nila kung anong oras ako pumasok. Kaya wala ring sumasabay sa pagpasok ko dahil alam nila na may mangyayaring masama sa kanila.
Well, I'm not a narrow-minded person.
Kalmado akong pumasok sa classroom at pumunta sa pwesto ko. Pero bago ako umupo, sinipa ko naman ng mahina ang upuan ko at bigla naman itong nabuwal dahil bali ang paanan nito. Pangalawang upuan na 'to ah?
Lumipat akong muli ng pwesto. Doon ako umupo sa malapit sa bintana. Since kakaunti lang naman ang nasa klase na ito, maraming bakanteng upuan. Hindi pa rin ako makapaniwala na napunta ang mga ito sa top section. Sabagay, matalino naman sila. Pero parang pang-elementary ang ugali. Napaka-childish.
Habang pinagmamasdan ko ang nasa labas ng bintana, hindi ko maiwasang maisip na nakalaya na rin ako sa wakas. After kong magtiis ng napakaraming taon, naging malaya na rin ako.
Napalingon ako sa harapan ko nang may magbagsak ng kung ano on my desk.
Ah, the bitch is here.
"Hey nerd, do my assignment."
Imbis na sumagot, ibinalik ko ang tingin ko sa bintana. Magsasayang lang ako ng oras sa isang gaga na katulad niya. Nakakainis 'yong pagpapaka-bitch niya. Feel na feel, akala mo naman bagay.
"Hey! Look at me!"
At dahil ayaw kong marindi ng tuluyan sa boses niya, tumingin ulit ako sa kaniya. Bakas sa mukha niya na inis na siya. Magkasalubong iyong dalawang kilay niya at nakakunot rin ang noo.
BINABASA MO ANG
Fragments of Her Name (formerly WTNBP) || HIATUS
Teen Fiction"Stop complaining how problem always go in your way. That's how life works." "Problem is my other half. It's always at my side and never leaves me alone like how people do." "I just want to live a normal life and it takes too long to come true." Fr...