〔two〕

5K 122 15
                                    

‼️ Media ahead. Data/Internet are requested. ‼️

Early Revelation.
Belleza.

["Where the hell are you?!"] sigaw ng kausap ko sa telepono.

"Papunta-"

["Kanina ka pa hinihintay! Konting bilis at nakakahiya sa kanila!"]

The last thing I remember, we're just rivals in acads. Pero ngayon, bakit parang kung umasta siya'y ang close namin sa isa't isa? Nakakairita ha?

"Oo na. Pakihintay-" at binabaan pa ako ng telepono. Bastos.

I immediately grabbed my bag and put my eyeglasses on. I bid Ms. Rinn goodbye and saw Butler Rick outside the car.

"Chop chop Rick!"

Hindi niya naituloy ang pagbubukas sa akin ng pinto ng sasakyan at daliang dumiretso sa driver's seat. Hindi na talaga ako magpupuyat lalo na kung alam kong may meeting kami. After ng iyakan session namin ni Raine ay nagpumilit pa itong manood ng Barbie. At dahil marupok ako sa mga batang katulad niya, pumayag ako. Naalala ko tuloy yung sinabi niya kagabi bago manood...

"'Wag... turog, ade."

Napilitan pa akong magkape para lang masabayan ko siya manood.

Pagkadating namin sa back gate ng school, bumaba ako ng kotse at sinigaw nalang ang aking paalam. Walang humpay ang pagtakbo ko para lamang makarating sa Office of The Board. Nakita kong nasa labas nito si Rio at nang magsasalita na sana ito para ako'y dakdakan, tinaas ko ang palad ko at hinarap sa kaniyang mukha.

Huminto ka munang gago ka. Please lang.

'Wag lang siyang magkamaling sermunan ako at baka ingudngud ko siya sa pinto, sinasabi ko sa inyo. Hindi pa ako kumakain at kulang pa ako sa tulog. Baka matuluyan ako dito ng wala sa oras. I still have so many plans in life.

"Tagal," rinig kong bulong ng aking katabi na nagpairap nalang sa akin. Sinenyasan niya akong kumatok at bago ko iyon gawin, huminga muna ako ng malalim.

I heard rustling sounds and I saw Ms. Rinn's secretary when the door was finally opened. Rio and I both greeted good morning to them and they do the same to us.

Actually, hindi po good ang morning ko.

Pagkaupo namin ni Rio sa upuan, agad nilang sinimulan ang meeting.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit kami kasama sa meeting ngayon. Approval lang naman namin ang hinihintay pero required 'din bang makialam kami AGAD sa issues ng school? Kasi kung oo, sana natulog nalang ako ng maaga. Sana hindi ko na pinayagang matulog si Raine sa kwarto. Sana hindi ako naging marupok.

And just to clarify ha, hindi pa kami pumapayag ni Rio. Excuse sa kanila, masyado silang advance.

"What can you say, Ms. Martinez?"

I turn around when I heard the head of board called my name. Huli na nung aking mapansin na nakatingin na silang lahat sa akin na animo'y naghihintay ng numero sa lotto. Lutang lang naman, pasensya.

"E-Excuse me sir?" Narinig ko ang pagtawa nito ng mahina bago ulitin ang sinabi.

"We're talking about the division of the students," nudaw? "Since any minute now, you both will be part of the council, we..." ay sir hindi pa po kami uma-agree, desisyon kayo eh. "... might as well tell its very own secret."

Muntik na akong masamid sa sarili kong laway nang marinig ang sinabi niya. Its very own secret, huh?

Tumingin ako kay De Guzman na nakatingin na pala sa akin. Naalala ko tuloy 'yung pinag-usapan namin kahapon. Mukhang hindi na niya matutuloy ang 'imbestigasyon' niya ah.

Fragments of Her Name (formerly WTNBP)  || HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon