Saplot sa aking paa

778 4 0
                                    

Kaya kong tumalon talon kahit pa napakataas.
Kaya kong maglakad kahit sobrang layo.
Kaya kong tumakbo ng sobrang bilis.
Ngunit kakayanin ko rin bang, tumakbo ng walang saplot sa paa?
Iniisip ko pa lang na tumakbo,tumalontalon,maglakad ng sobrang layo, di ko na ata kakayanin pa!
Sinsabi ko pa lang. Iniisip ko pa lang. Dinedetalye pa lang ng akin isipan, na tumayo ng sobrang tagal ng walang suporta sa aking mga paa..
Sobrang sakit at hirap naman 'ata.

Makakatayo pa ba ako ng walang saplot sa paa.
Makakalaban pa ba ako ng walang suporta ang aking paa.
Kakayanin ko pa ba kung walang gumagabay sa. aking paa.

Kakayanin ko pa nga bang tumayo ng mag isa?
Kakayanin ko bang supurtahan ang sarili ko magisa?,ng walang gabay galing sa iba.

Pa'no na lang yung mga pangarap ko,na gusto ko matupad kasama niyo.
Paano ako maglalakad paalis sa kanaroroonan ko,paano ako maglalakbay sa mundo kung wala kayo sa mga paa ko paano yung mga pangarap na natupad ko kung di kayo sasama sa paglalakabay ko aanhin ko ang mga medlyang natanggap ko kung di ko rin kayo makakasam sa buhay na nais ko, baka kasi di ko makaya ng walang saplot sa mga paa namaglakabay magisa sa mundo inaapakan ng aking paa..

Isang dipa ang layo sa akin, ng matutulis na bato
Dahil, nandito ako sa patag na lupa na malapit sa kinaroroonan ng mga bato
Malapit ko ng maapakan ang mga ito, at alam kong dada'gos ang mga dugo dahil sa hirap at sakit na mararamdaman ko.
Pero nagtitiwala ako sa saplot ng mga paa ko na di nila pababayaan na sobrang masaktan ako kasi sila ang nag gagabay dito sa paglalakbay kong ito.

Alam kong matatapos rin ito.
Kaya ko,kinakaya, makakaya lahat ng mapagdadaanan ko dahil di naman nawala ang saplot ng mga paa ko at sa dulo nitong matutulis na bato ay may naghihintay na tubig para naman ay malinis na ako na parang ibang iba na ako kasi napakalinis ko ng tao.

Paano na lang kung dumating yung araw na wala na kayo.
Mananatili pa kaya akong nakatayo?
Makakatras't abante pa ba ako
kung wala na kayo sa mga paa ko?

Spoken poetry tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon