Saan na nga ba ako lulugar pa?

779 9 0
                                    

Sa madilim na daan kung saan akala mo magisa ka na,
Yun pala nakapa-libot pa rin sila yung mga mata,matang mapanghusga.
Di ko na nga alam kung saan na lulugar pa?

Dahil sa mga kilos mo,postura,o saang angggulo pa man ay akala mo ang dami na nilang nalalaman.
Pati ata tigyawat ko sa mukha nabilang na nila dahil sa sobrang mapagobserba.
At kung makapanghusga ng itsura akala mo perpekto sila,
Masisisi mo ba ako kung ito ang binigay na biyaya?

Siguro kung ako'y maputi, makinis ,o maganda na wala na silang masasabi pa.
Ay teka... ako ay nagkamali ata...meron pa pala yun yung:
"BIDA-BIDA dahil ata sa atensyong nakukuha"
"MAPUTI lang daw dahil sa puting gluta kahit alagang kis-kis balat lang talaga"
"MAARTE dahil lang sa kilos at pananalitang naging mahinhin na"
Saan na ba ako lulugar pa?

Parang gusto ko na lang magisa,
Yung tipong ako'y naglalakad sa gilid ng isla na sarili mo lang ang kasama.
Siguro naman ay makakapagpahinga na.

Ang hirap din palang mag-isa,
Dahil sa bawat pagmulat ng mata kisame na lang ang nakikita,
Yung tipong sinag ng araw na lang ang gumigising sayo sa umaga at pagadating sa kusina bakanteng upuan at lamesa na lang ang unang makikita.

Sa bawat pagtawa ay nagmumukha ng tanga at ang malala pa napagkakamalan ka ng baliwa ng iba. Eh sa konting kilos o galaw nga lang makikita mo na yung mapanghusgang mata nila.

Pero huwag ka ng magsinungaling pa,
Na gusto mo mag-isa dahil alam ko na,
Alam ko na ang ibig sabihin ng "gusto kong mag-isa" ay "gusto ko ng makaka-sama".
Kaso parang napakamalas mo ata dahil darating nga ang araw na magkakaroon ka ng kasama ngunit kasamang mapanghusga .akala mo no sasaya ka na?

Yung may mga matang andaming salita,
Salita na akala mo nakakatuwa kaso ang totoo ay tagos tao na.
Yung tipong gusto mo na lang magpalamon sa lupa,
Dahil di mo na alam kung saan na lulugar pa.

Kung akala niyo matatapos na ang aking tula teka maghintay kayo ng ilang sandali pa,
Dahil gusto ko munang tanungin yung gumagawa ng isang raketa kung nagbebenta ba siya ng isa,kase kung OO, ako'y pipila sa lotto para mapanalo yung isang milyong pa-premyo, kahit siksikan pa yung mga tao

At susukan kong maging si "San Goku"
Baka sakaling makapunta sa ibang planetang walang mapanghusgang tao.
Mapa-mars, venus, o neptune pa yan,
Basta malaman ko lag yung lugar kung saan ba talaga ako nababagay,kaso paano kung hindi pa rin doon?
Paano kung hindi pa rin yun yung lugar na para asa akin
Paano?
Aba!kung wala naman talaga pwede bang mag pabugbog na lang kay berna?

Pero..ako ay maghihintay kung saan ba talaga ako nababagay.
Pero paano pag napagod na ako kakatanong sa tanong na SAAN BA TALAGA AKO LULUGAR?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spoken poetry tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon