Chapter Three : The Payment

62 6 0
                                    

      Welcome to Hell! ‘Yan lang ang tanging pumasok sa isip ko pagkarating namin sa bahay ng halimaw na ito.

“I know you’re amazed.” Pagmamayabang nya. “Welcome to my house!” dagdag pa nya na nakangiti ng nakakaloko.

“Yeah! Welcome to hell.” Sagot ko naman sakanya.

“Haha. Hell?” natatawang tugon nya.”It’s worst than that.” Aniya at pumasok na ng bahay. Pumasok na rin ako, kahit di nya sinabi. Dito rin naman talaga ko papunta diba?

     Pagpasok ko palang ay sobra na akong namangha sa mga nakikita ko. Mamahaling chandelier ang nakasabit sa kisame nila. Mga painting at kung anu-ano pa.

”Wow!” sabi ko at linibot pa ang tingin.

“Miss?” napalingon kaagad ako sa nagsasalita.

"Hah?"

"Bawal po kayong pumasok dito." Sabi pa nya

“Pero kasama ko ang may-ari nito.” Pagdedepensa ko sa sarili.

"Sige nga, kilala nyo po ba kung sino ang may-ari nito?"

"Oo, si… patay! Nakalimot ko."  nakagat ko nalang ang labi sa pangyayari

"Ah. Basta ate, kasama ko talaga ang may-ari nito si… si… yung halimaw!” bigla kong nasambit.

“Tingnan nyo ‘to. Umalis na po kayo ma’am. Bawal po talaga kayo rito.” Sabi nya at bahagya akong tinulak papuntang pintuan.

"Ang tigas rin ulo mo ate, noh? Sabing kilala ko ang may-ari nito eh.”

“Mas matigas po ang ulo nyo ma’am. Halata na nga na hindi nyo kilala, eh hindi parin kayo umalis. Umalis na po kayo ma’am. Bago pa dumating si sir-“ hindi sya natapos sa pagsasalita dahil may bigla nalang nagsalita sa likuran ko.

“What’s going on?” aniya

“Sir,” pabulong na tugon ng katulong, "ang babae po kasing ‘to, ayaw lumabas."Dagdag nya.

“Who’s that girl?” tanong naman nung lalaki. Liningon ko sya at nanlaki ang mata ko, habang unti-unting  nabubuo ang ngiti sa aking mga labi, “Kuya Pogi?” sambit ko. Tama! Kambal nga pala sila nung halimaw kaya andito rin sya.

“Oh, by chance, are you… Who are you?” tanong niya habang nakakunot ang noo.  Medyo naningkit ang mata nya, at tila iniisip kung nakita na nya ako.

“You’re the girl in the ship, right?” at sa wakas ay naalala nya rin.

“Yes.” Simpleng sagot ko

“Sir, magkakilala po kayo?” pag singit naman ng katulong.

“Not literally. But, you,"  sabi nya sabay turo sa akin, “What’s your name again?”

“Belle po. Belle Yu.” Sagot ko

“Yes, Belle. Belle, by chance, why are you here?” nagtatakang tanong nya.

“Eh kasi, dinala ako dito ng halimaw na ‘yun.” Sagot ko naman.

“Halimaw?” kunot noo nyang tanong

“I mean, yung kambal mo."

“Ah, si Harry.” Aniya at tumatango-tango pa. Harry nga pala pangalan nun. “Ano na naman kayang plano nun? Anyway, come in. Pupuntahan ko lang si Harry sa taas.” Sabi nya at umakyat na sya sa taas para puntahan ang halimaw nyang kapatid.

    Ilang minuto na ang nakalipas ay wala paring bumaba, hanggang sa may lumapit saking katulong  at tinuro ang daan papunta sa kwarto ko daw.

“This way ma’am.” Aniya habang dala-dala ang maleta ko.

     Pagpasok ko ang unang bumungad sa akin ay ang isang napaka-kalat na kwarto. Alam ko ‘to eh, alam ko, alam kong isa itong bodega! Peste! Walangyang Harry ‘yun.

Nang may biglang nagsalita sa likuran ko, “Ok na yan kaysa wala.”

“Ay kabaw!”  sambit ko. Hindi naman sya mahilig manggulat noh? Sa kaniyang sinabi ay napaisip ako, ok na nga ‘to kaysa matulog ako sa kalye.

“Ang uniform mo nasa isa sa mga kahong ‘yan. Pag nakita mo na, magbihis ka.” Sabi nya at umalis. Finding Nemo ang peg?

       Dahil wala naman akong ibang magawa, ay hinanap ko nalang ang uniform sa kahon. Hanap dito, hanap doon! Halungkat dito, halungkat doon. ‘Yan lang ang ginawa ko sa halos sampung minuto, pero hindi ko parin sya nakita.   “Pesteng damit ‘yan. Magpakita ka naman!”  napasigaw nalang ako sa sobrang pagod. Ipinagpatuloy ko na ang aking ginawa, hanggang sa isang kahon nalang ang natira at hindi ko pa nabuksan. Sa tingin ko nandito na talaga sya. Ngunit pag-tingin ko ay may pangalan ang kahon, ang nakasulat dito ay “Memories with Her.”

“Ang drama naman ng nagsulat.” Sabi ko sa aking sarili. Hindi ko nalang pinansin ang pangalan at binuksan na ang kahon. At unang bumungad sa akin ay litrato ng batang lalaki na naka-akbay sa batang babae. Base sa litrato, makikita mong sobrang saya ng mga bata, at sobrang malapit sila sa isa’t-isa. Linagay ko na ang litrato sa sahig, at kukunin  na sana ‘yung isa pang litrato, ngunit may biglang umagaw nito.

“Don’t you dare touch this!” sabi nya at kinuha ang litrato.

“I’m sorry.” n

A Cebuana Girl in Manila [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon