Mabilis kaming dumating sa ospital at nagtanong agad kung saang kwarto naroon si Harry.
"Harry ," mahinang tugon ko pagkakita ko sakanya sa kwarto na nakahiga at may maraming sugat.
"Belle," nanghihina nyang sambit, " I thought you'll go back to C-Cebu?" tanong nya na para bang hindi makapaniwala na nandito ako sa harap niya.
"Hindi ako tumuloy", sagot ko.
Huminga siya ng malalim at tiningnan ang tao sa likod ko. Tinignan ko rin si Larry. Ngunit nakatingin lang siya sa may bintana. Tsk! Ang magkambal talagang 'to !
* * *
Nandito na ako ngayon sa tapat ng gate ng Maw University. Grabe ang ganda ng view sa paaralan sa labas palang, ano na kaya sa loob neto 'no?
Dalawang linggo na ang nakalipas simula nung aksidente . Kayo ba'y nagtataka kung bakit ako napunta dito?
*Flashback*
Kagagaling lang namin sa ospital at kasalukuyan akong nakaupo sa sofa nang biglang pumasok si Lolo Shion.
"Oh, hija. Akala ko ba'y umuwi kana ng Cebu?" tila ba nagtatakang tanong niya pagkakita sa akin.
"Oo nga po sana eh. Kaso may nangyari kay Harry, kaya ayun." ang sagot ko naman sakanya.
"Ahh. Ganun ba?" tumatangong tugon niya,"Siya nga pala hija," aniya at napalingon ako ,"Bakit po?"
"May balak ka bang dito mag-aral sa Manila?" napangiti ako sa tanong niya. "Sana po.Kaso wala naman akong pera." malungkot na tugon ko.
"Wag kang mag-alala. Naghahanap ngayon ng scholar ang Maw University.At balak sana kitang i-apply, 'yun ay kung gusto mo." bigla na namang nabuo ang ngiti sa aking mga labi, "Sino ba naman pong ayaw nun,diba?"
"Sige,i-apply kita doon. Tawagan mo ang mama at mo at ipadala dito ang mga papeles na kakailanganin mo,okay?" aniya at tumayo na. "Sige po".
Nagtungo na ako sa kwarto at hinanap ang aking maliit na notebook, kung saan nakalagay ang cellphone number ni mama. Nakita ko naman agad ito at pinuntahan si Manang Berdan para makitawag.
Nakakailang ring muna, bago niya ito sinagot.
"Hello?"sabi sa kabilang linya,"Sino 'to?" tanong nito ulit. Hindi ako nakasagot agad dahil abot langit ang kaba ko.
"H-Hello?" nanginginig na tugon ko.
"Sin--Belle?!" gulat na tanong niya
"Ma", naluluhang tugon ko.
"Bata ka!Asan ka ngayon? Tinawagan ko auntie mo, wala ka daw sa Leyte. Nasaan ka ba? Baka kung ano nang mangyari sa'yo. Ok ka lang ba?" sunod-sunod niyang tanong.
"Ma,sorry po. Pero nasa Maynila ho ako ngayon," pinkit ko ang aking mata at kinagat ang aking ibabang labi.
"Manila?! Anong ginagawa mo diyan? Saan ka nakatira?Saan ko kumuha ng pagkain? Ikaw talagang bata ka, kung saan-saan ka napadpad!" medyo galit na sambit ni Mama.
"Ma, huwag na po kayong mag-aalala sa akin. Ok lang po ako. Nakakain at nakatulog ho ako ng maayos." paninigurado ko sakaniya, kasi baka atakihin 'yun sa puso.
"Ay ewan ko talaga sa'yo. Mabuti't na isipan mong tumawag? " aniya na parang kalmado na.
"Eh, kasi ma. May hihingin sana akong pabor?" nagdadalawang isip na tugon ko.