Chapter Seven : Is This a Goodbye?

22 4 0
                                    

Belle's POV

"Sigurado kana ba diyan?" tanong ni manang sa akin.

"Oo manang. Panigurado, hinahanap na ako ni mama ngayon. " sabi ko naman at isa-isa nang linabas ang mga damit ko mula sa cabinet.

"Wala akong magagawa sa desisyon mo Belle. Ang akin lang, sana'y mag-ingat ka. " sabi ni manang na nag-aalala.

"Oo naman po. Salamat sa pag-aalala. " nakangiting tugon ko. Ginantihan niya lang rin ako ng ngiti at lumabas na.

     Isang buwan na ang nakalipas simula nung dumating ako dito sa Maynila, at sa tingin ko'y oras na para umuwi ako ng Cebu. Kaka-sweldo ko lang kahapon , dahil sinweldohan ako ng mama ni Harry, at nakabili narin ako ng ticket sa barko. Sinadya ko talaga na ngayon ang biyahe, dahil wala si Harry sa bahay. Tanging si Larry lang at ang mga katulong ang narito.

      Ayokong malaman ni Harry, dahil pakiramdam ko hindi ko kayang mama-alam sakanya. Weird right? Ewan ko nga rin eh, simula nung makita ko siya sa park na may kausap na babae, at nakatawa pa siya ay nagbago na ang pag-tingin ko kay Harry.

    Kung noo'y sobra akong mainis sa tuwing nag-susungit siya, ngayon hinahanap ko na ang kasungitan niya.

At ngayon ko lang rin siya na appreciate. Ngayon, na mas dumami na ang alam ko sakanya, sa totoong siya, at ang rason kung bakit siya nagkaganyan. At ngayon pa, na aalis na ako. Siguro, ibaon ko na lamang sa limot itong nararamdam ko. Wala din naman kaming pag-asa.

 

    Inakyat ko muna sa kwarto niya si Larry, dahil hindi rin kaya ng konsensiya ko na aalis lang ng bahay nang walang nakakaalam ni isa sa mga may-ari nito. Pagkarating sa may pintuan, ay kinatok ko agad ito.

"Come in", sigaw niya sa loob. Binuksan ko naman ang pinto at pumasok sa loob.

" Oh, Belle. Have a sit." tugon niya at umayos ng upo. Umupo naman ako sa upuang inalok niya.

"Larry", mahinang sambit ko.

"May problema ka?" nag-aalalang tanong niya.

"Uuwi na ako ng Cebu." malungkot na tugon ko, dahilan para magulat siya at lumapit sa akin.

"What's the problem? Anything happened?" anito na lubhang nag-aalala.

"Ah, wala. Naisip ko lang na siguro'y oras na para umuwi ako sa amin. Total wala na akong rason para manatili pa dito, dahil may pamasahe na naman ako. At patapos na rin kasi ang bakasyon kaya tiyak hinahanap na ako nina mama." mahaba kong paliwanag sakanya. Tumango naman sya sa sinabi ko," Kailan biyahe mo?" tanong niya.

"Ngayong gabi." kalmado kong sagot

"What?! Bakit?! Ang bilis ata?" gulat niyang tugon. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. Should I tell him?

"I have my reasons,"  nakangiting tugon ko.

"Oh, okay. I understand. Pero sana magpaalam ka muna sa akin bago---Ah, nevermind. Anyway, ingat sa biyahe mo. " sabi niya.

Tumango nalang ako at nginitian siya. "Salamat", sabi ko. "Hindi mo ako ihahatid?" pabirong tanong ko.

"Sure! Why not?" masigla niya namang sagot. "Thanks," sabi ko at lumabas na ng kwarto at bumalik sa kwarto ko para ipagpatuloy ang pag-iimpake.

   Habang nag-iimpake naisipan kong mag-iwan ng sulat para kay Harry. Bilang pasasalamat man lang. Nagsimula na akong mag-sulat, at pagkatapos ay linagay ito sa envelope ,at inakyat sa kwarto ni Harry.

Harry's POV

Andito kami ngayon sa Batangas dahil may business trip ang kompanya at isinama ako ni Lolo.

A Cebuana Girl in Manila [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon