"Good afternoon , maam , sir ." sabay-sabay na sabi naming mga katulong at yumuko. Tumango lamang sila bilang ganti at isa-isang tinignan ang mga katulong at butler.
Napatigil siya sa akin. Patay !
"Who are you?" kunot noo niyang tanong.
"I'm Belle po. Belle Yu," sagot ko habang ngumiti.
"I mean, pano ka napunta dito Hindi ko maalala na hinire kita." tanong niya. Tae ! Anong sasabihin ko?
"Eh..."
"I hired her. " mabilis na sagot ni Larry. Napalingon agad ako sakaniya.
" And who gave you the authority?" taas kilay na tanong ng mama niya.
"Myself." matigas na sagot ni Larry.
"Stupid kid!" aniyang naiinis at dumeretso sa taas, at linagpasan lang si Larry.
Sa mukha naman ni Larry, ay nabuo ang isang inis na emosyon. Now, I know. Good kid pala si Harry pag nandyan parents niya, at stupid naman si Larry. Baliktad ata?
"Who cleaned the room?" napatingin kaming lahat sa nagsasalita na nasa may pintuan ng master's bedroom. Grabe ang kaba ko!
"A-Ako po," kinakabahg tugon ko habang nakataas pa ang isang kamay.
"Well, it's clean. " Hooo! Nakahinga ako ng maluwag pagkasabi niya.
"Thank you lord, mahal nyo talaga ako," sabi ko sa aking sarili.
Pagkatapos ng grand entrance ng parents nila, na kagagaling lang Amerika, ay nagsibalikan na sa kani-kaniyang trabaho ang bawat isa. Ako ay linapitan muna si Larry para makausap.
"Larry, " tawag ko sakaniya dahil naglakad siya papunta sa kusina. Lumingon naman agad siya. "Bakit?" malungkot niyang tanong.
"Salamat kanina." sabi ko.
"It's nothing." sagot naman niya at tumalikod na.
"Munting kanang mapahamak sa mga magulang mo," sabi ko dahilan para mapatigil siya sa paglalakad.
"Sanay na ako diyan." aniya at dumeretso na sa kusina.
Sa pagkakataong ito ay nakita ko ang isang bahagi ng pagkatao ni Larry. Nakilala ko siya bilang isang palabirong tao, pero ngayon, nakita ko ang seryoso niyang bahagi.
Seryoso akong nagwawalis, nang biglang lumapit sa akin ang ina nina Harry. Mabilis naman akong yumuko sakaniya.
"Where are you from?" tanong niya
"Cebu po," sagot ko naman. Tumango naman siya bilang sagot. "How long have you been here?" tanong pa niya. Ilan na nga ba? "Siguro mga two weeks na po." sagot ko naman.
"Ah.Okay. " tipid niyang sagot. "You like one of my boys?" deretso niyang tanong.
"Huh?" naguguluhang tugon ko
"Just confirming. Hindi malayo na magkakaguato ka sakanila. " aniya at bahagyang tinaas ang kaniyang balikat.
"Ah," sagot ko naman. "Wala po akong gusto ni isa sa kambal." pagsasabi ko ng totoo.
Napangiti siya sa sagot ko. Waaah! Ang ganda niya pag nakangiti.
"Sa ngayon," nanunuksong tugon niya," But, later on, you will actually fall for one of my boys." nakangiting tugon niya at naglakad na palayo. "Anudaw?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Uy, close pala kayo?" tanong n isang katulong sa akin. " Huh?"
"Swerte mo naman, nginitian ka ni maam. Kami nga halos mag-dalawang taon na ,hindi niya parin nginitian eh. " tila naiingit na tugon niya.
"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo. At sabi ni Master Shion, ngumingiti lang daw si Maam pag gusto niya 'yung tao." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Gusto daw? Sabihin nalang kaya nilang nasa mood talaga si maam kaya niya ako nginitian. Sus!
Kasalukuyan akong naglalakad sa park. Nagpaalam ako sa mga tao doon na lalabas ako, tutal wala na namang gawain sa bahay at para narin makita ko itong buong village.
Habang naglalakad ay kumakain pa ako ng junkfoods, na kinuha ko pa sa ref nina Harry.
Ngunit di sadya ay nakita ko siya. Nang makita ko ang mukha niyang nakatawa habang kausap ang isang babae, hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Ang lakas ng tibok ng puso ko, at sa sobrang lakas neto hindi ko na marinig ng ayos ang paligid. At bigla nalang akong nawalan ng lakas kaya na bitawan ko ang junkfood na aking kinakain.
Ano itong nararamdaman ko? Napakapamilyar. Kagayang-kagaya rin ito ng nararamdam ko , dalawang taon na ang nakaraan.