CHAPTER 3

5 0 0
                                    

" Hindi ba't mali ang unahin ang isyu ng iba, kesa sa bayan mong naghihirap na? "

---*

Masyadong maliwanag, hindi ko alam ngunit parang masakit ang aking mata na hindi ko maintindihan.

" Ysabel idilat mo ng paunti unti ang mga mata mo "

Kahit masyadong maliwanag ay ginawa ko.

Nang ako'y makadilat na medyo malabo ngunit unti unti ng lumilinaw. Isang salamin ang bumungad sa aking harapan.

Ako'y di makapaniwala nakikita ko na ang paligid, ang mga doctor.

" Anak, ysabel "

Ako'y napalingon sa gilid kung saan may babaeng mahaba ang buhok na kulay brown, at lumuluha. Mahahaba ang pilikmata, may itim na itim na mata. Matangos na ilong, at mapupulang labi.

Ito ba ang aking ina? Tunay na napakaganda.

" Ina ikaw ba yan? "
Lumapit siya at ako'y niyakap ng napakahigpit.

Naluluha nako, hindi ko alam ngunit naiiyak ako sa saya. Nakita ko na ang aking ina.

Nagpalakpakan ang nga doctor.

" Congrats Ysabel. Ika'y nakakakita na. "

Dalawang araw akong nakapikit lamang pagkatapos akong operahan. May kung ano lang na nakatakip sa mata ko, dahil ang nun nang doctor bawal daw muna maliwanagan agad kaya ganun. Ngunit napakaayos nang dalawang araw kong pagtitiis nang nakapikit lang, dahil sa ikatlong araw ay nakadilat na ako at maliwanag na ang paningin ko.

" Ina napakaganda mo pala talaga "
Nakangiti kong sabi habang nakatitig sakanya, siya namang inaayos ang aking buhok.

" Oo naman, mas lalo kana anak. Ikaw ang ubod ng ganda "  tumatawa at proud niyang sabi

" Opo dahil may pinagmanahan akong artistahin ang mukha "

" Hahahaha ikaw naman sa bola ysabel ikaw muna ay mag pahinga at tayo'y uuwi na rin mamaya. "
Tumango nako at humiga na.

Biglang bumukas ang TV napindot ata ni ina.

" Limang kabataan patay sa kalsada ng espacio divisoria matapos pagbabarilin ng mga pulis, sapagka't ito raw ay mga nanlaban. "

Ako'y nagulat sa aking nakita at narinig, kabataan? Pinatay? Ano yun? Hindi ba't ang mga kabataan dapat iniingatan dahil ito ang pag asa ng bayan?

" Ina ano yun? Bakit ganon? Bakit kabataan? At bakit sabi sila ay adik? Hindi ba't bata pa sila upang maging adik? "

Napaisip ako, maaaring sila'y nakatambay lang o ano. Maaari rin naman silang maging adik ngunit ang mga kabataan ay may takot pa. Kaya imposibleng manlalaban rin sila.

" Wala iyan anak, siguro'y nagkamali lang. Hindi ba't napakaganda ng ating bayan? Malinis, masaya, walang gulo, at lahat ay nagkakasundo. Walang patayan sapagka't iyon ay kasalanan. "

" Tama ina, siguro nga nagkamali lang sila. "

Malapit ko nang matunghayan ang bayan kong tahimik, masaya at pantay ang lahat. Walang patayan dahil ang lahat ay nagkakasundo at nagmamahalan.

" Anak, ang lahat nang maganda tignan ay ang tunay na pangit. Sapagka't pangalan ang nakasalalay kaya't pilit na pinapaganda kahit ang totoo ay sirang sira na. Ang lipunang napakaganda kung tignan kapag bulag ka. Ngunit kapag ika'y naka tingin sa realidad makikita mo ang mga kadumihan, kasiraan, at tunay na kapangitan. Mga mapanlinlang, sakim sa kapangyarihang hindi madadala sa hukay. Mga taong magnanakaw ng pinaghirapan ng iba. Mga nakahiga lang ngunit kumikita ng pera. Mga naghahari sa tahanan ng kasamaan. Mga taong mapanghusga, at kung makatingin akala mo'y napakataas nila. Anak makikita mo na ang realidad, sana'y huwag kang tumulad sakanila. Patawad kung ang pangit ay aking pinaganda sa'yo, sapagka't ayokong masira ang pag tingin mo sa lipunang pinapangarap mong magkaron ng magandang kinabukasan. Mahal na mahal kita anak ysabel. Maging isa ka sana sa makatutulong na magkaron ng liwanag ang bayang matagal na nilang pinadilim "





@cy

TalataguanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon