LAST CHAPTER

8 0 0
                                    


Labing isang taon na simula nung nangyari ang nakaraang puno ng kadiliman.

Nakaupo ako ngayon sa puntod nang aking minamahal na ina. Ganto ako simula ng ako'y nakapagaral at naging isang ganap na Abugada.

" Ina ako'y isang ganap nang Abugada. Ang lahat ng sinabi mong maganda ay akin nalang ikinatatawa. Itinago mo ako sa katotohang ang ating lipunan ay maitutulad na sa basurang nabubulok na. "

" Natatawa nalang ako sa pamahalaan natin ina. Sila'y mga tanga, gagawa ng kasamaan lalabas pa. Ang sabi mo noon ang mga tao ay nagsasaya lang. Pero ang katotohanan ay lahat sila ay nagsisiraan, mga baho nila umaalingasaw. "

" Ang sabi mo ang ating bayan ay napupuno nang mga napakagandang puno at mga napakagandang bulaklak. Ngunit ang katotohana'y wala ng puno dahil lahat sila pinuputol na ito upang gawing kagamitan. Kaya mabilis na nagbabaha. Kaya kulang na tayo sa sariwang hangin. Ang mga bulaklak ay napakabilis malanta, parang pagibig nila sa bayan, sa una lang maganda at mabango, ngunit pag nag tagal nakakadiri na at patapon. "

Nasaksihan ko ang lahat...

" Mga kabataang pinapatay kahit walang laban o alam. Mga kabataang may pangarap sa buhay na magiging pagasa ng lipunan. Mga magulang ay pabaya, kaya't ang iilan na kabataan ay pariwa. Bata pa'y buntis na, bata pa'y lulong na sa droga. "

" Ang mga pag patay ngayon ay lantaran na, parang wala nalang ang buhay ng isang mamamayan ng Pilipinas. Tila ba kung ituring sila ay parang mga ipis na kapag dumapo sa'yo ay papatayin ng walang pagaalinlangan. "

" Ang mga tao'y nakasunod na lamang sa sistema. Kapag nanlaban ka'y patay ka. Kailangan mong ipikit ang iyong mga mata para lang hindi mo makita ang lahat at masampal ka nang katotohanang ang bayan ko'y mapanlinlang at sunod sunuran sa may kapangyarihan. "

" Kailangan mong mag bingibingihan sa sinisigaw ng katotohanan. Ngunit bakit silang nasa taas ay parang hindi nakokonsensya sa maduming pamamalakad. Tila sila'y natutuwa, at parang mabuti pa ang kanilang ginagawa. Ang dangal at prinsipyo ay piniling ipalit sa salapi. "

" Ang karapatang pantao ay naiba na, karapatang may pera nalang Ang nangyayari ngayon ina. Kung may pera ka may laban ka, ngunit kung wala manahimik ka dahil kahit tama ka, magiging mali ka sa mata nang sistema."

" Ano pang silbi rin nang kagaya kong Abugada na pilit inilalaban ang bayan ko? Kung iisa lamang ako, at isang batalyon ang kalaban ko. Kapwa ko pa Pilipino na dapat ay tinutulungan ako. "

" Nakakatawa rin parang wala nang silbi ang batas, gumagana lang yun sa mahihirap. Ngunit sa nakakataas? Nakakatawa tao lang sila ngunit mas higit pa sila sa batas na dapat ay sinusunod. Anong silbi nang No one is above the Law kung ang may kapangyarihan isang pitik lang ay patapon na ang kaso. "

" At tila ba mas mahal pa nila ang negosyo lalo na yung ibang bansa na tutulong kunwari dito pero ang nais lang ay utuin tayo. Eto namang humahawak satin ay inutil kaya't unti unti tayong napapailalim nang hindi natin alam. "

" Ang nangyayari ngayon ay napakasakit sa damdamin. Ako na tapat sa bayan, ngunit ang mas nakakataas sakin ay tapat sa salapi at sa kapangyarihan. "

Nais ko nalang lisanin ang mundo ina. Sapagka't hindi ko na matiis ang sistema.

" Mas gugustuhin ko nalang muli mabulag habang kasama ka, kesa matunghayan ang bayang isa ng basura. Yun rin naman ang nangyayari sakanila, kahit sila'y hindi naman bulag kanilang pinipilit. At pinapaniwala ang sarili na ang bayan ay mabuti. Ngunit alam naman nila sakanilang sarili kung ano ang katotohanan. "

Ina ako'y nasasaktan para sa lipunang pinapangarap ko nang napakagandang kinabukasan.

" Ito ba ang sinasabi mong maganda? Nakikita mo ang bayan mo at kapwa Pilipino nagdudusa? "

" Ito ba ang tunay na maganda? Isang bayang puno ng kaguluhan at panghuhusga? "

" Ito ba ang maganda? Isang bayang ang kapangyarihan ang mahalaga? Harap haralan nang gagago sila? "

Ayoko na ina, pakiramdam ko ako'y patay na, kahit physical ako'y naririto pa.

" Si benitez! "

Ang tauhan ng Pangulo, nais nila akong patayin dahil natunghayan ko kung pano pinatay nang pangulo ang naging kalaban niya noon sa pagtakbo rin nang pangulo.

Patayo palang ako nang maramdaman ko ang kakaiba sa aking katawan. At sunod sunod pa ang balang tumama sa akin.

" Ina ako'y masaya, makakasama na kita. Hindi nako masasaktan pa, at hindi ko na kailangang mag bulagbulagan pa sa katotohanang pilit nilang tinatakasan. "

At tuluyan nang nanlabo ang aking paningin at ako'y pabagsak na....

Masaya akong mawawala. Ngunit ako'y namatay na may pagmamahal sa bayan.


END

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TalataguanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon