CHAPTER 4

9 0 0
                                    

" Hindi mo alam kung sino ang tunay na kalaban, dahil kung sino pa ang peke siya pa ang nagmumukhang totoo. "

---*

Nagising ako ng makarinig ako ng nagkakagulo. Naramdaman kong may humahagulgul na lumapit sakin, at naaninagan kong ito ay ang aking tita adena.

" Ysabel! Ysabel! "

Ako'y tumayo sapagka't kinakabahan ako na hindi ko mawari. Ang tita adena ko rin ay humahagulgul.

At....

Nasan ang aking ina? Kanina bago ako matulog ay katabi ko siya.

" tita adena bakit po? At nasan ang aking ina? "

" ysabel! "

Yumakap siya sakin at mas lalo pang humagulgul, parang ang bigat rin ng aking pakiramdam sa hindi ko malaman na dahilan.

Ngunit ang kanyang sunod na sinabi ang hindi ko inaasahan. Na nagpatigil ng aking pag hinga lalo na nang aking mundo.

" Patay na ang iyong ina "

Bumagsak ang mga luha ko, gumuho ang mundo ko. Bakit? Kanina'y katabi ko lang siya! Kanina'y masaya kami! Ngunit paano?

Walang salita ang lumabas sa aking bibig, patuloy lang sa pag luha ang mga mata ko. Madaming tanong na nasa utak ko, paano?

---*

Pumunta kami sa kung nasaan ang aking ina. Kanina pako nandito sa labas ng morgue, sapagka't hindi ko kaya. Ako'y nakatulala lang, wala akong magawa, wala akong maisip na tama!

Napakabata ko pa para mawalan ng ina! Akala ko'y sasaya nako sapagka't ako'y nakakakita na. Ngunit ang kapalit pala ay....

" Ysabel, kailangan mo ng makita ang iyong ina. Wala tayong magagawa nangyari na. " nanghihinang pahayag ni tita adena. Mugto ang kanyang mata at parang wala na rin sa sarili. Silang dalawa nalang ang magkatuwang sa buhay. Dalawa lamang silang magkapatid at wala na ring mga magulang.

Kahit hirap, kahit ayoko, kahit hinang hina ako. Tumayo ako at tinahak ang kwarto kung saan nakahiga ang ina ko.

Tumulo nanaman ang aking luha. Parang nawasak ang puso ko. Napakasakit makita ang ina kong ganito, namumutla na at walang buhay.

Pareho kaming humahagulgul ng sobra ng aking tiya. Pakiramdam ko'y gusto ko na rin mawala. Paano ako nito? Paano ang mga pangarap kong kasama ang aking ina?

Siya'y pinatay ng hindi kilalang mga armadong lalaki...

Alam ko na ang lahat...

Tinago sa akin ng ina kung gano kadumi at kawalanghiya ang lipunang mayroon ako.

Ngunit hindi ko siya masisisi nais niya lang na maging maayos ang tingin ko sa lahat.

Ngunit masakit, dahil ang bayang inaasahang nagtutulungan Kapwa Pilipino nagpapatayan.

@cy

TalataguanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon