Ang hirap na pag iniisip mo ang futaure mo tapos siya lang talaga ang naiisip mo na makasama. Pero gaano ba dapat katagal maghintay? o may hinihintay nga ba?
Xylene
Kakapagod ang maghapon na makipagkulitan lang sa mga katrabaho. Masaya lang talaga silang kasama. Yun ang kailangan ko ang kahit papaano maging masaya. Kahit kasi may dumating na magmamahal sa akin, na tatlo na nga ang naging boyfriend ko, Siya pa din kasi. Hindi naman naging kami pero malay ko ba na mamahalin ko talaga siya.
Hindi ko naman alam na magmamahal na agad ako ng ganoon kaaga. Malay ko ba na lalandi na agad ako sa edad na lima. Posible ba yun? Na magmahal ng ganoong kabata? Ni hindi ko pa nga alam isulat ang pangalan ko. Bakit niya kasi ako hinalikan noon habang naglalaro kami ng bahay bahayan? Pwede na bang kiligin ng ganoong edad? Hanggang ngayon naalala ko pa din yung mga mata niya habang papalapit sya sa akin.
Pero ako lang ata ang natali sa memory na yun. Siya papalit palit ng girlfriend. Hindi ko na nga mabilang kung ilan. Samantalang ako umaasa na sana kami na lang. Na sana ako na lang.
"Xylene, samahan mo daw si Neon bukas sa Taal magtitingin daw sa gagamitin sa kasal niya. Akalain mo yun ikakasal na ang kababata mo."
Bungad sa akin ni Mama pag uwi ko. Wala na talaga akong pag-asa sa kanya? Sa akin pa talaga magpapatulong? Kung sinasaksak niya na lang kaya ako? Mas ok yun. Hindi yung para na din akong pinapatay ngayon sa pabor na hinihingi niya.
"Ano ba kasing motif nyo?"
Grabe lang ang ginawa kong pag aayos para lang hindi halata yung mata ko ngayon. Andito kami sa Taal. Siya mukhang masayang masaya. Ako parang timang lang.
"Pink, favorite niya eh."
Pink? Yun din talaga ang gusto ni Neon sa babae. Pagirl talaga. Dati nung fourth year high school ako binago ko sarili ko para kahit papano makita niya ako as babae na pwede ding mahalin. Pero tinawanan lang niya ako. Hindi daw bagay.
Bahala na nga. Kailangan matapos na kami agad. Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan ko makakayanan na magpanggap na ok lang ako.
"Kailan ba ang kasal mo. Parang biglaan naman?"
"August 19."
"Birthday ko talaga?"
Ngali ngali ko nang kumuha ng balisong sa mga tinitinda dito at isaksak sa sarili ko. Kailangan talaga birthday ko pa?!
"Oo Xy. Yun ang gusto ng parents niya. Wala na akong magawa. Saka ikaw ang photographer namin huh? Sayang naman ang SLR mo kung hindi ko mapapakinabangan."
Ang totoo balak niya ba akong patayin sa mismong birthday ko? Ako pa talaga ang kukuha ng mga moments nila sa kasal.
"Saka hindi siya makakapag asikaso ng sa kasal namin kaya pati bridal gown tayo ang bibili. Pwede bang ikaw ang pumili ng design?"
AUGUST 19
Kasal na ni Neon. Ang pinakamalungkot na birthday ko. Kung pwede nga lang na hindi pumunta kaso wala talaga syang kinuhang photographer kundi ako lang. Nakakapagtaka lang bakit nagkakagulo sila sa baba eh hindi naman dito yung kasal. Bahala nga sila. Mamaya na lang ako bababa pag malapit na mismo yung oras ng kasal.
"Xy."
Nagulat ako nung bumukas yung pinto ng kwarto ko. At pumasok yung pinakagwapong groom. Groom nga lang ng iba.
"Bakit nadito ka? Ikakasal ka na maya maya ahh. Magkita na lang tayo sa simbahan"
"May problema kasi.."
"Hindi daw siya dadating..? baka nauntog.. natauhan?"
Sana lang hindi ba? Masama ba ako? O tanga lang na pinapaasa ang sarili na pwede pa?
"Hindi pa kasi niya alam?"
"Ano?! Ang daming hirap natin hindi ka pa nakakapagproposed? Ang daming abala mo sa akin? Kailan mo balak magpropose? Bukas?"
Hindi ko alam kung magagalit ba ako o matutuwa. Nakakagalit na masasayang lahat ng pagod ko pero nakakatuwa sa hindi malamang dahilan.
"Ngayon sana?"
"Magpapatulong ka na naman?"
Tama na please. HIndi ko na kaya kung pati yun magpapatulong pa siya. Tama na Neon.
"Magpoprose ako ngayon.. Sa iyo."
"A..no?"
"Ikaw ang papakasalan ko. Mahala kita Xy. Noon pa. Noong hinalikan kita habang naglalaro tayo ng bahay bahayan. Pero kung ayaw mo, ok lang naman, baka nga kailangan ko pang manligaw."
Nasapak ko nga siya habang umiiyak na ako. Totoo ba talaga?
"Adik ka. Hindi ko favorite ang pink."
"Ayaw mong magpakasal?'
"May sinabi ba ako? Saka naghirap na din ako sa preparation,sayang naman"
Hindi ko pa din mapigilan na hindi umiyak.
"Mahal mo din ako?"
"Oo kaya, simula noong halikan mo ako habang nagbabahay bahayan tayo."
"Handa ka na bang makipag bahay
bahayan sa akin for real?'
"Papalampasin ko pa ba? mahal na mahal din kita Neon."
Hinalikan na niya ako. Yung mga mata niya katulad noonghinalikan niya ako noon. Katulad noong first kiss namin.
_casper_