MR. JANSPORT

653 10 0
                                    


Part I

May mga desisyon tayo na hindi natin alam kung pagsisihan ba natin sa huli. Pero ganun naman talaga eh. Walang nakakaalam kung ano nga ba. Kung pwede nga lang ibalik ang lahat.Kung pwede nga lang.


Carla

"Andyan na si Mr. Jansport"
Ang kulit ko lang gumawa ng codename sa crush ko. Alam halos ng buong klase. Bakit kasi hindi ko napigilan na sabihin sa mga kaibigan ko na yun ang tawag ko kay Gabriel? Yaan tuloy pati sila nakiki Mr. Jansport. Pero wala naman talaga akong balak ipaalam sa kanya kung ano man ang nararamdaman ko sa kanya. Fourth year high School pa lang kami. Hindi ko nga alam kung pagmamahal nga bang matatawag tong nararamdaman ko sa kanya. Pagmamahal ba yun? Yung tuwing malapit siya hindi ako mapakali? Na sobrang bilis ng tibok ng puso ko? Yung lahat ng tungkol sa kanya, kahit maliit lang na bagay eh parang napaka big deal sa akin?
"Hi Carla, tapos ka na ba sa reaction paper natin sa English?"
"Oo"
"Ganoon ba? Patulong naman ako"
"Sige"
Ganyan lagi, lagi syang hihingi ng pabor sa akin. Tapos kung makangiti parang hindi talaga ako makakatanggi.
"Nag pa uto ka na naman. Kaya nahahalata ka na may gusto ka sa kanya."
At ganyan din lagi ang nangyayari, pagsasabihan ako ng mga barkada ko about sa pagpapakatanga ko kay Gabriel. Pero masisisi ba nila ako? Kung ito lang yung paraan para mapalapit ako sa kanya? Bakit kasi ang lakas ng personalidad nya? Bakit kasi sa hindi inaasahang pagkakataon nagawa nya akong mahulog sa kanya.
Pero ramdam ko naman na kahit papaano special ako sa kanya. Di ba nararamdaman naman yun? Kaya nga medyo kinakabahan ako. Sa katulad kong hindi pa nararanasan ang pakikipag nobyo. Nakakatakot. Hindi ko alam kung anong iisipin nina mama, kung sakali man na magkakaboyfriend ako.  Baka mag alala lang sila na mapabayaan ko ang pag aaral ko. At yun ang iniiwasan ko. Ang makarinig ng kung ano mula sa mga taong mahal ko.
"Salamat talaga Carla, ang dami ko ng utang sa'yo"
Ngingiti na lang ako. Pag kaharap kasi sya hindi ko maiwasan na manahimik na lang. Tingnan sya. Bigyan mo naman ako sign kung ipagpapatuloy ko ba ang nararamdaman ko o titigil na lang? Mahirap kasing umasa sa wala. Mahirap maghintay sa taong hindi ko alam kung alam ba nya na hinihintay ko sya. Masakit.
Akala ko makakayanan ko ng matagal na ganoon. Ang umasa na magugustuhan niya din ako. Pero nadaanan ko sila minsan ng mga kabarkada niya na nagtatawan. Hindi ko alam kung ako ba yung pinagtatawanan nila pero narealize ko na hindi ko hahayaan na humantong pa dun. Sino bang may sabi na hindi ganoon kasakit pag nasaktan ka pag nagmahal ka ng bata pa? Kung hindi masakit ang magmahal bakit ako nasasaktan ngayon? Bakit ako naiiyak?
Iniwasan ko si Gabriel hanggang sa matapos ang school year. Siguro nakahalata din sya na umiiwas ako kaya hindi na sya ganung lumalapit. Dahil sa kanya natuto akong kunwaring hindi nakikita ang nakakasalubong ko. Dedma lang. Kaso sino nga ba ang niloko ko? Sa tuwing makakasalubong ko sya balewala lang. Pero once na nakalampas na hindi ko naman maiwasan na hindi sya lingunin. Pero ganun talaga. Nung graduation namin. Naiiyak ako. Bakit kasi pag alam mo na hindi mo na makikita saka mo naman marerealize na sana hindi mo sya iniwasan? Alam ko na pareho kaming nahirapan sa ginawa ko. Naging duwag ako kasi iniwasan ko agad na huwag masaktan pero sa huli nasaktan pa din ako sa ginawa ko.
"Carla."
"Gabriel."
Nilapitan nya ako bago magsimula ang ceremony. Yung feeling na miss na miss ko sya kahit halos araw araw naman kaming nagkikita. Nasobrahan ata ako nung ilayo ang sarili ko sa kanya.
"Congratulation"
"Sa'yo din."
"Ito nga pala,pagdating mo na lang sa bahay mo basahin,sige una na ako, salamat at hindi mo ako iniwasan ngayon"
Hawak hawak ko yung sulat na bigay nya habang hinihintay na matapos ang ceremony. Gusto ko nga umuwi. Gusto ko ng malaman kung ano bang laman nun. Bakit may sulat pa? Dahil ba hindi sya nagsulat sa slumbook na pinaikot ko sa buong klase? Natapos ang ceremony ng wala akong naintindihan. Pati ang picture taking ng mga classmate ko hindi ko naenjoy. Paano ko maeenjoy kung wala din naman sya dun?

Dear Carla,
Una sa lahat, Congratulation!! College na tayo next school year.
Hindi ko alam kung anong nagawa ko kung bakit ka umiwas sa akin? Yung halos ituring mo ako na hindi nakikita, yung dinadaanan lang? Pero hinayaan ko lang  na ganun. Baka dun ka masaya. Pero hindi ko naman nakita na naging masaya ka. Sa tuwing tinitingnan kita sa malayo parang ang lungkot lungkot mo. Hindi mo alam ang pagpipigil ko na lapitan ka. Gustuhin ko man pero baka iwasan mo lang ako. Ayos naman tayo dati di ba? Alam ko na sobra na minsan yung favor na hinihingi ko pero natutuwa lang talaga ako na tumutulong ka. Parang ang sarap isipin na lagi kang andyan para sa akin, Pero bigla kang lumayo. Sobrang layo na hindi ko na magawang abutin pa, Sana maging matagumpay ka sa pipiliin mong course sa college, Wala mang pinatunguhan pero gusto kong malaman mo na mahal kita. Baka nga hindi tayo para sa isat isa. Baka nga hindi mo ako ganun kamahal gaya ng naririnig ko o baka inisip ko lang talaga yun, Akala ko kasi mahal mo din ako,pero sobrang bata pa natin kaya hinayaan ko lang na ganun. Pero hindi mo siguro ako ganun kamahal para matagalan na hindi ako kausapin o kahit tingnan man lang. Masakit yun.  Baka nga niloloko lang ako ng mga kaibigan mo nung sinabi nila na mahal mo ako.
Ingat ka lagi.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ko mararamdamn ito. Ang pgmamahal ko sayo.
Mr. Jansport,
Gabriel
Hindi ko alam kung gaano kadaming luha ang pumatak sa mata ko habang binabasa ko ang sulat nya. Wala naman kasi akong sisisihin kundi ako, Nagdesisyon akong layuan sya kaya kabayaran to ng lahat ng nagawa ko. At hanggang ngayon nagsisisi pa din ako. Hindi ko na sya nakita after graduation, Naging busy na din ako sa pag eenrol. Hindi ko alam kung papano ko kinaya yun. Yung unang taon ko sa kolehiyo, kung paano ko nalampasan yun na ang lagi kong iniisip ay "paano kung hindi ko sya iniwasan?" , "kami na kaya?" Lahat ng "what if's" natanong ko na pero hindi ko na mababalik pa yun. Yung unang lalaki kong minahal pinakawalan ko lang na ganun ganun. Matagal bago ako naka move on o matagal bago ko nakumbinsi ang sarili ko na pwede akong magmahal pa ng iba. Hindi lang sya yung lalaking pwedeng mahalin. Nagtry ako pero babalik pa din ako sa "sana hindi ko sya iniwasan"
Hanggang ngayon nagsisisi pa din ako. Na sana naging matapang ako kahit konti. Pero hindi ko na maibabalik. Yung Sakit na lang ang andyan, paulit ulit.







































Part II


Bakit nga ba hndi na lang February 29 ang Valentines Day? Para every four years  lang syang icecelebrate? Para hindi naman taon taon madaming kabitteran ang nababasa ko,ang nararamdaman ko?


Carla

Happy Love Month!
Yan ang bumulaga sa akin pag open ko ng facebook account ko. February na pala. Love  Month? o Ampalaya Month? Thirteen days pa ang dadaan para sa araw na pinakaayaw ko. Thirteen days pa na makikita mo sa Mall kung ano anong pakulo, yung magpapaalala sayo nan isa kang dakilang Single. Dakila? Sabagay choice ko ito. Pero syempre meron sa pagkatao ko na gusto na sana may makasama ako sa araw na yan. Meron sa pagkatao na sana..kasama ko siya. Ang aking Mr. Jansport.
"Maam Carla, ok na po yung sa result ng experiment na ginawa. Go signal nyo na lang kailangan para ituloy tuloy na talaga yun"
"Ok sige, gagawan ko lang ng documents para sa approval ng mga bossing"
Process Engineer ako sa isang company dito sa First Philippine Industrial Park. Chemical Engineering Graduate. Limang taon na nag aral ng college at almost two years na nagtatrabaho. Pitong taon,pitong taon at siya pa din talaga. Sana kung every Leap year lang ang Valentines Day sana isang beses ko lang naramdaman ang ganito o dalawang beses, pero wala,taon taon na ganito.
"Maam remind ko lang yung sa training nyo next week"
"Oo nga no? matagal pala tayong hindi magkikita?"
"February14 naman andito na kayo
"February 14..."
Bakit naman kasi hanggang February 13 lang yung training? Para naman kahit papaano busy ang utak ko kung pati February 14 eh nasa training ako. Pero Carla, isipin mo na lang hindi sila SINGLE.may dahilan sila para magcelebrate. Ikaw.. NGANGA!
"Maam pasalubong ko huh?"
"Ano? Lalaki?"
"Pwede."
"Ako nga wala tas bibigyan kita? Hahanap muna akon ng para sa akin"
"Naku maam, kahit gaano kadaming lalaki angf makita mo kung sarado ang puso na magmahal ng iba.. wala kang magagawa dun"
"Ang adik mo din  Kate."
Hindi naman nagkakalayo ang edad namin ni kate. Engineer din sya. nagkataon lang na Senior Engr ako at nasanay sya na Maam ang tawag sa akin. Pero magkaibigan kami. Alam nya lahat ng tungkol kay Gabriel. kay Mr. Jansport.
"hahaha mas adik ka naman.. uwi ka na.. dalhin mo na yang JANSPORT na bag mo"
Hindi na ako nagsalita. Asar-talo lang lagi ako sa kanya pagdating kay Gabriel. At sya ang nagbigay ng bag na gamit ko. Para daw masanay ako. Hindi daw everytime na may makikita ako na bag na may tatak na JANSPORT eh matitigilan ako. Bakit kasi siya pa din? Bakit kasi yung pagmamahal ko sa kanya hindi maubos ubos.. hindi matapos tapos?
Andito na ako sa training. Within batangas din lang naman ang training kaso kailangan namin mag check in sa hotel kasi nga maghapon ang training for three days,kaso sa dami ba naman ng lugar na pwede kong tigilan sa panahon ngayon.. Hotel pa talaga? ang pinakabusy na lugar ngayong LOVE MONTH. First day ng training nasa Audio Visual Room kami. Malamig, nakakaantok,tapos wala pa akong kakilala. kaya pinili ko ang pinakataas at pinakadulong upuan. Wala akong katabi pero ok lang. Sanay naman akong mag isa.
"Hi Carla"
Nagulat ako kasi paglabas ko ng AVR eh may humarang sa akin. Lunch break na kasi kaya kailangan naming pumunta sa hall ng hotel.
Siya ba talaga ang nasa harap ko ngayon? Ang gwapong nasa harap ko ngayon? Pitong taon at yung tibok ng puso ko ay hindi ko maintindihan. Ngumiti lang siya.
"Sabi na nga ba ikaw yung makita ko sa registration area kanina. Kamusta ka na Carla? may kasama ka ba? Tara sabay na tayong maglunch"
Hinila na nya ako. Literal na hila kasi hawak hawak nya ako sa wrist ko. Kinakabahan tuloy ako kasi di ba ang pulso ay konektado sa puso? Baka malaman nya kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko ngayon.
"Kamusta ka na Carla?"
Saang aspeto ba yung tinatanong nya? Sa career ko? O sa puso ko? Bakit parang sya OK lang? Bakit parang ako lang yung naghirap sa aming dalawa? Ako lang ba ang umasa na kami pa din?
" Huli kong balita sayo yung nag top ka sa board exam. Matalino ka talaga. sabagay sisiw lang sayo yung mga pinagagawa ko dati. Hanga talaga ako sayo."
HANGA? Hanga lang.  Akala ko MAHAL mo ako Gabriel? Sa pitong taon na lumipas paghanga na lang pala ngayon? Pinilit kong ngumiti para naman hindi masyadong halata na nasasaktan ako ngayon. Ang hirap. Ang tagal kong hinintay ang araw na to pero hndi ko alam pero nasasaktan pa din ako.
"Ok naman ako. Masaya naman sa trabaho"
"Boyfriend? siguro ang dami mo ng naging boyfriend?"
Ngumiti lang ako. Bahala sya kung anong isipin nya. Madami daw akong naging boyfriend? Anong akala nya na ganun ko sya kadaling palitan sa puso ko?
"Baka nga ikaw ang nagbibilang ng girlfriend dyan Mr. Campus crush"
"Mr. Campus Crush? kelan yun? hahaha Pero masaya ako na kasama kita ngayon. Sabay na din tayong mag dinner mamaya? Sabihin mo lang ako kung may magagalit?"
"Ikaw nga dyan. Baka may biglang sumabunot sa akin. Pero seryoso may Girlfriend ka ba?"
"Meron."
"Ok."
Bakit ko kasi tinanong? Pero sabagay sino nga ba ang hindi mahuhulog sa kanya? Mas lalo syang gumwapo. Mas lapitin sya ng babae ngayon. At kung kasama ko sya sa training malamang Engineer din sya ng isang company. Sinong hindi mabibighani sa isang HOT na Engineer?
Kung ano anong kwinento nya habang kumakain kami. Pero hindi man lang nya nabanggit yung tungkol sa nararamdaman nya dati. O tungkol dun sa sulat. Baka nga yung pagmamahal nya pang high school lang. Nung grumaduate kami. NATAPOS din.
Bumalik kami sa training at katabi ko na sya. tinupad din yung sinabi nya na sabay na kaming magdidinner. Hanggang sa 2nd day ng training kami lagi ang magkasama. Parang gusto ko munang kalimutan na may girlfriend sya at eenjoy ang mga araw na kasama sya pero nagkukusa na lang na masaktan ako. Ang hirap lang. Sana kahit papano nabawasan ng kahit konti ang pagmamahal ko sayo, para kahit konti may pagasa ako na kalimutan ka.
"Last day na ngayon ng training"
Tama huling araw na, babalik na kami sa realidad. Sya sa girlfriend nya, ako sa TRABAHO.
"At hindi ka pa din nagbabago Carla.. Duwag ka pa din"
Nagulat ako sa sinabi nya. Kasi napakaseryoso nya. bakit kung kailan ilang oras na lang saka sya ganyan.
"Duwag?"
"Hahayaan mo talaga na magkalayo na naman tayo na hindi mo sinasabi na MAHAL mo ako!"
Hindi ko alam ang dapat ireact ko sa sinabi nya. Bakit sya nagagalit?
"Para saan pa Gabriel. Mahal kita. Masaya ka na? Nasabi ko na. At kahit ilang libong beses kong sabihin na MAHAL KITA, SOBRANG MAHAL KITA hanggang ngayon, hindi mababago nun ang katotohanan na may Girlfriend ka na. Kaya kahit mabingi ka pa hindi ka pa din magiging akin."
Ngumiti lang sya sa sinabi ko. Ang adik lang. Halos umiyak na ako sa mga binitawan kong salita tapos ngingitian nya lang ako? Pero sabagay yun ang gusto nyang marinig. At ako na uto uto sumunod naman. Magpaduwag at magpakatapang.. MASAKIT pa din.
"Pwede ka bang mag VL bukas? pwede naman siguro kasi galing kang training"
"Vacation Leave? pag isipan ko. "
"Hindi. Valentines Leave"
February 14 nga pala bukas. dahil sa kanya nakalimutan ko na.
"Valentines ka dyan. Magtatrabaho na lang ako."
"Ayaw mo ba akong makasama bukas?"
"Utang na loob Gabriel. Tama na.. pakiusap ..kailan ang date nyo ng GF mo? mamaya o sa 15?"
Nakakaasar lang. OO mahal ko sya. Pero hindi ibig sabihin nun pwede nya akong saktan ng sobra sobra.
"Bukas"
Tumayo na ako para iwan sya. Ayaw kong magalit sa kanya ng sobra pero sa ginagawa nya. Kahit gaano katigas ang puso ko masasaktan at masasaktan pa din ako. Buti na lang tapos na din ang training. Mabilis akong pumunta sa kwarto ko, pero bago pa man mailock ay naiharang na nya ang katawan nya at tuluyan ng pumasok at mabilis itong inilock. Bago pa man ako makapagsalita at sitahin sya sa ginawa nya eh angkin na nya ang labi ko. First Kiss. hindi ko akalain na sya pa din pala magbibigay nun sa akin.
"Hindi ba girlfriend na kita? Sinagot mo na ako kanina di ba? At kahit ilang libong beses mo sabihin yun hindi ako ako magsasawang pakinggan yun at kahit mabingi ako gagawa akon ng paraan na marinig pa din yun.. Mahal Kita Carla at ikaw ang girlfriend ko.  Para sa akin IKAW lang ang girlfriend ko. Yung umamin ako ng nararamdaman ko sa sulat 7 years ago, kalakip nun ang pangako na ikaw lang ang mamahalin ko. "
"Gabriel.."
Hindi ko alam, masaya ako pero naluluha ako. ganito ba talaga dapat?
"May pagkakataon naman na mapalapit ako sayo kaso mas pinili ko na lang na gawin mo ang gusto mo, para handa ka na kung sakaling ikasal tayo"
"IKASAL?!"
Seryoso talaga sya?
"Pwede naman na honeymoon muna."
Nakakaloko nyang sabi, sabay tingin sa paligid. Shet. nasa isang kwarto nga pala kami. At pakiramdam ko sobrang pula ko ngayon. Yumakap na lang ako sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko.]
"Pumapayag ka na?"
Sa Honeymoon? May tumatanggi ba dun?
"Pumapayag saan?"
Baka sa honeymoon ang tanong nya. Maka OO ako. Ayaw ko naman na maging Valentine baby ang panganay ko.hehehe Kumalas sya ng yakap sa akin. Tas dahan dahan syang lumuhod. May kinuha syang kung ano sa bulsa nya. TAG pala ng BAG. Pero hindi ko mabasa ang nakasulat kasi mabilis nya itiong tinakpan.
"Na maging Mrs. Jansport ko?"
Mrs. Jansport nga yung nakasulat dun sa TAG. Bagay na bagay sa Bag ko. Bagay na bagay din sa lalaking nakaluhod ngayon.
"Wala na ata akong tapang para tumanggi pa.Mr. Jansport"
Yumakap na sya sa akin. Hindi pa din ako makapaniwala na magiging Mrs. Jansport na nga ako. Ang adik lang. Shet. Kung pwede nga lang magtitili kaso nakakahiya.
"Valentines Leave ka bukas?"
"Kahit hindi lang bukas.. Mahal kita Gabriel."
"Mas Mahal Kita Carla.. Ikaw lang."
Hinalikan nya muli ako. Kung saan man makakarating ang halik na yun. Sabi ko nga kanina, tatanggi pa ba ako? Eh soon to be Mrs. Jansport na ako.























Part III

May mga bagay na mahirap bitawan. Pero kailangan ng pakawalan.

Carla

"Congratulations Maam!!"
Yan ang bumungad sa akin pagpasok ko ng opisina. Ang mga nakangiting katrabaho ko. Sabagay sino nga naman ang hindi mangingiti? Sino nga naman ang hindi matutuwa? Isang linggo na lang magiging MRS. JANSPORT na ako.
Huling araw na magtatrabaho ako bilang Dalaga. Kasi simula bukas nakaleave na ako hanggang sa aming honeymoon. Sino nga ba ang mag aakala na darating din ako sa ganitong punto? Na mag aasikaso ako ng kasal? Sa ilang taon na nagsisi ako na pinakawalan ko sya, mabait pa din sa akin ang nasa taas. Para bigyan pa ako ng pangalawang pagkakataon.
Pagkakataon na MAHALIN siya ulit.
"Salamat guys!!basta wag kayong mawawala sa araw na yun ahh"
"Hindi talaga Maam, papalampasin ba namin ang pagkakataon na makita ka na nakagown? Yung pinaka astig na Process Engineer magiging babae sa araw na yun!"
"Adik kayo. Yun lang pala ang gusto nyo"
Nagtawanan lang sila. Ang aadik lang. Masaya talaga kung halos lahat ng kasama mo sa trabaho ay puro lalaki. Ang kagandahan sa kurso ko, walang babae o lalaki, pantay pantay yan. Kasi iisa naman ang utak ng mga ENGINEER.
Lumipas ang maghapon na hindi mawala ang ngiti ko. Ganito ba talaga pag malapit ng ikasal? Parang baliw lang ang kilos? Ngumingiti na lang basta basta? O dahil susunduin ako ni GABRIEL mamaya? Parang kanina lang umaga kami magkasama pero namimiss ko na sya.
MAHAL KITA.
Hindi ako magsasawang sabihin yun sa kanya. Hindi ako magsasawang iparamdam yun sa kanya. Pero sa ngayon inip na ako dahil hindi pa din sya dumadating. Sa sobrang abala ko sa kakaisip sa aming dalawa hindi ko namalayan na halos dalawang oras na akong naghihintay sa kanya. Yung mga tao nga na nagkakagulo kanina sa harapan ng building namin nawala na. Ni hindi ko alam kung ano bang nangyari.
Gabriel, asan ka na ba?
Hindi ko alam pero kinabahan ako bigla Hindi kaya naaksidente sya?. Hindi pwede. Lord huwag naman po. Hindi ko kakayanin na mawala siya sa akin. Dati kaya ko kasi alam ko na andyan sya. Pero kung ganung paraan sya mawawala sa akin. Hindi ko kakayanin. Hinding hindi. Dahil sa sobrang pag aalala yung kamay ko ayaw makisama, sa sobrang takot na naramdaman ko bigla hindi ko magawang madial ang number nya.
Gabriel,please nakikiusap ako. Tawagan mo ako.
Bakit nga ba ngayon ko lang naisip na gumagabi na pero hindi pa din sya nagpaparamdam sa akin? Mapapatawad ko na sya sa hindi nya pagkaon sa akin basta OK lang sya. Dali dali akong pumunta sa condo nya para makita sya. Baka kasi nagkaproblema lang sa opisina nila kaya nawala sa isip nya na sunduin ako.
Di ba Lord? Ganoon lang ang nangyari?
"Salamat po ate"
Dali dali akong pumunta sa unit ni Gabriel, hindi ko na masyadong pinansin yung hindi pagpansin sa akin nung nakasabay ko sa Taxi. Hindi na di nya inabot ang bayad ko o siguro dahil sya yung nakisabay kasi isang way lang kami? Bahala na nga. Si Gabriel, kailangan ko syang makita. Hindi ko na alam kung paano ko nabuksan ang pinto basta ang mahalaga andito na ako sa loob ng unit nya.
"Ganun mo sya kamahal?"
Nagulat ako sa narinig ko. Nakakagulat na may kasama syang babae ngayon. Kaya ba hindi nya ako nasundo? Dahil ba sa kasama nyang babae kaya nakalimutan nya ako agad? Ilang araw na lang ikakasal na kami pero nagawa pa din nya na lokohin ako?
Asan na yung pagmamahal na sinasabi mo?
Hindi ko magawang ikilos ang katawan ko. Ganito pala pag sobrang nasasaktan na? Bakit Gabriel? Hindi pa ba sapat yung pagmamahal ko? Ok naman tayo di ba? Pero bakit ganito? Bakit kailangan mo akong saktan ng ganito?
"Papakasalan ko siya."
"Hindi ako papayag,hindi na kailangan. maiintindihan niya yun., pakiusap , MAHAL KITA"
Niyakap na siya nung babae. Ni hindi nya magawang itulak yung babae, MAHAL mo ba sya Gabriel? Tama naman sya,baka maintindihan ko na hindi mo ako pau pakasalan, pero sana naiintindihan mo din kung gaano ako nasasaktan ngayon.
"Kahit si Tita, tutol na sa kasal mo sa kanya"
"BAsta papakasalan ko siya."
Bakit pa Gabriel? Kung tutol na ang mother mo sa pagpapakasal mo sa akin para saan pa ang pagmamatigas mo?Dahil ba nangako ka? Dahil ba may isang salita ka? Huwag na lang nakikiusap ako. Tanggap ko na. Tanggap ko na lagi na lang akong nasasaktan.
Tahimik akong umalis sa lugar na yun. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi basta magkukulong ako dito hanggang sa araw ng kasal. Ayaw kong makita o makaharap man lang sya. Baka kasi madala lang ako sa pananalita nya. Sa araw ng aming kasal dun ko na lang sya tatakbuhanlo. Ipapahiya sa maraming tao. Hindi pa siguro sapat yun para sa lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Kulang pa yun Gabriel.

Wedding Day.
Sa ilang araw ng pagkukulong ko dito. Hindi man lang nagawang magpakita ni Gabriel. Ang tindi lang. Gusto ko sanang magpaganda pa din yung tipong magsisisi sya pero mas pinili ko na hindi na lang mag ayos, sa harap ng madaming tao isisigaw ko sa pagmumukha nya na walang kasalang magaganap.
Dumating ako sa simbahan na ang dami ng tao. Wow excited lang sila. Medyo nagpalate na nga ako pero dagsa pa din nang tao. Ang totoo Gabriel madami ka bang ininvite para sa gagawin mong panloloko sa akin?
Pumasok ako sa simbahan ng wala man lang nakapansin. Nasaan ba yung wedding coordinator? Pero ok na yun, mas masaya siguro na magugulat si Gabriel sa hitsura ko. Nakapantulog. Ano kayang magiging reaction mo pag sinabi ko na ang mga katagang Nagising na lang ako at narealize ko na hindi pala kita mahal.
Epic siguro itsura mo? yung tipong pang instagram.
Pero habang lumalapit ako sa altar at nagiging mas malinaw ang itsura nya. Hindi ko maloloko ang puso ko, MAHAL pa din kita, pero nasasaktan ako kasi kahit sa malayo halata na malungkot ka.
Napipilitan ka lang talaga?
Nakakaiyak lang. Hindi ko ata kaya na makita siya na mas masaktan pa lalo dahil sa pagpapahiya na gagawin ko. Bakit kasi mahal na mahal kita?
"Last week.."
Nagulat ako na nagsalita sya. Nakatungo sya kaya hindi nya ako kita. Bakit ganun ang boses nya? Bakit nakakaiyak?
"..ang saya saya ko habang papunta sa company niyo para sunduin ka.."
Hindi ka naman dumating? O baka iba yung sinasabi nya? Ilan ba kami sa buhay mo Gabriel?
"Kasi kinabukasan sabay na nating aasikasuhin ang kasal natin. "
Kasal na napipilitan ka lang.
"Hanggang dun lang pala ang kasiyahan na yun.."
Kasi nagtagksil ka. Kasi may babae ka. Kasi mas inasikaso mo siya kesa puntahan ako. Kasi baka nga MAHAL mo siya at napipilitan ka lang.
"Carla, Mahal na Mahal kita.. na kahit tutol lahat ng tao dito ngayon,magpapakasal pa din ako sayo,kasi wala naman akong ibang babaeng naisip pakasalan kundi ikaw,sana pala hindi ko sinayang yung panahon na sana kasama kita,bakit kasi ang aga ka nyang kinuha sa akin?"
KINUHA?
Medyo nagulat ako sa sinabi nya. nagulat din lalo kasi umiiyak sya. Yung iyak na ang sakit sakit pakinggan.
Bakit?
Ngayon ko lang din napansin an halos umiiyak din ang lahat.
Saka ko lang napansin ang puting bagay sa tabi ni Gabriel,ang puting bagay na may salamin, dahan dahan akong lumapit pinipilit ang sariling huwag intindihin ang naiisip niya. Hindi maari. Kaya ba nagkagulo noon sa may harap ng opisina? Kaya ba parang hindi ako pinapansin nung nakasabay ko sa taxi? Kaya ba tutol silang pakasalan ako ni Gabriel?
Kaya ba walang pumapansin sa akin ngayon? Kaya ba tutol sila sa kasalan na to? Sabagay sino nga namang ina ang gugustuhin na makita ang anak nya na ikinakasal sa walang buhay?
Nilapitan ko si Gabriel. Nakakapangliit lang. Pinagdudahan ko sya. Pero eto siya ngayon. Pinapakita sa lahat ng tao kung gaano niya ako kamahal. Kahit kapalit nun at kahihiyan sa parte nya.
Niyakap ko siya. Kahit hindi ko alam kung paano siya yayakapin kasi lumalampas din ako sa kanya.
"Mahal na mahal kita Carla.. Hintayin mo ako kung nasan ka man"
Ayaw ko. Masaya na ako na makita ka na masaya. Kahit hindi sa piling ko. Yung pagmamahal mo sapat na para maging masaya ako kung saan man ako tutungo. Mr . JanSport ko. Paalam.

_casper_

Casper's AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon