Drive Me Crazy

754 18 2
                                    


Ang Love minsan topakin. Hindi mo alam kung kailan darating. Kung kailan siya darating. Akala mo natraffic lang kaya wala pa. Magugulat ka na lang sinusundo ka na pala.

ELA

"Grabe late na ako, mapapagalitan na naman ako ni Boss nito."

Nagtatrabaho ako bilang secretary sa company na malapit sa amin. Si Mang Julian yung service ko tuwing umaga.Sa tricycle lang niya ako sumasakay since malapit lang talaga yung company namin. Since secretary ang work ko, syempre maganda at sexy ako. Ela late ka na di ba? Katetext mo pa nga lang sa manager mo na malalate ka at yung pagiging maganda at sext pa ang inatupag mo?

Paglabas ko ng bahay wala pa doon si Mang Julian. Pero yung tricycle niya andoon at isang napakagwapong lalaki yung nakatayo sa harap ng tricycle. Grabe uminom ba si Mang Julian ng pampabata? Oo kahit matanda na si Mang Julian masasabi ko na may itsura siya nung kabataan niya.

"Si..no ka?"

Bakit ako na uutal? Kasi naman bakit ang hot niya? Pinasimplehan ko lang na punasan yung bibig ko kasi baka tumulo laway ko.

"Hindi ako sinuka, inianak ako."

May itinatagong humor si Kuya gwapo. Itago na lang niya Inianak daw siya? Ako kaya pwede nyang anakan?

"Si Mang Julian nasaan siya? Medyo late na kasi ako."

"May sakit kasi si Papa kaya ako muna maghahatid sa'yo, wala naman akong trabaho ngayon, sakay na."

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Sakay na? Saan sa tricycle o sa kanya? Mas bet ko ata yung huli. Ok lang malate ako lalo. O kaya hindi na ako makapasok nang tuluyan sa opisina.

Habang nakasakay ako sa kanya, este sa tricycle pala, gusto ko nga doon ako sa likod uupo tapos yayakap ako sa kanya? Bakit kasi hindi na lang sumama yung sidecar kay Mang Julian? Para may reason ako na dun talaga sumakay sa likod niya? Ang landi ko lang ngayong umaga. Ang pagiging malandi pala depende pa din sa kaharap mo.

Hindi ko maiwasan na hindi mapatingin sa kanya. Kasi nga sa tricycle kami nakasakay yung damit niya tumataas ng konti dahil ng hangin. Pero kahit konti lang yung nakikita ko parang ang sarap kumain ng pandesal. Bakit ganoon? Sobrang hangin naman bakit pakiramdam ko ang init init ko?

"Sunduin na lang kita mamaya. Troy nga pala. Mamaya na lang ulit?"

Nakakapagsisi tuloy na sobrang lapit lang ng opisina namin. Konting oras ko lang tuloy syang nakasama. Bakit kasi hindi na lang siya nagbiglang liko kanina para lumayo layo ng konti at matagal ko siyang nakasama.

"Ok."

"Sige. Ingat Ela."

Nagulat ako kasi alam niya name ko. Pero pinigilan ko lang yung kilig kasi baka naman sinabi Mang Julian. Bakit ang sarap pakinggan ng name ko pag siya yung magbibigkas? At bakit ang sarap niya?

Halos maghapon na siya yung laman ng isip ko. Matagal ko nang kilala si Mang Julian pero ngayon ko lang nalaman na may gwapo syang anak. Na "Love at First Sight" ba ako sa kanya? Oo nagagwapuhan ako sa kanya at pamatay talaga yung katawan niya pero ang hindi maalis sa isip ko ay yung ngiti niya nung nag paalam siya kanina. Yung banggitin niya yung pangalan ko. Parang sa pagkakabanggit niya noon parang wala ng iba pa na pwedeng bumanggit ng pangalan ko.

Pwede ba yun? Na mahalin ko siya agad? Oo, naghahanap ako ng boyfriend. Napagod na nga ako sa kakahintay. Pero imposible naman na si Troy na, sa gwapo nyang yun imposibleng wala siyang girlfriend. Kaya Ela itigil mo na kung ano man yung nararamdaman mo. Para hindi ka na masaktan banda banda dyan, kahit pa may abs siya at gwapo siya.

Casper's AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon