" I do cherish you
For the rest of my life
You don't have to think twice
I will love you still
From the depths of my soul
It's beyond my control
I've waited so long to say this to you
If you're asking do I love you this much
I do"Katulad ng unang linya sa chorus ng kantang paulit ulit kong pinapakinggan, ay ang nararamdaman ko kay Thaddeus. Kahit ang huling linya ay pangarap ko din na masabi sa kanya "I Love You this much Ido". Parang nagkataon ba yung "I do" na yun? Sa isip ko lagi kong pinapalitan ng Ido na nickname ni Thaddeus Victorious Emilio ang pinakagwapo para sa akin. Ang hotness na walang makakapantay. Ang dapat sisihin sa Global tWarming, kung bakit natin sobrang ramdam ang Climate Change. Siya lang talaga ang dahilan. Dahil sa sobrang hot niya ako din ay natupok. Natupok sa pagmamahal na alam ko na sa simula ay walang patutunguhan. Isa lang ako sa libo libong obaryo na pinasabog niya. Hanggang doon lang.
"Hanggang dito na lang ba?"
Matapos ang mainit na pag iisa ng aming katawan ay nakikipaghiwalay na siya. Alam ko naman na hindi tatagal. Kasi wala namang kami. Pumayag ako sa sitwasyon na may deadline. At ito na ang katapusan.
"Cas, alam mo naman na sobrang gwapo ko di ba? At sobrang hot ko pa. Sobrang perfect ko pa." Sanay na naman ako sa mga sinasabi niya. Kasi totoo naman yun. Bakit ba ako papayag na ibigay ang sarili ko sa kanya? Bakit ako papayag sa isang buwan na sex lang ang kapalit ng pagmamahal ko sa kanya? "Pero kahit sobrang perfect ko alam ko na hindi ako ang para sa'yo. Hindi ako ang perfect para sa'yo. Pinagbigyan na kita ng hotness ko."
Sa daming obaryo na sumasabog matitigan lang siya maswerte pa din ako dahil pinagbigyan niya ako na maranasan kahit papaano ang langit sa piling niya. Isang buwan lang ang usapan namin. At ngayon nga ang huling araw ko sa kanya. Kahit matagal ko ng tanggap na iiwan niya ako masakit din talaga. Pero anong magagawa ko? Hindi siya yung tipo ng lalaki na madaling itali. At kahit nga ganito ang sitwasyon namin na sa kama lang hindi ko din naman naramdaman na binaboy niya ako. Oo mga kakaiba ang pinagagawa namin. Si Ido kasi yung tipo na wala talagang kapaguran. Yung kahabaan niya talaga ang masasabi ko na "Epitome of Perfection" kasi laging 169% ang level ng performance niya. Yung tipong kakarating mo palang sa sukdulan hindi ka niya hahayaan na bumababa agad. Yung sukdulan niya mas isinagad pa niya kaya hindi ko alam kung makakalimutan ko talaga siya. Yung pagmamahal ko sa kanya baka mabawasan sa tagal ng panahon pero yung pinaramdam niya sa tuwing nag iisa ang aming mga katawan parang yun ang hindi ko makakalimutan. Parang kailangan ko ng isa pang katulad niya para mapantayan ang ginawa niyang pagtupok sa akin.
Lumapit ako sa kanya habang nagbibihis siya. Hinaplos ko ang mukha niya.
"Ang gwapo mo talaga."
Hindi ko maiwasan na hindi sabihin yun. Kahit ang totoo gustong gusto kong sabihin na mahal ko siya. Pero hindi pwede. Pumayag siya sa sitwasyon namin kasi ang alam niya init ng katawan lang ang nararamdaman ko sa kanya. Na katulad ko ay nag eenjoy lang din siya. Inilapit ako ang mukha ko sa mukha niya. Hindi naman niya yun inilayo kaya naging madali sa akin na sakupin ang mga labi niya. Ang mga labing sobrang mamimiss ko. At ito na nga yung huling halik ko sa kanya.
"Sige na alis ka na. Baka kung ano pang magawa natin."
Tumawa lang ito. Tapos ay lumabas na nga siya ng unit ko. Kahit ayaw ko siyang pakawalan pero wala akong magagawa na, kasi kailangan ko yung gawin. Ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa. Kahit maganda ang naging samahan naming dalawa hindi yun sapat para magkaroon siya ng kahit konting pagmamahal sa akin. Kaya hinayaan ko siya na umalis kasi alam ko na hindi siya sa akin. Ayaw kong ipilit siya sa sitwasyon namin, hindi siya magiging masaya sa akin.
Masaya na ako sa panahon na kasama ko siya. Magiging masaya din ako kung sakaling mahahanap ni Ido ang babaeng mamahalin niya. Kasi alam ko na doon pa lang siya magiging masaya. Ako? Dito lang ako, papakinggan paulit ang kantang para lang sa kanya. Paulit ulit masasaktan kasi tama siya, hindi dahil perfect siya ay magiging perfect na kami para sa isa't isa._casper_