So This is LOVE (Chapter 2)

69 1 0
  • Dedicated kay Maylyn Eco Fillomena
                                    

At Makiss's Apartment( hirap basahin daming S)

Sunday 6am

Nandito na naman ako sa school ko nung HIGHSCHOOL kung san ako nag graduate bakit ba lagi na lang akong dinadala ng panaginip ko dito,hindi naman ako nagtagal sa school na to pero bakit parang ibinabalik ako...Ang WEIRD . hindi bumata muka ko pero naka school uniform ako (nagbago yung Setting sa CANTEEN)

Nakaupo na naman ako dito sa table na to ,ito yung lagi kong kinakainan na table nung HIGHSCHOOL , naweweirduhan na ko bakit wala man lang tao tumayo ako at luminga linga may nakasilip sa bintana lalaki nakauniform din pero bakit walang muka .

"Hey!!" ang nasabi ko (hey?di ba dapat matakot ako) biglang umalis yung lalaki,hinabol ko sya pero nagmamadali syang maglakad tumigil sya saglit sinundan ko sya ulit pero naglakad na naman sya (trip ba nyang pagudin ako?) " Sandali lang,huwag kang umalis!!" sigaw ko sa kanya tumigil sya pero nakatalikod pa rin lumapit ako . "San ka pupunta? Sino kaba? Bakit ako bumalik dito" nagtanung pa ko muka namang di sasagot ,nakatalikod pa rin sya .

"Nandito ka siguro kasi gusto mo syang makilala" OMG! nagsalita sya pero nakatalikod pa rin.

"Sino? anong ibig mong sabihin?" sobra na ko nacurious.

"Yung Destiny mo ,dito nagkatagpo ang landas nio . Hindi mo sya nakilala pero ikaw kilala ka nya. "

"Ha? sino? "Hindi sya sumagot at tumakbo na sya ,sinubukan ko syang habulin pero di ko sya naabutan .Lumugmok ako at umub-ob sa tuhod ko.

"ATE!!!" ATE!!" boses ni MC yun ahh ,ramdam kong may yumuyugyog sakin pero bakit di ko sya makita .

PAK! nagising ako,buti nagising ako pero ang sakit nung pisngi ko ,nakita ko agad si MC.

"Hay! Buti naman nagising kana, kala ko nasaniban ka na jan. Sampal lang pala katapat mo."

" Kaya pala ang sakit ng pisngi ko" sabay himas ko sa pisngi ko . " Bakit mo naman ako sinampal pwede naman gisingin ng ayos."

"Kanina pa kaya kita ginigising kasi ungol ka ng ungol, niyugyog nga kita . Grabe! Natakot ako dun kaya nasampal kita . Ano na naman bang panaginip mo? "Usisa ni MC

Oo nga pala naalala ko nanaginip na naman pala ako. Nung nasa bahay pa kami ni Granie ,madalas kong napapanaginipan yung school ko nung HS pero iba ngayon may nakita na kong lalaki kaso walang muka ." Ang weird nga eh," kinuwento ko sa kanya lahat nung nasa panaginip ko ,pati yung weird na lalaki at yung mga sinabi nya. " Naririnig kong tinatawag mo ko pero di kita makita,nararamdaman ko ding may yumuyugyog sakin pero di naman ako makamulat buti nga palang sinampal mo ko ,pero ang SAKIT HA!! "

"Haha! Sorry Sis! Di ko gustong gawin yun,natakot na kasi ako. Pero yung panaginip mo ang weird nga no,nagtagpo daw landas nio dun ng destiny mo,pero di mo sya kilala pero ikaw kilala ka nya,, hmmmmm!" Tiningnan ko si MC mukang nag iisip sya. " Hindi kaya Ate ,yung si ano..."

"SECRET ADMIRER!!!" Sabay pa naming sabi.

"Si SA? Trip lang ata yun nung mga kaklase kong walang magawa sa buhay , bakit di sya nagpakita nung dapat magtatagpo kami . Nagbigay pa sya ng place tapos di naman dadating,nagmuka kaya akong tanga nun. Siguro pinagtatawanan ako nung taong nantrip sakin nun. Grabe ako naman si TANGA nagpadala sa mga sulat, kaya nadala na kong pumunta sa locker ko pagkatapos nun kahit nga sa locker ko ngayon sa school di ako pumupunta." - Ako

So This is LOVE ( tagalog Love story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon