So This is LOVE ( Chapter 3)

60 1 0
                                    

A/N : Eto na po next chapter . Sana magustuhan nio. ^_____^ .

Macky's POV

Ayon na nga nagwalk out ako pagkatapos kong makipagbangayan dun kay Makiss.

Makiss? Yah!! I know her. We're Schoolmate since Highschool and until now in College . I'm so popular in our school pero bakit di nya pa rin ako kilala. Kahit nung Highschool kami sikat din ako pero parang wala siyang pakialam sa mundo noon kahit na gumawa na ko ng way para...hmm OO na siya yung babaeng nagustuhan ko nung HS.

*FLASH BACK * ( Highschool Days )

BREAKTIME

" Pare! may nakita akong bagong estudyante , maganda pare! Kaya lang sa lower section napapunta ."

"Sigurado kang dito napasok? Baka naman sa ibang school bumisita lang "

"Hindi ahh,naka school uniform na siya ng SJEI kaya alam kong bago sya."

"Huh? 3rd grading na ahh, buti tumanggap pa yung school natin ."

"Kaya siguro sa lower section na siya napapunta, wala na kasing bakante saten."

Yun ang naririnig kong usap usapan nung mga kaklase kong lalaki habang nagbabasa ako ng books. Lagi na lang babae ang pinag uusapan nila, nag aaral ba talaga sila o nag chix hunting lang dito sa school. May 20 mins. pa bago mag time. Di ko alam anong pumasok sa isip ko at nakapaglakad ako papunta sa lower section nacurious ako siguro ,as usual sa daan madaming girls na nagpapacute at bumabati. Ayun andito na nga ako sa room ng lower section ,nagtinginan saken yung mga estudyante ng IV-Zamora ,shocked sila syempre minsan lang ako mapadpad dun. Luminga linga ako ,may lumapit saking babae .

"Hi Yves ! Ako nga pala si Sofia.Ako ang Class President dito may maitutulong ba ko? " sabi nung babaeng lumapit sakin.

"Hello ! I just want to see the new student. Where is she? "

"Ahh ." Feeling ko nadisappoint sia . " She's there !! Sabi nya habang nakaturo sa babaeng nasa last row na malapit sa bintana. Nakatingin ito sa malayo.

" Why are you looking for her? Are you interested to her? Dagdag nung Sofia .

"What if yes? " Nabigla sya sa sinabi ko kahit ako nabigla din ako sa sinabi ko buti nakaisip ako ng pambawi. " I'm interested because I want her to be part of our play for this coming Christmas event."

"Oh? Bakit sya? Pwede bang ako na

lang? Napakafeeling naman neto

I smiled " I'm looking for a new face that can fit to be a Mama Mary and I think she's the one that I am looking for"

"Okay! So you want to talk to her? "

"No. Not now , maybe some other time . I think she's not in the mood to talk with somebody else now"

"Okay . Pag ayaw nya pwede bang ako na lang . "

"I will think about it . Thanks . Bye. " Umalis na ko ,ang kulit nya kasi ayaw ko na pumunta dun. Mag uutos na lang ako ng iba, sana pumayag sya.

Pinapunta ko yung assistant ko nung sumunod na araw sa section na yun para kumbinsihin yung bagong estudyante. Ayos pumayag naman daw. Pumupunta sya sa praktis ng play pero di ako nagpapakita. Ewan ko ba ngayon lang ako nahiya , tama sila maganda nga sya kaso aloof naman . Pinagmamasdan ko sya sa malayo , unti unti na kong nahuhulog sa kanya kahit di ko naman sya nakakausap . Ang weird lang di ba?? Di ako kasali sa play , naintindihan na nila yun na di ko yun linya .

Dumating yung araw ng play , di ko mapigilan kunan sya ng mga litrato bagay kasi sa kanya yung role , ang amo ng muka nia bagay na bagay yung all white dress sa kanya . Pagkatapos ng play lalapitan ko sana sya para icongratulate kaso naunahan na naman ako ng hiya . Bakit ganto pag dating sa kanya ang bigat ng paa ko ,di ako makalapit . Hanggang sa nag bakasyon na kasi nga mag Christmas di ko pa rin sya nalapitan . Tinititigan ko na lang yung photos nya sa computer ko sa kwarto .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

So This is LOVE ( tagalog Love story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon