So This is LOVE ( Chapter 1)

100 1 0
                                    

Masyadong madaming nangyari, Thanks God at pumayag din si Mama na lumipat kami . Masyadong maliit na ang bahay ni Granie para samin ni Ate Nikki , di ko alam bakit ba galit na galit siya sakin ,ginagawa ko naman lahat para mapalapit ako sa kanya kahit sabi ni Granie di ko naman kelangan gawin yun kasi wala naman kaming kasalanan . Pumapayag akong inaalila niya ako, kahit sa padala ni Mama pumapayag na kong maliit yung samin , ako na nga gumagawa ng lahat pero di ko naman papayagan na pati kapatid ko sasaktan niya . Sinasabi ni Mama na intindhin ko na lang kasi nga sa nangyari dati , hello anung petsa na bakit until now di sya maka move on ??

**FLASHBACK**

Pauwi palang ako galing sa school , swerte wala akong duty nun kaya umuwi ako ng maaga nasa gate pa lang ako narinig ko na yung sigaw ni Ate Nikki .

"Kayong magkakapatid ,kahit kelan bwisit kayo sa buhay ko!!" Tatakbo na akong papasok ng gate kasi baka saktan mga kapatid ko ,narinig ko pang sabi ni Granie.

" Tama na Nikki mga kapatid mo yan,di mo dapat tinatrato ng ganyan" pag aawat ni Granie

"Kapatid?? Di ko mga kapatid yan, wala akong kapatid!! sabay sipa nya kay MC at Migz na nalugmok lang at nakayukong umiiyak at yun yung naabutan ko pagkapasok ko ng pinto.

Hinatak ko sya ng malakas at isinalya tumama siya sa upuang plastik at natumba kasama nito. Tinayo ko mga kapatid ko at niyakap umiiyak na ko nun.

""Ate Nikki!!! Tama na!! Ano bang problema mo!! Sumosobra kana ihhh "

Bumangon si Ate Nikki at sinugod ako " H*Y*P ka !! Lumalaban kana ngayon ha, nagmamalaki kana !! SIno pinagmamalaki mo yung Manager mo ha!! Hinatak niya yung buhok ko at ni MC . "Manang mana ka sa nanay niyong malandi!!" nagpantig ang tenga ko sa narinig ko ayaw ko sa lahat pagsasalitaan ng masama yung nanay kong naging mabuting ina sa amin kahit naman sa kanya naging mabuti din si Mama.

Sumabay ako,nakipagganutan ako sa kanya "Laitin mo na ako, wag lang si Mama . Saktan mo na ako , wag lang mga kapatid ko " hindi ko din sya tinigilan sa paghatak sa buhok niya ,pero dahil mas malakas siya naisalya niya ako sa sahig . Niyapos ako ni MC at bigla kaming natigilan.

"PAK!!" isang malakas na sampal ang binigay ni Granie kay Ate Nikki,umiiyak na din si Granie nun . "Sinabi ko sayong tumigil kana, Anong karapatan mong pagsalitaan ng masama ang anak ko? Naging mabuti siyang ina sayo nung kasama mo pa siya, kahit sabihin pang nagkamali sya noon , may dahilan sya Nikki at alam mo yan sa sarili mo .

"Ngayon niyo lang ako nasaktan,pati ba naman kayo kay Makiss na rin . Si Mama hindi sya naging ina sa akin!! Si Auntie Gracia sya lang naman kakampi ko,sana di na lang ako kinuha ni Mama sa kanya, sana di ko kasama mga pesteng to." sabay turo sa amin.

"Mga kapatid mo sila at kelangan mo silang tanggapin Nikki . Ang tagal na kelan mo ba sila matatanggap , nangyari na ang nangyari kelan ka ba makakamove on? "

"Granie, hindi ko sila matatanggap kasi habang nakikita ko sila naiisip ko pa rin yung mga ginawa sakin niP.... pinutol nya yung sinasabi niya. "yung mga nangyari dati" . Umiiyak na din si Ate Nikki at nag buntong hininga "Masyado ng masikip yug bahay na to samin Granie , siguro sila o ako yung aalis .

Umiiling lang si Granie habang umiiyak . " Nikki...."

Nagsalita ako " Kami! kami na lang yung aalis Granie, para wala na pong gulo ." Nakita ko si Ate Nikki na ngumiti, (evil smile). Niyakag ko na mga kapatid ko sa kwarto nila para mag impake ,si Ate Nikki pumunta sa kwarto niya sinundan sya ni Granie para kausapin siguro pero nilock ni Ate Nikki ang pinto .

So This is LOVE ( tagalog Love story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon