Chapter 12

3 0 0
                                    

Unexpected

  
Kasalukuyan kong sinasamahan mamili ng drawing materials si Savanna. Hindi ko na ginamit ang sasakyan dahil I’m too tired to drive. So we just take an uber. In just a few days, sasabak sa isang competition si Sav, which is poster making competition. Siya ang representative ng klase nila. Nakita agad ng mga teacher niya ang kanyang galing sa pag guhit kaya siya ang kinuha at kung siya man ang manalo, she’ll be given a chance to compete to other schools. And she seems excited about it.

“Savanna kung ano ano na ang kinukuha mo. Hindi mo naman yan kailangan.” Nakasimangot niyang binalik yung isang cute na bottle. “Give me the list. And we’ll only buy the things you need okay? Tama na tong mga kinuha mo.” Matamlay siyang tumango.

Binasa ko ang nasa papel at madami dami pa to. I glance at our cart na halos hindi naman kailangan ang nakalagay. Panda pencil case na hindi naman niya kailangan dahil meron na siyang pencil case. Dalawang coloring book. She even got earphones! Saan naman niya nakita to? Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga.

I felt my phone vibrate kaya kinuha ko ito sa akin bulsa to check who is it.

“Hello.”

(Are you guys done? Rocket and I will wait for you. Nagyayaya sina Dad na kumain tayo ng lunch sa isang restaurant.)

Sinulyapan ko si Savanna na hindi padin mabitawan yung boteng may bunny ears.

“Not yet. Hindi pa namin nakukuha yung mga nasa listahan. She keeps on picking things na hindi naman niya kailangan.”

Narinig ko ang mahina niyang tawa (Hayaan mo na ng matapos na kayo. We’re here sa isang ice cream shop. We’ll go there after kumain ni Rocket.)

“Okay. We’ll see you later.”

Darius ended the call. I let out a sigh dahilan mapatingin sa akin si Sav. “Alright. Pero last na yan okay? Daruis are waiting for us. Bilisan na natin.” Tuwang tuwa naman siya sa sinabi ko kaya lahat ng nasa listahan ay siya na ang kumuha.

Nakapila na kami when I noticed something’s missing. When I check the list, nakalimutan nga namin ang isang bagay.

“Wait you forgot the Illustration board.” Aakma na siyang aalis para kunin nang pigilan ko siya.

“Ako na. Just stay there.” Sinilip ko ang pila and pang tatlo pa naman kami so that’s fine. “I’ll be fast.”

Saan ba nakapwesto yun?

“Excuse me, Where can I find the Illustration boards?” Tinuro naman agad sa akin ng staff kung saan iyon. And guess what? Sa pinakadulo lang naman. Damn

Habang pabalik sa cashier ay nakatanggap pa ako ng mensahe mula kay Justin.

Hey pretty lady.
Keep an eye on your sister.
There’s a criminal on the loose.

Hindi ko mapigilang mapamura. Hindi man mapigilan pero talagang ang walanghiya kong ama amahan ang una kong naisip. Nakailang buwan bago siya mahanap noon na nagtatago lang pala sa  bahay niya sa Laguna! Agad naman siyang sumuko nung hinuli siya pero bakit ngayon ay tumakas siya? Nagmadali akong makalapit kay Savanna at halos kapusin ako ng hangin nang makitang may dalawang taong nakatalikod na masaya niyang kinakausap.

“Savanna!” Sigaw ko na hindi lang ang atensyon ni Sav ang nakuha. Pati din ang dalawang tao na kausap niya.

“Shit.”

“Cly!” Agad nakalapit sa akin ang babae para yakapin ako. Nakita ko naman ang kasama niyang nakangiti sa akin.

“Tama nga si Jester. You’re here” Sabi naman ng lalake

“Ate ate! I miss them! I miss Ate Val and Kuya Robert.” Yes, sila nga.

Lumapit na ako sa pwesto ni Sav na kami na pala ang sunod na magbabayad. Nakapila sa likod namin ang dalawa.

“Jester told us na naka salubong ka daw niya sa Gyrodisk nung nakaraang araw. Matagal ka na bang nakabalik? Are you staying here for good?” Tanong ni Val sa gilid ko. I seriously don’t know how to talk to them.

“Last three weeks. And yes, we are staying here for good.” Mahina kong sagot. Narinig ko ang bahagya niyang pagtikhim

“That would be 1,345 Mam.” Agad naman akong nag abot ng bayad sa kahera.

“Do you mind if we ask you to join us for lunch?” Napalingon ako kay Robert. Sinulyap ko si Val na nakatungo ngayon.

“I’m sorry pero may family lunch kami.” Hindi ko nakita ang reaksyon niya ng biglang hilahin ni Sav ang kamay ko.

“Kuya Daruis! Over here!” Napatingin ako sa kinakawayan ni Sav and Daruis is there. Pero asan si Rocket?

Patakbong pumunta sa kanya si Sav at nakita kong nagpabuhat pa ito.

Agad na nakalapit sa akin si Daruis to grab the things habang buhat si Sav.

“Hindi ka ba nahihirapan?” Tatlong plastic din ang hawak niya tapos buhat niya pa ang kapatid ko sa kanang kamay.

Umiling ito sa akin. “So shall we go? Your Dad is looking for us.” Napalingon ako kina Val na nakatingin din pala sa amin.

“Uhm, mauna na kami.” Robert waved goodbye habang umiwas naman ng tingin si Val.

“Nasan nga pala si Rocket?” I asked him ng makalayo na kami.

“Car.” Napakamainipin talaga ng batang iyon.

“Who are they?” Tanong niya at bahagyang inayos niya ang karga ni Sav na nakatulog na pala. Tinulungan ko siya sa bitbit para mas maayos niya si Sav.

“That’s Valeria and Robert.” Nakita ko ang marahan niyang pag tango.

“That’s unexpected.” Ilang minutong walang nag salita sa amin nang siya na din ang bumasag ng katahimikan. “So I finally meet them.” Napanguso ako sa sinabi niya. Hindi mo naman nakilala. Nakita mo lang. Dati niya pa gusto makilala sila. Ako lang talaga tong ayaw. Na pati litrato ay hindi pinapakita sa kanya.

“What took you so long? I’m already hungry.” Agad na salubong sa amin ni Rocket. Habang nilalagay ko ang mga pinamili sa likod ay inihiga naman ni Daruis si Sav. I saw Rocket put pillow on his lap at doon niya pinatong ang ulo ni Sav.

My baby bro is so sweet. Binigyan ko siya ng isang mapangasar na ngisi na ikinaiwas niya ng tingin. Ayaw niyang niloloko ko siyang sweet. Dahil hindi naman daw. Naupo na ako sa unahan at pinaandar na din ni Daruis ang sasakyan.

“You’re hungry? I thought you ate Ice cream?” Nilingon ko siya ng marinig ko ang ‘tss’ niya.

“Yeah. But hindi ako nabusog.” Iniwas niyang muli ang tingin sa akin at bumaling sa ipad niya.

“Where are we going to eat?” I asked Daruis

“RSM” Nagulat ako na doon nila napiliang kumain. Bakit doon?

“Mom wants a place na hindi gaanong magarbo.” Well. RSM have good dishes. Mga lutong bahay na masarap.

Habang nasa byahe ay hindi ko makakalimutan yung text ni Justin, kaya sinabi ko iyon sa kapatid ko.

“Darius. Justin texted me.” Akala ko ay kukunot ang noo niya dahil nag text sa akin si Justin. He don’t like the thought na nagkakatext kami minsan. Nanghihingi lang naman ng advice ang torpe king.

He nods at me. Ako naman ang kumunot ang noo. Hindi niya man lang ako sasabihan? Medyo advance kasi mag isip to. Palibhasa matalino.

“I know. Kaya sinundo ko na kayo.” He knows.

Pero I’m still confused.

“Is it Rudy?” Kinakabahan kong tanong sa isang mahinang boses. Ayaw kong marinig ng kapatid ko ito. He killed my mother, paano naman kaming hindi niya talaga minahal? Are we in danger?

Sinilip ko si Savanna na komportable pading natutulog sa binti ng kapatid niya sa pamamagitan ng salamin bago tumingin kay Daruis na deretsyong nakatingin naman sa kalsada.  Hindi ko tinanggal ang tingin sa kanya. Gusto kong malaman kung tama nga ba ang iniisip ko. I need answers.

“We won’t let him harm the both of you. Besides, you’re already protected.” Hindi man direct ang pagkakasagot niya, nakuha ko padin ang sagot sa tanong ko.

Hindi na ako nakapagsalita. Nagsisimula na akong mag isip ng kung ano ano. I need to keep Savanna safe.

Nakadating kami sa parking lot ng RSM na yun padin ang iniisip ko. Ginising na ni Rocket si Savanna at nauna silang pumasok sa loob na agad naming sinundan ni Daruis. Sinenyasan ko siya na susunod na lang ako dahil may tatawagan pa ako.

“Kailan pa?”

Bumuntong hininga siya bago ako sagutin (This morning. Nagkaroon lang ng minor checking ng mapansin ng mga tauhan na wala na siya. Nakalusot ang gago)

Napasabunot ako sa buhok ko. (We are doing our best to find him. Nag sagawa na din kami ng report sa lahat ng bayan at naglagay na din kami ng mga checkpoints. Huwag kang mag-alala Nina. Hindi ko hahayaan na makalapit siya sa inyo.)

Wala akong pake sa sarili ko. Si Savanna ang iniisip ko na dati ng pinagiinitan ng hayop na iyon.

“Just don’t let him get close to Savanna. Kaya ko ang sarili ko.”

Narinig ko ang buntong hininga niya.

(Your brother and I already talked about giving you some bodyguards) What the fuck?

“Huwag ako Justin. Kay Savanna kayo mag bigay. Kay Savanna lang.” Hindi ko narinig ang pagtutol niya.

(Okay. Sav’s bo-) Sa isang mabilis na kilos, nakuha ko agad ang isa kong kaibigan sa aking sapatos. Kaagad ko itong itinutok ng makaramdan ako ng panibago at hindi pamilyar na presencya sa aking likuran.

“Who the hell are you?” Mas inilapit ko pa ang hawak kong patalim sa leeg niya.

(Hey! What happened?) There’s panic in his voice. Naririnig ko din ang sunod sunod niyang pagmumura.

Bahagya itong lumayo sa akin at tumungo “I’m sorry for that Miss. I’m the appointed bodyguard for Savanna.”

Mukhang narinig ni Justin ang sinabi ng lalakeng nasa harapan ko ngayon.

(Oh Fuck that! You scared me! Turn the loudspeaker on) I did what he told me.

“It’s on”

(State your code) Ma-awtoridad na sabi ni Justin na sa tingin ko ay itong lalakeng nasa harap ko ang kinakausap.

“Code fxn Sir.” Matikas niyang bigkas. Derestyo akong nakatingin sa kanya na sobrang seryoso ng mukha. He’s emotionless.

Nakarinig kaming dalawa ng ‘Identity confirm’ na parang boses ng isang technolohiya.

(Is he alone Nina?) Tumingin naman ako sa paligid.

“I guess. Siya lang kasama ko dito”

(No. He’s with his team. Nasa paligid lang sila. He’s the head of his team) Nagulat ako doon. Hindi maaring madami sila! Hanggat maaari ay ayaw kong mapansin ito ni Savanna.

“Ilan kayong nandito ngayon? Kanina pa ba niyo kami sinusundan?”

“We’re 5 Miss and yes. Kanina pa po sa Mall.” Napairap ako. Kaya naman pala may nalalaman na “You’re already protected”  ang kapatid ko.

I told the bodyguard na maari na siyang umalis. Humingi ulit ito ng panibagong pasencya sa pagkakagulat sa akin bago tuluyang umalis.

“Justin. Alam kong alam mo kung ano ang ayaw ko diba?”

Narinig ko ang nakakainis niyang tawa (Of course. Alam na nila ang mga dapat at hindi nila dapat gawin.)

“At bakit parang hindi mo ata alam na kasama ko na sila ngayon? Kung makapag panic ka.” Anong klaseng boss ka? Tss.

(Hindi! I was about to tell you na kasama mo na nga sila kanina pa nung bigla ko na lang narinig ang tanong mo.) Napairap na naman ako sa sagot niya.

“Sige na. May lunch kaming pamilya. Nakakaabala ka na.”

Tumawa siya ng may panunuya (Wow ha! Hindi naman ako ang tumawag. Anyway, hindi ni Savanna makikita ang kanyang mga bodyguard. Pero pwede mo silang makita. They will do their jobs as awesome as their boss) Puro na kawalang kwenta ang sinasabi ng isang to. (Again Nina, We won’t let him harm you) Agad na putol ang tawag bago pa ako makasagot. Pinatayan ako ng torpe king.

Pumasok ako ng RSM na medyo magaan na ang pakiramdam knowing na may bantay naman na ang kapatid ko.

Sav wave her hand kaya nakita ko na agad ang pamilya kong nag tatawanan.

“What did I miss?” tanong ko habang bumeso kay Dad at Mommy Terese.

“They are talking about Rocket who has a crush on someone.” Napalingon ako sa kapatid ko na nakatungo sa kahihiyan. His ears are so red.

Hindi ko napigilan ang sariling halikan siya sa pisngi na agad niyang ikinangiwi.

“Why do you have to kiss me? Your saliva is so gross.” Maarte niyang saad habang walang humpay ang punas sa pisngi niya gamit ang kamay niya. Hindi pa nakuntento, pumunta pang banyo para daw mag hilamos.

Natawa ang lahat sa reaksyon niya.

“Anyway Hija. I think I saw Valeria with your friends.” Dad said na halos ikabahala ko.

Naalala ko yung anyaya ni Robert. Don’t tell me andito sila for lunch? Sila? Friends?

Napapitlag ako noong may tumapik sa balikat ko. I faced Darius. Lumingon siya sa likod namin kaya napalingon din ako.

The boys are laughing pero si Val, she’s looking at me sa hindi ko mabasang expresyon. Mukhang napansin nila ito kaya nilingon din nila ako. Saglit na nawala ang ngiti sa mga labi nila ng makita ako. Pero di kalaunan ay kumaway din si Jester pati si Robert ng nakangiti. While Yuan… he just… looked away.

“I’ll just go to the wash room.” Hindi na ako naghintay ng sasabihin ng pamilya ko. Madali akong naglakad papasok sa banyo.

Agad akong napahawak sa lababo. As I look at my reflection in the mirror, isa lang ang nakikita ko sa mga matang nakatingin din pabalik sa akin, guilt. And I think this is endless.

Magkakasama padin pala sila. It is still nice to see them all together. I’m happy for that.

Nagulat na lang ako ng bumukas ang pinto at pumasok ang isang tao.

“Cly.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lost and FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon