"Let the party begin!" sabi ng Dj dito sa bar na kinaroroonan namin ng barkada ko. Ito yata ang pinaka sikat na bar dito sa Manila. Different kinds of people are partying. Masaya. Maingay. Chill. By the way I'm Kassandra Torres. Ang babaeng hindi naniniwala sa happy ending.
"Ano ba Kassandra paparty ka ba o iinom na lang dyan?!"sigaw ni Kelly kasi naman ang lakas lakas ng music. "Later girl. I'm not in the mood."habang tamad na tamad na hawak ko ang iniinom kong beer. So ayun umalis na nga si Kelly dumiretso sa dance floor at walang pakialam na sumayaw ng sumayaw. Ang saya saya ng mga tao dito pero heto ako umiinom lang. Ayoko naman talaga pumunta dito. Kinulit lang ako nitong bestfriend ko. Kesyo magsaya naman daw ako at hindi puro aral na lang ginagawa ko. Bad influence talaga tong babae na to sa akin pero take note ung panahon na down na down ako sya lang ung kaibigan ko na hindi ako iniwan. Lagi nasa tabi ko, baka daw kasi mag suicide na lang ako bigla.
"Best uwi na tayo. Inaantok na ako."bulong ko kay Kelly habang sumasayaw sayaw sya sa dancefloor. Nilapitan ko na talaga sya kasi nabobored na talaga ako. "Ano ba Kassy! Loosen up! Aral tulog na lang araw araw ginagawa mo. Isang taon ka ng ganyan. Sign na hindi ka pa nakakamove on!"she said. Wala naman ako magawa. Balik na lang ulit sa table. Tawag si waiter. "Isang bucket nga ng beer at two orders ng fries."sabi ko sa waiter ng makalapit sa table ko. "Okay Mam."magalang na sabi ng waiter. Inupakan ko agad agad ang fries at beer pagkaalis na pagkaalis ng waiter. Patay gutom ang peg. Haha. Wala naman kasi ako magagawa kundi ito lang. I don't feel dancing din naman kasi.
Nag mamasid ako sa paligid ng mapako ang tingin ko sa isang table. And there I saw my ex. Yes. My ex. Siya ang dahilan kung bakit hindi na ako naniwala sa happy ending or should I say kaya hindi na ako nagmahal ulit at kaya ganito na lang kaboring ang buhay ko. Lalapitan ko na sana sya ng biglang may lumapit na babae sa kanya. Mangangamusta lang naman sana ako pero bat parang nahiya ako? Ako pa nahiya sa kabila ng mga ginawa nya sa akin. Three long years of my life was wasted because of him. I gave him all the love I can give but he choose to break me into pieces.
BINABASA MO ANG
Not So Happy Ending
Teen FictionBakit nga ba hindi na lang happy ending ang lahat ng love story? Bakit kelangan pang may masaktan. Bakit kelangang may manakit. Napakadaming bakit. Pero bakit ang tao hindi nadadala. Nagmamahal pa din kahit nasasaktan na.