Anastasia
"Run now!" sigaw sa akin ng isang lalaki habang niyuyugyog ang aking balikat nakaharap siya sa akin at puno ng dugo ang kanyang mukha at katawan. "Miss mamatay ka 'pag naabutan ka nila!. Tumakbo kana please" puno ng takot ang kanyang mata.
" A-anong n-nangyari s-sayo? b-bakit puno k-ka n-ng d-dugo?" nanginginig kong hinaplos ang mukha ng lalaki na puno ng dugo. Pula...pula ang kanyang mga mata. Matang puno ng takot at awa. Pero bakit siya naaawa? naguguluhan na ako.
"Run Anastasia run... Run or you will die"
Shit!
Napabalikwas ako ng bangon. Napanaginipan ko nanaman siya, ang lalaking may pulang mata na naliligo sa sariling dugo. Lagi ko nalang siya napapanaginipan ano bang meron sa panaginip na 'yon? Ang kanyang mga mata, parang humihingi ng tulong. Tuwing napapanaginipan ko siya lagi niyang sinasabing 'run or you will die'.
"Hija may naghihintay sayo sa hardin" Napalingon ako sa pintuan, nandoon ang kaisa-isang kasambahay namin si Edna. Si Edna lang ang tumagal sa amin, matanda na siya pero hindi pa rin siya tumitigil kaka-sebisyo sa amin.
"Sino po?"
"Si Don Rimmon hija"
Nagpantig ang aking tenga, nandito nanaman ang gurang kong ama. Ano nanaman ang problema niya? nakakainis.
"sige hija mauna na ako, ikaw na ang bahala kay Don Rimmon"
Nagmamadali akong naligo at nag ayos. Tinahak ko ang hallway pababa ng hagdanan. Nang makarating ako sa hardin ay sinalubong ako ng usok na nanggaling sa tabacco pipe ni gurang.
"Good morning my lovely daughter." Nakangisi niyang bungad sa akin. "I have a good news to you." Hindi parin nawala ang ngisi niya.
"Spill it" Nakaka-inis umagang umaga bubungad sa akin ang gurang na ito. Bakit hindi nalang siya doon sa mansyon niyang mukhang hunted house?. Dito pa siya naghahasik ng dilim.
"Papasok kana sa El Hijo del Demonio Academy" Nakatitig siya sa magiging reaksyon ko. I knew it, dito niya talaga ako balak ipasok. Sa isang creepy na school, at ayoko doon.
"Ayoko doon! kung doon niyo ako ipapasok, 'wag nalang!" kitang kita ko ang pag tiim bagang niya. Dati niya pa ako pinipilit na ipasok sa creepy na school na 'yon, kaso lagi ko itong inaayawan, mas gusto ko pang hindi mag-aral kaysa papasok ako sa school na 'yon. Nag aral ako dati doon mga grade 4 hanggang grade 6 tinapos ko lang ang grade school at hindi na ako pumasok, na trauma ako noong grade 6 ako, simula noong nakita ko kung paano itarak ng teacher namin ang hawak niyang drafting compass sa dibdib ng kaklase ko. Paulit-ulit niya itong ginawa hanggang sa nawalan ng buhay ang kaklase kong lalaki noon, kitang kita ng dalawang mata ko kung paano nagsitalsikan ang dugo, sa bawat pag baon ng drafting compass sa dibdib ng kaklase ko. Sa huli nag pakamatay rin ang teacher noon dahil sa sakit na Antisocial Personality Disorder.
![](https://img.wattpad.com/cover/159137035-288-k584858.jpg)
BINABASA MO ANG
ONE SNAP/ONE WISH (ON GOING)
القصة القصيرةIf she snap you will die... A diabolus story... Written by ODDPenny (ON GOING)