Delicias fuge ne frangaris crimine, verum
Coelica tu quaeras, ne male dipereas;
Respicias tua, non cujusvis quaerito gesta
Carpere, sed laudes, nec preme veridicos;
Judicio fore te praesentem conspice toto
Tempore: nec Christum, te rogo, despicias;
Salvificum pete, nec secteris daemona, Christum
Dilige, nequamquam tu mala concupito. - Anastasia Shahar********
Papunta ngayon si Anastasia sa Black House o kung tawagin ay Church of Satan para um-attend sa ritwal at pananalangin. Kasama niya papasok sa Black House ang mga naniniwala kay santanas o kung tawagin ay Satanism. Pagpasok palang ni Anastasia ay bumungad na sa kanya ang mga tao na sumasamba at nananalangin at kitang kita niya kung sinong namumuno doon, sino pa nga ba ang kanyang tatay na si Rimmon Shahar.
Dire-diretso siyang pumunta sa harap upang manalingin at sumamba sa pamumuno ng kanyang ama, "Believe in one God do we Satan almighty the uncreator of heaven and soil and the invisible and the visible. And his son begotten of father by whom all things will be unmade, who for man and denmation incarnated rise up from hell. Here our Satan prayer, our anti-Nicene creed!" paulit ulit niyang binibigkas habang taas baba ang kanyang dalawang kamay.
Pagkatapos niyang manalangin at sumamba ay lumabas na siya ng Black House. At naglakad lakad siya sa labas, ayaw niya talaga tuwing friday the 13th kung saan pupunta siya doon. Wala siyang magagawa magagalit nanaman ang kanyang ama, wala na siyang ina at ang tatay niya nalang ang kasama niya. Ang nanay niya ay ibinigay ng kanyang tatay sa demonyo kapalit ng kanyang kapangyarihan, hindi lang ito isang kapangyarihan nakakamatay ito. Ang totoo ay hindi talaga mahal ng kanyang ama ang kaniyang ina, at naiinis siya dito dapat ibinigay na rin siya kaysa naman makasama ang kanyang walang hiyang ama niya. Ayaw niya ring maging kasapi ng Satanism wala siyang magagawa hawak ng tatay niya ang leeg niya.
Lakad siya ng lakad nang may mapansin siya sa isang eskinita madilim iyon at dahil sa kanyang koryosidad ay pumunta siya doon at sumilip at nakita niya na may lalaking tino-torture napatawa siya, wala man lang venue kung saan mag to-torture tsk tsk tsk poor people . Pinapanood niya lang ito habang tino-torture ang isang binata, kapansin pansin na halos mamatay ito sa pag paso ng isang lalaki sa tagiliran ng lalaki gamit ang isang bakal na may naka ukit na isang bituin.
At dahil hindi siya makatiis kung paano ito tratuhin ng mga pangit na ugod ugod na yun ay pumasok siya sa iskinita at hinarap ang tatlong ugod ugod na 'yon at laking gulat niya nang makita niya ang mukha ng mga ito, hindi siya nagkakamali alagad ito ng kanyang ama dahil matay tattoo sila sa kanang leeg na nagsisimbolo na alagad sila ng Baphosimb. Agad siyang napa ngisi, kung sinu-swerte nga naman alagad pa ng ama niya ang nakaharap niya.
"Hoy ineng gusto mo bang magaya dito?" sabay turo ng lalaki sa lalaking nakahandusay sa sahig habang may tali sa paa at kamay. Pero wala siyang paki sa sinabi ng lalaki dinuraan niya ito sa mukha at tinadyakan sa maselang parte ng lalaki. Agad namang sinaluhan ng dalawa pang kasama ng lalaki ang tinadyakan niya.
Masama ang tingin ng isang lalaki sa kanya habang papalapit. opps nagalit ko yata, nevermind mas malakas naman ako sa kanila at ang mahalaga ay ang maligtas ko yung lalaki . Nagulat nalang siya nang salubungin siya ng lalaki ng suntok buti nalang at naka iwas siya rito. "Tsk tsk tsk too slow" sabay sipa niya sa tuhod ng lalaki at binigyan niya ito ng isang malakas na upper cut dahilan ng pagbagsak ng lalaki. Sumunod naman ang isang lalaki na papalapit sa kanya, binigyan siya nito ng isang malakas na suntok sa tiyan pero naka iwas siya kinuha niya ang kamay ng lalaki at ipinalupot niya ito sa likod at isinandal niya ito sa dingding. At bumulong sa tainga nito "Morir" sabay sinikmat niya ang kanyang daliri aat tuluyan ng bumagsak ang lalaki sa sahig.
Napalingon siya sa dalawang lalaki, wala na ang mga ito. Poor little mouse, mag susumbong nanaman yata kay amang demonyito. Pumunta siya sa gawi ng lalaki para tanggalin ang tali sa kamay at paa nito. "P-paano m-mo iyon n-nagawa?" bakas ang takot sa mukha ng lalaki. "Tara na baka may makakita sa atin dito" inalalayan niya ito hanggang sa makalabas sila sa eskinita. "M-maraming salamat b-binibini" bakas ang takot nito sa mukha " No problem" nagulat nalang siya nang biglang tumalikod ang lalaki at paika-ikang naglakad ito papalyo. Wierd hindi manlang tinanong kung okay manlang siya o kaya kung may galos siya hmp!. "Till next time Anastasia" ito nalang ang huli niyang narinig sa lalaki bago tuluyang lumisan.
"Who the hell are you mister?"
Sabayan ang kanyang kwento...
For more information about Black House (Church of Satan)
link: https://en.wikipedia.org/wiki/Black_House_(Church_of_Satan)
And here's the picture of Baphosimb (Satanism)
link:https://en.wikipedia.org/wiki/Satanism
BINABASA MO ANG
ONE SNAP/ONE WISH (ON GOING)
Short StoryIf she snap you will die... A diabolus story... Written by ODDPenny (ON GOING)