Chapter 21

1.8K 28 1
                                    

Khriz's Pov

Nagdaan ang araw at ganun padin kami ni Jamell. Lalo syang lumapit saakin mula nang umamin kami sa isat isa nung time na may nangyaring kadiliman. Hahahaha! Bastos!

At ngayon, sinundo ako ni Jamell baba ng building namin. Sabi nya sya daw susundo lagi sakin eh, hindi na ko nagdala ng kotse. Buti nga hindi sya nakikita ni dad hihi! 

NAKArating kaming condo nya ulit. Hmmm. Hindi na ko masyadong nag babar, ayaw nya kase. Wala din akong balita sa mga kaibigan ko,hindi naman sila tumatawag kaya ibig sabihin, hindi din sila nagbabar. San naman kaya abala yung nga yun?

"Hoy, ano gagawin natin dito?" tanong ko kay Jamell.

"Wala, tambay lang." sagot nya. Abnormal..

"Hay nako." ako.

"Oh baket?" tanong nya.

"Tinawag ba kita?" Mataray kong tanong. Lumapit sya saakin, agad namang nagreact ang heartbeat ko. Wheww! Lakas ng epekto nya talaga!

Niyakap nya ako bigla patalikod. Halo halo naman ibat ibang pakiramdam ang naramdaman ko. Hehe! Nekekeleg eke! Nebe!

"Sungit mo naman." Sabi nya habang ganun pa din ang ayos namin.

"Eh nakakaasar ka e." sabi ko nalang kahit hinde. Bakit ba! Pakipot ako e!

"Bat nanaman? Hindi naman kita inaano ah!" sabi nya habang nakatingin sakin. Tumingin din ako sa kanya.

"Basta! Wala!" Sabi ko at umalis na sa yakap nya at umupo sa sofa at in-open ang beer in can na kinuha ko sa ref nya kanina at nilagok agad iyon.

"Uyy, galit ka ba?" tanong nya. Gusto kong matawa pero pinipigilan ko lang yung sarili ko. Wahahaha! Sarap pagtripan! Hindi ko sya pinansin."Khriz, pansinin mo ko." sabi nya at tumabi nasakin. Kinuha ko ang cellphone ko at dun kunware nakatuon. Hehehe!

"Sorry na pala." sabi nya Hindi ko padin pinansin. Nagulat ako nang hablutin nya ang cellphone ko. Napatingin naman ako sa kanya, nakita kong salubong ang kilay nya. Hahahaha. "Pag di mo ko pinansin, ikakama kita, Khriz." sabi nya at nanlaki naman yung mata ko.

"Osige. Pabor sakin yon." sabi ko naman.

"Siraulo ka. Ayaw mo kasing mamansin. Abnormal ka!" sabi nya

"Wahahahahaha! Eto na nga oh!" sabi ko.

"Bat ka tumatawa?!" tanong nya.

"Ayaw mo ba, okay." sabi ko.

"Hindi! Tumawa ka lang. Sige lang." sabi nya. Natawa naman ako. Nang matapos akong tumawa ay medyo natulala ako ng ilang segundo.

". Jamell, seryoso ka ba sakin?" tanong ko. Bigla nalang lumabas sa bibig ko.

"Why you ask?" sya.

"Just asking." sabi ko naman."Kase kung hinde, okay lang naman." Oo nalang Khrizzete! Anong okay?! No no no!!!

"Yes. Seryoso ako. Tss. Ano bang klaseng tanong yan?! Mahal kita na i love you pa!." iritang sabi nya. Nangiti naman ako sa sinabi nya.

"Weh??" ako.

"Dewag kang maniwala. I don't know when my feeling start for you. Pero, alam ko sa sarili ko na mahal na kita Khriz, believe me." sabi nya. Sa pagkakataong ito, hindi ko na napigilan ang mga ngiting kumawala sa mga labi ko syempre ikaw kaya nasa sitwasyon ko na yung gwapong lalaki na nasa harapan mo na mahal mo o gusto, aamin sayo diba? Sarap sa feeling non.(Sana all. :,<)

Pinaglapat ko ang mga labi namin. I want to kiss him more. I like the taste of his lips, ibang iba sya lahat ng lalaking nakahalikan ko. At sa pagkakataong ito, ayoko nang pakawalan pa ang lalaking nasa harapan ko. I can't. I fall for him, at minsan lang sa tanang buhay ko mangyari to. I can't lost this opportunity.

Ilang minuto umabot iyon. Syempre, mahal ko sya nung  hinalikan ko, mahal ko pa din sya nung maghiwalay yung labi naming dalawa. Korni man pakinggan, wala eh, nagmamahal lang naman ako at ito pala ang apekto  nito sa buhay ng tao.

"My love for you is like a rock, it's hard to shatter." ako.











Meet The Pervert Badgirl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon