Chapter 51

1.3K 20 0
                                    

Jamell's Pov

"Aray! Baby!" daing ko.

"Bwiset ka! Ang landi mo! Nabuntis mo na ko at lahat...Bwiset ka!" sabi ni Khriz at binato nanaman ako ng unan.

"Wait! Aray!.." daing ko nanaman nang batuhin nya ako. "Nangamusta nga lang sya baby!" sabi ko.

Dumalaw ako sa bar ko kanina. Nag paalam naman ako sa kanya pero sinundan nya ko. Nakita nya na nakikipag usap ako kay Nathalie kaya ayun, sinugod nanaman kami. Nangangamusta lang naman yung tao eh.

"Mangangatwiran ka pa talaga?!" sigaw nya. Jusko po. Baka mapaanak to. Kabuwanan nya pa naman ngayon. Lumapit sya saakin kaya naman natakot ako sa titig nya. Grabe tong asawa ko, lion sya, lion!

"H-Hindi, baby." sabi ko.

"Ikaw ha! Umayos ka!" sabi nya.

"S-Sorry na baby, alam mo naman na ikaw lang mahal ko eh." sabi ko.

"Talaga?" sabi nya. Nginitian ko naman sya.

"Oo baby." sabi ko.

"Sige." sabi naman nya at tumalikod na.

"Bati na tayo?" tanong ko habang sinusundan sya.

"Hinde. Utot mo!" sabi nya at inirapan ako.

"Sorry na nga.." sabi ko at lumapit sa kanya at niyakap sya patalikod.

"Naku talaga!" sabi nya habang naglalagay ng plato sa lamesa. 6:30 na siguro sa tansa ko.

"Hindi ko na uulitin." sabi ko.

"Oo na!" sabi nya

"I love you, baby. I love you." sabi ko at hinimas ang tiyan nya na malaki na. Hindi pa namin alam yung gender kase gusto namin surprise.

"I love you too." sabi nya. Haha! Bati na kami. Ang selosa nya kase, eh sya lang naman yung mahal ko. Lalo na malapit ko na makita yung anak namin. I'm excited! Lalo na yung mga magulang namin ni Khriz, binilhan na agad ng mga gamit si baby namin.Kaya hindi na kami bumuli ni Khriz ng mga damit eh.

"Ano lulutuin mo?" tanong ko.

"Afritada.." sabi nya habang nagbabalat sya ng patatas. "Sit down and wait." sabi nya. Kaya pinanood ko lang sya sa ginagawa nya.

"Baby, nakausap ko na pala yung pinagbibilan natin ng bahay na gusto mo. Pwede na tayong lumipat doon kung kelan natin gusto.." sabi ko. Ayoko kasi na dito lang kami ni Khriz sa condo ko o kaya sa bahay namin. Gusto ko may sarili kaming bahay dahil may sarili na kaming pamilya.

"Hmmm, that's great. Pag kaanak ko siguro tsaka tayo lumipat." sabi nya.

"Yah.. Papalagyan ko nalang ng mga gamit na kaylangan yung bahay para hindi na tayo mahirapan." sabi ko.

"Okay." sabi nya at pinagpatuloy ang ginagawa. Hindi naman na ako nag salita.

NANG matapos na sya ay tinulungan ko na syang maghanda ng pagkain. Syempre hinahayaan ko lang syang maglalakad. Hindi kasi maganda sa buntis ang lagi lang nakaupo kaylangan galaw galaw din.

Nag umpisa na kaming kumain. Sya naman ay ganang gana sa kinakain nya. Ang takaw nya. Nagkalaman na nga sya ng konti. Ang lakas kasi kumain eh.

"Aray!" daing nya at hinimas ang tiyan. Nagalala naman ako.

"Oh, baby! Bakit?!" nag aalala kong tanong.

"Wala. Naninigas lang tiyan ko." sabi nya. "Ayan wala na." sabi nya. Hinawakan ko naman yung tiyan nya.

"Baby, wag mong pahihirapan si mommy mo ah?" sabi ko. Tumawa naman si Khriz.

"Okay lang. Ganito siguro yung mga buntis." sabi nya..

"Okay. Continue eating." sabi ko. Kumain naman na kami parehas.

Nang matapos na kami ay iniligpit na namin ang kinainan at nagpasya na kaming pumunta ng kwarto para magpahinga.

Inakbayan ko sya hanggang sa makapasok sa kwarto.

"Half bath tayo, baby." aya ko sa kanya.

"Sige. Nanlalagkit ako eh." sabi nya at kumuha na ng towel. "Tara na." sabi nya. Kaya pumunta ba kami ng banyo.

Agad syang naghubad ng lahat ng saplot sa katawan nya. God! Kahit buntis ang sexy pa din. Hinubad ko na din ang lahat ng damit ko at sinaluhan ko sya sa shower. Yumakap ako sa kanya habang patuloy ang agos ng tubig saamin.

"Tabi dyan, magsasabon ako." sabi nya kaya kinalas ko ang yakap.

Nang matapos syang magsabon ay ako naman. Pagkatapos ay nagbanlaw na kami at lumabas na ng banyo. Nang makalabas ay nagbihis na agad sya. Hehe. Ang cute nya sa pajama nyang suot tsaka maluwang na damit. Ang ganda ganda nya..

Nang makatapos na ay humiga na kami sa kama. Hinawakan ko naman sya sa tiyan para pakiramdaman ang sipa ng baby namin. Lagi ko tong ginagawa. Tuwa ako e. haha

"Ayun!" sabi ko ng sumipa ang baby.

"Hahaha! Dito." sabi nya at kinuha ang kamaya ko at nilagay sa puson. Naramdaman ko naman yung parang alon. Nakakatuwa talaga.

"I love you. I love you both." sabi ko at hinalikan ang tiyan nya. Then i kiss her too, a soft kiss. Pinaghiwalay ko din yon agad.

"Let's sleep." sabi ko. Umayos naman na kami ng higa.

"Goodnight." sabi nya.

"I love you." ako.

"I love you too." sabi nya. Niyakap ko naman sya at natulog na kaming parehas.

--3AM--

"Ahhh! Aray! Jamell!" naalimpungatan ako sa sigaw ng asawa ko kaya agad akong gumising. Nakita kong nakahawak sya sa tiyan nya at mukang namamalipit sa sakit.

"B-Baby, what's w-wrong?!" natataranta kong tanong.

"Manganganak na ata ko!" sabi nya na lalong nakapagtaranta saakin. Fvvck! I don't know what to do!

"Fvvck! Manganganak ka na!" sabi ko.

"Wala ka talagang kwenta!! Dalin mi na kong hospital! Ahhh!" sigaw nya.

"Yes baby, fvvck! Wait! I'll call for help!" sabi ko.

Bumaba ako at tumawag ng security at nagpatulong akong dalin sa hospital ang misis ko. Tinulungan naman nila ko. Tinawagan ko na din sila mom. Tinext ko lang naman ang mga kaibigan ko. Fvvck! Manganganak na sya!

--HOSPITAL--

Hindi ako mapakali dito dahil pinapaanak na si Khriz. God! Please, wag nyo syang pahirapan. Dinig kong minumura nya ko sa loob habang umiiri sya. Okay lang basta safe sya.

"Anak!" tawag na alam konh si mom.

"Mom.." tawag ko . Nakita kong kasama na din nila yung mga magulang ni Khriz.

"Calm down, hijo." sabi ng dad nya. Ngumiti lang naman ako.

"She will be safe." sabi naman ni Dad.

Masaya ako na takot. Masaya ako kase makikita ko na yung anak ko at takot kase alam kong nahihirapan si Khriz. I know she can survive. I love them both..

---

KYAHHH! OMOO! KAMUKA KO YUNG ANAK NILA WAHAHAHA! JOKE!

Meet The Pervert Badgirl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon