Chapter 13

1.8K 23 0
                                    

Khriz's POV

Kakauwi ko lang ng bahay, bumili kase ko ng magazine, sa magazine store sa malapit lang. At di ko maiwasang mangiti ng nakakaloko dahil dito sa magazine na 'to. 'FOR HIM MAGAZINE' hahahaha!

Hindi ko alam kung kailan ko maibibigay to, kase wala naman kaming napag usapan na magkikita kami or what, so, hintay lang hanggang sa magkaroon na ng chance. Nyiiihehehe! Halay mo!

Umakyat na ko ng kwarto ko dahil nagtext si dad na pumunta ko ng business office nya, kaya eto ko ngayon gumagayak. Nang maayos ko na ang sarili ko ay bumaba na agad ako at dumeretso sa kotse ko. Pag kasakay ko ay pinaandar ko agad iyon.

May excitement naman akong naramdaman habang binabaybay ko ang daan papunta sa business office ni dad. I want to manage the hotel as soon as possible.

Nang makarating na ako ay ipinarada ko sa parking lot ang kotse ko at bumaba na agad. Nang makapasok na ako ay sumakay na ako ng elevator at tinahak ang floor kung nasan si dad. Nang makarating na ko ay tumuloy na ako sa office nya.

"Hi dad." bati ko ng makapasok na ko.

"Oh. You're here my daughter." sabi nya.

"Wala dad, wala. Panaginip mo lang to." sabi ko nang may sarcastic voice.

"Whatever, Anak." sabi nya. "By the way, kaya kita pinapunta dito ay para i-inform ka na, ikaw na ang magmamanage ng hotel. Ikaw na ang boss. Ayune! Boss na ang anak ko!" sabi ni dad. Tss abnormal. Masaya naman  sa pakiramdam kahit papaano.

"Oh that's great then. When I should start?" tanong ko.

"Hmm, madali lang naman magmanage ng hotel anak. Kaya hindi ka masyadong maistress. Just check the hotel if there is something wrong or what, and fix the problem as soon as possible. Wag mong pabayaang magkaroon ng problema,para sa magandang pamamalakad. Yeah owrayt!" sabi pa nya.

"Okay. Noted. So, how's the hotel?" tanong ko kay dad.

"Better if you ask your Secretary." sabi ni dad at ibinigay ang number na nakasulat sa papel.

"Oh. Hindi pala ko mahihirapan. May kanang kamay pala ako." sabi ko. "When can I meet my secretary?" tanong ko.

"Hmm later,or, its up to you. Call her." oh so it's a girl. Abala si dad sa mga pinipirmahan nyabg kung ano ano.

"Okay dad. Gotta go to my office." sabi ko at tumayo na.

"Yah. That's good idea. Maraming papers don. At ibinigay ko na ang schedule mo sa secretary mo. Hmm sya ang maggaguide sayo kung kelan nyo bibisitahin ang hotel." sabi ni dad.

"Oh yeah okay." sabi ko at tuluyan nang lumabas.

Nang makapasok ako sa office ko ay idinial ko agad ang number ng secretary ko. Ilang ring lang naman ay sinagot na nya.

"Hello, Good Morning, what can I do for you?" sabi nya ng masagot ang tawag.

"This is Khrizzete Falogme." sagot ko.

"Oh! Yes Ma'am! Ang maghahandle ng Discovery Primea Hotel?" tanong nya.

"Oh yes. When can I meet you?" tanong ko.

"When do you want to meet me ma'am?" tanong nya.

"As soon as possible." sabi ko.

"Okay ma'am." sabi nya.

"Okay." sabi ko at pinatay na ang tawag.

Inilapag ko ang cellphone ko sa table ko dahil naagaw ng atensyon ko ang mga paples na nadoon. Isa isa kong binuklat iyon. Mga kaylangan lang naman ng pirma ko 'to. But,,! kaylangan kong basahin muna. Para na rin sa kaligtasan ng hotel ko. Yune!

HABang pinipirmahan at sinusuri ang mga papeles na iyon ay biglang nagvibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon at binuksan.

From: Beybe<3

Where are you? Dinaanan kita sa inyo wala ka.

Ehe?! Hindi naman sya nagtext kung pupunta sya.

To: Beybe<3

I'm here in our business office.

sent!

*vibrate*

From: Beybe<3

Ah, ganun ba. Okay, next time nalang pala.

To: Beybe<3

We can meet tonight. Maaga naman akong umaalis dito.

sent!

From; Beybe<3

Oh yeah! That's great! Mamaya, 6:30. I'll fetch you.

To: Beybe<3

Okay. I'll wait.

sent!

  Hindi na sya nagreply, kay pinagpatuloy ko ang ginagawa kong pagpipirma at pagsusuri sa mga papeles na to.

------

Nang matapos ako ay tinignan ko vg oras. 4:50 na, kaya naman nagpasya na akong umalis. Pumunta muna ko sa office ni dad.

"Gotta go dad! Bye!" sabi ko at tuluyan nang umalis.





Meet The Pervert Badgirl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon