Rejected even in my dreams

13 0 0
                                    





Namulat ako isang gabi

Ikaw ay nasa aking tabi

Tayo'y naka-upo at ako'y umamin

Ngunit sa aking pag-amin

Muli mo na namang sinaktan ang aking damdamin


Habang tayo'y naglalakad

Bumagal ang iyong mga hikbi

Sinabi mong hindi mo ako tipo

At gumuho ang mundo ko



Isang nakaka-binging katahimikan ang bumalot sa atin

Panay ang iyong naka-pang lilisik na tingin

Na para bang ako'y isang salarin

Muli mo akong tinanggihan at iniwasan

Ang lahat ng aking mga ginawa

Ay iyong binale wala

Masakit man isipin

ngunit ito'y aking titiisin.






Panaginip na parang totoo

Kung bakit kasi ako'y napa-ibig sayo

Mas nanaisin ko nalang siguro

Na matulog nalang buong buhay ko

Nang sa gayon ika'y makampante na

At masasabi mo sa kanila na ika'y naka-hinga ng maluwag sa aking pag-lisan

Mas gugustuhin ko nalang siguro na mahimbing

Kaysa naman, katotohanan ay harapin

Na sa katotohanan at panaginip ako'y muli mong tinanggihan.


Dapat na kitang limutan
Nang hindi na masaktan.

Awkward loveWhere stories live. Discover now