Sample Hopia Freebie

653 27 2
                                    




Malakas na hiyawan at palakpakan ang sumalubong kina Vice at Karylle nang sumalang sila sa Tonight with Boy Abunda.

"Ilang taon na nga ulit kayong kasal?"

"Five years na po, Tito Boy." -Karylle

"Oh wow... Everyone would agree that your chemistry is very powerful, from the moment you became a love team at lalo pa ngayon na mas open na kayo sa publiko bilang mag-asawa. Pareho kayong kilala na mabubuting tao in the industry, pero ano nga ba ang pinakanagustuhan ninyo sa isa't isa?"

Lumingon sandali si Vice kay Karylle na parang nagsasabing siya na ang mauuna at hinayaan naman siya ni Karylle.

"Tulad nga po ng sinasabi ng karamihan, walang masamang tinapay dito kay Karylle. She's one of the most genuine at pinakamabuting tao na nakilala ko sa buong buhay ko. Almost perfect na 'to, Tito Boy eh kung hindi lang talaga kuripot minsan." natawa naman ang audience sa huling sinabi niya pero napalitan din 'yon agad ng tilian nung kinurot siya ni Karylle sa tagiliran. "Ayan pa pala, mukha lang yan mabait sa TV pero sobrang sadista po ni Karylle!"

"Grabe, kahit ano yatang gawin ninyong dalawa eh magwawala ang fans ninyo. And I'm proud to say that I am one of them. Pero going back, I agree with what you've said about Karylle. Parang wala nga rin akong makitang anything negative about her pero kung meron ka mang napapansin personally, sinasabi mo ba sa kanya or..?"

"Sinasabi ko sa kanya, isa pang maganda dito kay K ay yung pagiging understanding niya kaya hindi ako takot na i-correct siya minsan kasi alam kong naiintindihan niya that I only want what's best for her sa kahit ano pa yan."

"Thank you, Vice. Karylle,"

"Pano ba, uhm.. Siguro tulad na rin ng karamihan sa madlang people, I love that he makes a lot of people happy. Vice is one of the most selfless persons I've encountered in my life and I remembering reading a famous quote before sa twitter yata yun saying 'One day you'll find someone who will offer you an entire universe when all along you've only asked for a single planet' and I think he is that someone for me. Pinakita niya sakin na I deserve to be loved as much as I love him." nakangiting saad ni Karylle.

"Ano sa tingin ninyo yung pinakamagandang bagay sa pagmamahal ninyo sa isa't isa?"

"On my part, I think it's the fact that I love him for who she is. Do you get my point? Parang kahit si Vice Ganda man or si Jose Marie yung kasama ko, nothing changes. Same pa rin yung love ko sa kanya."

"I can see her when everyone else's attention is actually on less beautiful things. Kahit sino or ano pa yan na sinasabi nilang mas maganda or mas magaling, sa kanya lang ako lagi nakafocus."

"Last question, palagi kayong trending sa social media at maraming naiinspire sa kwento ninyo pero if there's one thing na gustong-gusto niyong ipagmayabang or ipagsigawan sa buong mundo tungkol sa relasyon ninyo, what would that be?"

"Sa dami ng pinapasaya niya araw-araw, yung happiness ko is yung top 2 sa mga priorities niya. Syempre number 1 si Nanay Rosario and that's one more thing that I love about him. Kung grabe siya magmahal sa madlang people, mas grabe pa pagdating sa family niya."

"Sa ganda ng asawa ko at sa dami ng tunay na lalaking na nagtangkang humabol at sumuyo dito, ako ang umuwing panalo. Si Karylle na yung pinakamagandang reward na natanggap ko sa buong buhay ko."







Pagkatapos ng interview ay sabay na umuwi ang dalawa. Naunang pumasok si Vice sa kwarto dahil inasikaso pa ni Karylle sina chip-in pero laking gulat niya nang makita ang asawa na mukhang lalabas nanaman base sa pang-party nitong outfit.

"Aalis ka nanaman?"

"Di ka pa ba sanay?" pabalang na tanong pabalik ni Vice nang hindi man lang siya tinatapunan ng tingin.

"Vice! Araw-araw ka nalang madaling araw umuuwi, ni hindi ka na nga nagsasabi sakin—"

"Nakakarindi ka na, K! Araw-araw nalang din tayo nag-aaway, nakakapagod na rin. Saka nalang tayo mag-usap pag di na mainit yang ulo mo."

Kasabay ng malakas na pagsara ng pinto ay napaupo nalang si Karylle sa sahig na parang pagod na pagod na rin.


"Wala nang camera. Tapos na ulit ang pagpapanggap."


-×-

kung kailan part three na saka nag-prologue type keme HAHAHAHA

12AM. 80th Monthsary.
Part 3 of Hopia/Hopia Pa Rin 💛

Once Real | ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon