different situation.different words.
different emotions.
different actions.
different outcomes.
still, purely fictional.
happy (?) reading!
:)
-*-
"Huy! Baka matunaw na si K niyan,"
Sinamaan ni Vice ng tingin ang kaibigang bigla nanamang sumira sa moment niya.
"Tantanan mo 'ko, Vhong Navarro ah. Si Anne guluhin mo."
Pero hindi natinag si Vhong at imbes ay isiniksik pa ang sarili sa sofa kung saan nakaupo si Vice kaya lalo itong nairita, "Vhong ang sikip sikip na nga tumabi ka pa sa'kin!"
"Init ng ulo mo, brad. Ayaw mo lang na mahuli kita ulit na tumititig kay Karylle eh."
Inismiran lang siya ni Vice at nagkunwaring busy sa pakikipagtext sa kung sino man habang panaka-naka pa ring nagnanakaw ng tingin kay Karylle na masayang nakikipagkwentuhan kay Anne sa katapat nilang sofa.
"Uy.. napapangiti sa ganda ni Karylle."
"Napakarami mong comment! Manahimik ka na nga lang diyan,"
"Aminin mo na kasi, halata naman sa mga tingin mo sa kanya eh."
"Wala akong kailangang aminin. Magkaibigan kami ni Karylle, yun na yon."
"Weh? So sinasabi mo ba na imposibleng magkagusto ka sa kanya? Wag ako, brad! Si Karylle pa? Kahit bakla mahuhulog diyan eh!"
"Eh bakit ikaw?!" mataray na balik ni Vice.
"Ako siguradong-sigurado ako na kaibigan lang turing ko diyan. Eh ikaw? Sige nga, sabihin mo nga sa'kin, mahirap ba mahalin ang tulad niya?"
"Hindi no! Sa sobrang ganda at busilak ng kalooban niyan, hunghang nalang ang hindi pa magkakagusto diyan kay Karylle."
"At banban lang rin ang hindi makakayanang umamin sa kanya." madiing saad ni Vhong saka tinapik siya sa likod at umalis na dahil tinatawag na rin sila ng ilang staffs.
"Vice!"
"Viceeeey!"
"Hey!"
"Vice! Huy!"
"Aray! Karylle naman bakit nananampal?!"
"Eh kasi kanina pa kita tinatawag, hindi mo naman ako pinapansin."
He looked at the woman standing in front of him na nakangiti pa sa kanya. "Halika nga dito," sabi niya saka pinakandong si Karylle sa kanya.
"Alam mo, hindi pa rin talaga ako makapaniwalang akin ka na. Kaya siguro natutulala pa rin ako kapag naalala ko yung mga panahon na pinipilit pa 'ko ni Vhong na umamin." she chuckled softly then grabbed his arms to wrap it around her waist as she rested her back on his chest comfortably.
![](https://img.wattpad.com/cover/132954196-288-k422230.jpg)
BINABASA MO ANG
Once Real | ViceRylle
FanficAlways uncertain, never not complicated; that's the challenge of having something unreal.. ...or was it? A Hopia All-In Two-Chapter story (+ specials). © December 2017