Kabanata 1

24 4 0
                                    

FOUR


"Isa.........."



Ang sarap mabuhay sa mundo..
Lalong lalo na kapag lahat nang nakikita mo masasaya...




"Dalawa..........."




Nag tatawanan...nag hahabolan at nag kukulitan.



"Tatlo............"




Walang Swerteng naganap sa buhay ko kaya hindi ako naniniwala sa salitang yan..... Kahit piso o kahit kunting pagkaing o kahit kaunting bagay na meron ako, lahat nang yan.... pinaghirapan ko....







"Apat............"








Napabuntong hininga ako at tumigil sa pag bilang ... Halos hindi mabilang lahat nang mga taong masasaya dito sa park....Sana katulad ko sila...Inaalala ko lahat nang nangyari sa buhay mula bata pa ako...at halos yun ay malulungkot na alaala o masasakit...kaya tinigil ko na lang ang mga inaalala ko at Tumingin sa makulimlim na langit......para bang nakikisabay ito kung ano ang nararamdaman ko.... Tinignan ko ang mga taong masasaya..kasama ang kanya kanya nilang pamilya, at doon ko nalaman na nag iisa lamang ako at walang kasama...

Tanong ko ??



Sino naman ang kakasamahin ko..?

Eh, kahit kaibigan nga lang wala ako...
Kahit pamilya o mga taong may pakialam sakin wala....
Seguro ganito na talaga ako...at tatanggapin ko nlang seguro....
Malthea...yan ang madalas na tinatawag sakin dahil combination nang Maldita at Althea....



"Malthea laro tayo...." tumingin ako sa batang may hawak na bola sa harap ko...pero nawala na lng siya bigla na parang bula at doon ko na laman na imagenetion ko lng pala yun..na alaala ko lng pala yun at ang dahilan kung bakit nandito ako lagi sa park...







Sa mundong kinatatayuan ko masasaya ang mga tao pero bakit hindi nalang ako natulad sakanila...
maraming tao pero may kanya kanyang mundo. Maraming tanong pero walang kasagutan.







dahil sa mga nangyayari hindi ko alam kung mag papakasaya pa ba ako.





Napabuntong hininga ako at tumayo na para maglakad. Pinagmasdan ko ulit ang paligid. Sa bawat araw na nandito ako wala man lang nag bago.

Nag aakala akong meron ulit lalapit sa akin at makikipag laro pero alam ko sa sarili ko na hinding Hindi na yun mauulit...


Hinding Hindi na ako maniniwala sa mga taong walang ginawa kundi mag sinungaling sakin. Hindi na ako ulit maniniwala sa mga pangako tulad nang dati.....


Nagsimula na akong nag lakad...


Ang sarap tignan nang mga bata kapag may ngiti sa labi dahil napapa ngiti ka rin....


Nilagpasan ko sila at nag patuloy sa paglalakad pa uwi..

------

Vote here...

4FOURTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon