Kabanata 4

10 4 0
                                    


Transfer

“Tapos kana bang mag ligpit?.”


Napalingon ako kay Nanay Pidang na pumasok sa kwarto ko.

“Opo nay...” tipid kong sagot...

Upumupo siya sa katre at tumingin sakin.

“Althea...alam kong hindi mo gustong umalis dito pero hindi pwedeng hindi ka sasama....”aniya.

“kung pwede nga sana nay eh. pero wala namn akong mapupuntahan kung hindi ako sasama sa inyo dahil ikaw nlng ang tanging Pamilya ko..”

Napangiti siya dahil sa sinabi ko.
kahit hindi ko ka ano-ano si Nanay Pidang hindi niya ako pinabayaan.


“Sege matulog kana...Maaga pa tayong aalis bukas...” sabi niya bago sinarado ang pinto...

Humiga na ako at inisip ang pangyayari sa araw na ito...

Meron na nmn akong bagong naka salamoha na mga taong hindi ko kilala.... Napabuntong hininga ako at pipikit na sana nang may maingay sa labas na para bang mga taong nag uusap.. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina...sisilip na sana ako sa pinto pero bigla nlng nag salita si Nanay Pidang...



“Malthea...bakit gising ka pa.? ”aniya.

“Maingay kasi sa labas ...Sino po yung mga yun...? ”

Tukoy ko sa mga kausap ni Tatay Franco. May kausap na dalawang lalaki si Tatay Franco gusto ko sanang makita ang mga mukha nila pero naka talikod sila sakin..

“Yan bang dalawang yan? ” Tumango ako at sabay titig sa likod nang dalawang pamilyar na lalaki.


“Sila ang sinasabi ni Tatay Franco mo na pamangkin niya.. uuwi na sila nang Maynila ngayon dahil hindi na sila sasabay satin bukas...”Aniya.

Lumingon ako kay Nanay na may pagtataka..

“Nay...Bakit po? ”

nagtaka ako kung bakit hindi nila gustong sumabay samin...

“Yung isa kasing pamangkin ni Tatay Franco mo masungit at ayaw niya sa mga tulad nating mahihirap.” aniya.

Halata kay Nanay Pidang ang lungkot..

“Pero huwag kang mag alala may dahilan lang talaga yun kaya nagka ganon..”

ngumiti si Aling Pidang pero bakas parin sa mukha niya ang lungkot kaya ngumiti na rin nlng ako.

“Tara ipapakilala kita...”aniya.

Lalabas na sana kami ni Nanay pero napatigil kami nang sumalubong  samin si Tatay Franco.

“Oh. Dhy nasan nayung mga pamangkin mo..? ” Tanong ni Nanay kay Tatay Franco.

“Umalis na nag mamadali baka daw makatulog sila sa byahe..”

Tinignan ko ang labas at wala na nga roon ang kotse at yung mga lalaki...

“Nay...Tay franco.. Matutulog na po ako.” Tumango lng sila sa sinabi ko.

Pumasok na ako sa kwarto at  humiga.
Pamilyar talaga ang dalawang yun ehh. Kahit likod lang yung nakita ko.
Hininto ko ang pag iisip at pumikit na para matulog.....












***--

Nagising ako dahil sa malakas na katok sa pinto.


“Malthea!! Gising na. ”

4FOURTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon