Chapter 11

11 1 0
                                    


30 minutes na akong nakaupo dito sa high chair sa kusina simula nang hindi ko sila ma-contact nang tumayo na ko at dali daling kinuha ang susi ng kotse ko. Hindi na rin ako nag abalang magpalit ng damit kahit na naka pang-bahay lang ako dahil mukhang pinalitan ni Mark yung suot ko habang tulog ako.

Pagbaba ko sa basement at dali-daling sumakay sa kotse para mag drive pabalik sa condo na pinuntahan ko kanina.

 Nang makarating ako sa basement, kumuha ako ng handgun na nakatago sa compartment at lumabasna ako agad ng kotse sabay tinakbo ang elevator at pumasok na. Pasara na sana yung pinto, pero may babae't lalaking humabol pa na naglalandian. Pag pasok nila, pareho silang nakatitig sakin at mukang pinag bubulungan pa ako. Napairap naman ako. Tinago ko ang baril sa tagiliran ko at sinamaan sila ng tingin dahil sa sobrang pagmamadali. Parang gusto kong magpa-padyak sa loob ng elevator dahil kung kailan ka talaga nagmamadali, tsaka bumabagal ang oras.

Nang makarating ako sa tamang floor, lumabas na ako ng elevator at tinakbo ang pinto nya. Nag doorbell ako ng pauilt-ulit pero walang lumalabas kaya naman kinalabog ko na yung pinto nya ng paulit ulit hanggang sa binuksan nya ang pinto.

Bumungad sakin ang gulo gulo nyang buhok at katawan na boxer lang ang suot. Medyo nagulat ako sa bungad na itsura nya and he looks confused as well. Padarag kong binuksan ng malaki ang pinto nya at pumasok habang napaatras naman sya ng nakita nya ang hawak kong baril.

Padabog kong sinaraang pinto nya at tinutok sakanya ang baril ko. Itinaas nya naman ang dalawang kamay nya ng walang emosyon ang mukha.

"Nasan ang mga kaibigan ko?" Sinusubukang kumalma na tanong ko.

"Bakit mo sakin tinatanong? Are we that close para hanapin mo sakin ang mga kaibigan mo? I believe this is our third time meeting?" Bigla nyang binaba ang mga kamay nya na parang nadismaya sa sinabi ko sabay ngisi. "Oh, I mean this is 'your' third time meeting me," dagdag nya pa emphasizing the word your.

"I'm not kidding around here! Nasaan ang mga kaibigan ko?! Their phones are off!" Sigaw ko sakanya.

"Hindi rin ako nagbibiro dito, Miss Ford. Who says I'm kidding around? Seriously, I don't know what are you talking about right now," Seryoso nyang sambit at biglang tumalikod sabay nagsimulang maglakad papunta sa sofa. Umupo sya at ibinalik ang seryosong tingin sa akin.

"But they're with your friends right now!" Halos maubusan na ng hiningang sigaw ko.

He smirked and asked "And? Did someone forced your friend to be with them? Diba plano nyo yon? Then why are you running here fuming mad and shouting at me?" May halong sarkasamo sa boses nya habang nagtataas ng kilay.

Natigilan ako sa tanong nya at napaupo na lang sa sahig. Nakatitig lang sya sakin nang bigla na naman sya nagsalita,

"And you even have the courage to come here wearing your lacy nightwear dress?" Tanong nya habang natatawa.

Napayuko ako dahil parang umiikot ang paningin ko.

"Shut up. You have the audicity to open your door wearing that boxer of yours with messy hair. Do you think you're hot?" Bakit ba kasi ito ang isinuot sakin ni Mark?

Unti unting nagdidilim ang paningin ko habang nakikipag sagutan sa kanya.

"Yes, I'm hot. We even have sex a while-"

And everything went black.

-

Biglang napatayo si Jin mula sa pagkakaupo nya sa sofa dahil biglang nawalan ng malay si Andrea at napahiga sa sahig. Dali-dali nya itong binuhat papunta sa kwarto at tumawag ng Doctor. 

Maya maya, dumating na ang Personal Doctor nya habang sya naman ay nakabihis na ng maayos na damit. Chineck na ng Doctor ang kalagayan ni Andrea.

"So doc, anong nangyari sa kanya? She suddenly fainted a while ago." Tanong ni Jin.

"She's dehydrated and mukhang nalipasan din ng gutom kaya hindi kinaya ng katawan. Her body is a little sensitive right now kaya nahimatay kaagad sya. Binigyan ko sya ng IV Drip so she have to finish that. She'll be asleep for a while but she will be fine soon so you don't have to worry." Paliwanag ng doktora habang napatango-tango naman si Jin.

"By the way, is the patient your girlfriend?" Tanong pa nito habang ngumingiti.

"No, Doctora. Just a friend of mine. And I have a favor to ask. If it's alright, don't let my parents know that you came here." He replied.

"Oh," The doctor a little surprised "Yeah, it's alright. I should go now cause I really have more patients to attend," Sabi ng doctor sabay tapik sa balikat nito.

Napaupo na lang sya sa couch na malapit sa kama at napahilamos ng mukha. Sumandal sya rito at napatingala na lang sa kisame.

Wow. What a great day. Napabuntong hininga na lang sya.

:)

UNWANTED GIRLSWhere stories live. Discover now