Xaria's P.O.V
Pag-baba ko Ng hagdanan nakita ko na naka handusay na ang mga kasama ko at duguan sila.
"Huy S-satanix anong nangyari d-dito?"tanong ko sakanya habang nakita ko na duguan na Ang kanyang katawan.
kung saaking pag susuri ay mas marami ang tama sa kanya
Hanggang sa kaya ko ay ayaw kong mag panik...
"May p-pumasok nalang dito bigla na may dalang b-baril at pinag babaril k-kami"tinuro nya Ang Iba naming kasama na duguan din Yung iba may tama ng baril sa paa.
"S-satanix kapit ka lang ha wag Kang bibitaw d-dalhin k-kita sa O-ospital" saad ko habang may dumadaloy na luha sa aking mga mata dahil kahit sa sarili ko ay alam kong hindi na kami makakaabot
"Ok lang a-ako Xaria pwede mo na ako iwan, Hindi narin Naman ako aabot sa o-ospital"Sambit ni Satanix
Hawak ko Ang kamay ni Satanix Hindi ko kayang mawala sya tinuring ko na syang kapatid marami na kaming pinagsamahan.
"Hindi wag Kang bibitaw marami pa tayong pag sasamahan marami pa tayong papatayin"Saad ko habang patuloy na umaagos ang luha ko
"Xaria maraming salamat sa lahat lahat Hindi ko makakalimutan lahat ng pinag samahan natin hanggang sa pag lisan ko"Sabi ni Satanix habang may tumutulong luha sa mga mata nya
"Paalam, Xaria"Pinikit na nya ang kanyang mga mata at naramdaman Kong bumitaw na Ang kanyang mga kamay
"No! Satanix gumising ka!Hindi ka pwedeng mamatay!"Sigaw ko habang umiiyak.
Narinig Kong dumating na ang mga police at may ambulansya na rin ginamot na nila Ang mga kaibigan Kong sugatan habang ang mga police Naman ay iniimbistigahan Ang mga nangyari. Hanggang ngayon Hindi parin ako makapaniwala na Wala na si Satanix nakatulala lang ako dito sa labas walang pumapasok sa isip ko kundi si Satanix lamang.
"Hey"Napatigil ako sa kaiisip ko at nakita ko si Poison
"Ok ka lang"Pag aalala nya
"Bakit kaylangan mawala ni Satanix?Hanggang ngayon tinatanong ko sa Diyos Kung bakit ganito Ang nangyari bakit Yung mga mahal ko sa buhay unti unti nawawala"Tanong ko sakanya