Hindi maalis sa aking isipan ang sinabi ng babae sa akin, tatawagin ko pa sana sya ngunit mabilis syang naglaho na parang bula sa aking paningin....
Nakaupo kami ngayon dito sa Canteen, tapos na ang laban at syempre? ano pa nga ba? palagi naman akong nananalo dito e
Kaming dalawa lang ni Ian ang nandito dahil bumili ang mga kasama ko ng pagkain, matatagalan siguro ang mga yon dahil hindi naman nila kabisado tong paaralan na ito
"Ang lalim ng iniisip mo a?" Hindi ko inaasahan na lalabas galing sa kanyang bibig ang mga tanong na iyon
"Ah wala natutuwa lang ako dahil nanalo ako" Sambit ko at ngumiti
"Basta kapag may problema ka nandito lang ako handa akong pumatay para sayo dahil mahal kita"
Nagulat ako sa mga sinabi nya para akong binuhusan ng malamig na tubig sa gulat
"A-ano?"Tanong ko
Ian's Pov
Maski ako ay nagulat sa sinabi ko nadulas ako nasabi ko sakanya na mahal ko sya. Ano ba naman yan!
"A-ano?' Tanong nya na tila sya rin ay nagulat
"Oo, mahal kita....Bilang kaibigan"Palusot ko
Pag ka sabi ko nun ay tila parang bang nadismaya ang kanyang itsura. Uminom na lamang ako ng tubig para kunwari hindi ko iyon napansin
"Ian? Bakit mo iniinom yung ice tea ko?" Tanong nya saakin
Nagulat ako at totoo nga naalala ko hindi na pala ako umorder ng Ice Tea dahil last na yun at ibinigay ko iyon para sakanya
"Sorry hindi ko namalayan"
Bigla nyang kinuha ang Ice Tea at ininom iyon habang umiinom sya may mga lalaking pumasok sa Canteen siguro mga 8 o 9 sila bigla nilang tinulak si HellXaria
"Oh shit" Pagmumura nya
Bigla namang hinawakan nung dalawa ang Braso nya at pinag susuntok si Hellxaria
"Bitawan nyo sya!" Sigaw ko
At bigla kong pinag susuntok ang lima at si HellXaria naman ay pilit na lumalaban pero kitang kita mo sa itsura nya na nahihirapan sya dahil sa pagod na kanyang nararamdaman ngayon
Bigla nilang sinuntok si HellXaria kaya bumagsak na laman ito sa lupa at wala ng malay at dumating na ang mga kasama namin
Si Kent, Charles at Clyde
Pinag susuntok naman nila ang mga lalaki na sumugod samin ni Hellxaria
"Kami na bahala dito Ian dalhin mo na sa Clinic si Hellxaria" Binuhat ko si Hellxaria dahil wala syang malay
Awang Awa ako sakanya papunta na kami sa Clinic ngunit sarado daw ito dahil may pinuntahan yung Nurse na incharge kaya dinala ko nalang sya sa Dorm ko
Hellxaria's PoV
Nagising na lang ako at hindi familiar kung nasaan ako
"Kamusta kana?"
Nagulat ako kung sino yung nag salita SI IAN!