Hellxaria's PoV
Isang linggo na akong hindi nakakapasok. Masyado akong maraming inaasikaso..
Kahit anong pilit kong alisin sya sa isipan ko ay hindi ko maalis alis.
Hindi ko na talaga alam ang nangyayari sa akin masyadong nagiging komplikado.
Yung bang parang masyadong komplikado, ewan hindi ko maintindihan.
Hindi mabuo buo ang araw ko, ewan pero parang palaging may kulang. Nawawalan din ako ng gana sa pag kain.
Sa tuwing iniisip ko naman ang mga araw na kasama ko sya ay bumibilis ang tibok ng puso ko tapos hindi ko namamalayan na napapangiti na pala ako.
Damn it... What's happening with me?!
"Queen, problem? Magkakadikit na yung kilay mo oh" nakangising tanong sa akin ng itinalaga kong assasin leader.
Nasa Paris ako ngayon at inuubos ang mga nagbabalak at nagtatraydor sa amin. Sa mafia.
I glared at her "Leave my fucking office or you'll die brutally?"
Nakita ko naman sa kanyang mga mata ang takot at hindi rin nakalagpas sa akin ang bahagya nyang paglunok.
"O-okay.."
Mabilis pa sa alas kwatro ang paglisan nya sa aking opisina.
Ipinikit ko ang aking mga mata at sumandal sa swivel chair.
Nagtagal ang pag iisip ko hanggang sa napagdesisyonan ko ng lumipad pabalik sa Pilipinas.
Hindi nako nag aksaya ng oras at ipinahanda ko na agad ang private plane na ibinigay ni lolo sa akin.
"Queen, Where are you going?"
"Shut up b*tch"
Hindi ko na sila pinansin at nagtuloy tuloy nako sa pag labas.
Pinaandar ko na ang limousine ko, hindi pa man ako nakakalayo ay napansin ko ng may sumusunod sa akin kaya naman napangisi ako.
Mabilis kong kinuha ang baril ko at saka pinaharurot ang kotse.
Inilabas ko ang kanan kong kamay at saka binigyan sila ng dirty finger.
Alam kong naiinis na sila kaya naman hindi ko na ito pinatagal pa, sa isang iglap ay nagpagewang gewang ang kotse nila at saka bumanga sa puno.
Napailing nalang ako sa nangyari, kahit kelan talaga wala pa rin silang laban sa akin.
Ipinagpatuloy ko ang pagmamaneho hanggang sa makarating Airport.
IAN'S PoV
Gabi ngayon at malakas ang pag patak ng naglalakihang patak ng ulan, hindi ko alam pero sa pagdaan ng isang buong linggo na wala sya ay parang may kulang yung bang parang pag gising ko sa umaga at pagpasok sa eskwelahan ay sya yung makikita ko, yung inaasahan ko, yung sasalubong sa akin yung nakasanayan kong lamig ng presensya nya.