-si Euphoria po yang nasa taas. Ganda niya po 😍
"May problema ka ba Ria? Kumain ka na muna I'm sure gutom ka na. Wait, oorder lang ako."
Tatayo na sana si Allen nang dumaan sa may gilid ko si Lear na may dalang maraming pag kain. Eto talaga ang PG nang tropa eh. Dahil sa inis ko inagaw ko sa tray na dala niya ang burger at sprite na muntik nang ika hulog nang dala niya.
Napasinghap naman sina Hadley at Farren sa ginawa ko pero kiber dahil galit at inis ako gagawin ko lahat ng trip ko!
"Aish! Ano kaba naman Ria! Kung gutom ka sabihin mo lang wag yung bigla ka nalang nang aagaw nang pagkain! Muntikan pang matapon tong tray! Eesh! Burger ko pa yang kinain mo, bayaran mo yan! Mahal nang bili ko jan!"
Tong taong to PG na nga, kuripot at madamot pa. Pano nga ba namin to naging kaibigan? Tsk!
"Euphoria, calm down. What's wrong with you? Why are you being like this? Is there something going on?"
Sabi ni Allen na nakakunot ang noo. Hala sya! Galit nato, tinawag akong Euphoria eh. Katakot pa naman to magalit. Hinarap ko sya at patuloy na nginuya ang kinakain ko.
"Eh kasi may taong bwisit akong nakilala today. Sorry guys ha? Bwisit na bwisit lang talaga ako."
Uminom ako ng sprite at napa buntong hininga.
"Eh sino naman kasi yang taong kina-iinisan mo ha?"
"Oo nga, ang alama ko once in a blue moon ka lang mainis. Hmmm...I can smell something."
Dagdag ni Farren sa sinabi ni Hadley.
"Hininga mo lang yun Far."
Sumama ang muka ni Farren at nag death glare kay Lear.
"Walang hiya kang PG ka!!"
Sinipa ni Farren ang tuhod ni Lear sa ilalim ng mesa at napa aray naman ito dahil sa sakit.
"Aray ko! Grabe ka talaga Far! Hindi ka na amazona eh, kick boxer ka na! Aray kooo ang sakiiitt."
Nag smirk si Farren at inirapan si Lear. Nabigla naman ao nang biglang abutin ni Farren ang Cheese fries ni Lear. Pero ang mas kinagulat ko ay ang hindi pag tutol ni Lear sa ginawa ni Farren. Hmmm....I can smell something sa dalawang to eh.
"Nga pala beshie, hindo mo pa nasagot ang tanong ko kanina, who's that person ba ha? Is it a guy? Ohh...tell us now. Pretty please?"
Pinag daop ni Hadley ang mga kamay niya pag katapos niyang mag sabi ng please. Nakooo... chismosa talaga.
"