-yang nasa taas po, sya po si mysterious guy. Hmmm sino kaya sya?
"Ikaw?!"
"You?!"
Inis ko syang tiningnan at dahil sa tumutubong inis sa loob ko namewang ako at walang ano-ano'y itinaas ang mga manggas ng damit ko na parang susugod sa rambol.
"Ikaw na hambog at abnormal na playboy ka! Kanina pa ako nag titimpi sa'yo ha?! At anong sinabi mo? You? Niloloko mo ba ako ha?! In-english mo lang yung sinabi ko eh! Makakasapok talaga ako ng tao ngayong araw eh!"
Seryoso syang tumingin sa akin at sadyang nakakapaso ang tingin na yon. Napa atras naman ako nang unti-unti syang lumapit sa akin infairness, mabango sya ha? Ay erase! Ano ka ba Euphoria! Focus! Nang gahibla nalang talaga ang layo namin sa isa't-isa at halos maduling na ako sa kakatitig sa mga mata niya tinulak ko siya nang sobrang lakas at dahilan para tumama nang malakas ang likod at balikat niya sa pader narinig ko ang mahinang pag ungol niya. Buti nga sa kanya! At dahil sobrang badtrip talaga ako sa kanya inapakan ko nang pagka lakas-lakas ang paa niya. Mula sa balika't niya'y lumipat ang mga kamay niya sa paa niya at humihiyaw sa sakit.
"Buti nga sa'yo! Pasalamat ka at sa paa lang kita pinuruhan! Kaya 'wag ako. Hmp!"
Nag martsa ako paalis sa lugar na yun at itinaas ang noo nang naka ngiti pero bago ako makaliko sa may kanan ay bigla namang sumigaw yung lalake.
"Andrei nga pala! Nai-
Pagkatapos niyang sabihin yun ay tuluyan na akong umalis. Hindi ko na sya pinatapos dahil wala naman akong paki alam kahit sino pa sya o kung ano ang sasabihin nya! Kainin sana sya nang lupa!Nang maka rating ako ng cafeteria, nakita ko lahat ng mga kaibigan ko pati si Allen. Masaya silang kumakain at nag kukwentuhan. Naka busangot naman akong lumapit sa mesa nila. Naalala ko na naman kasi ang lalaking bwisit na yun.
"Usog ka Hadley."
Pasalampak akong naupo sa bench na kina uupuan nina Hadley at Farren tinitigan naman ni Thomas na nasa harap ko ang mukha ko at nag snap.
"May problema to."
Nag roll ng eyes si Sue na katabi lang ni Thomas at tumingin dito nang 'obvious ba?' Look.
"Alam mo Thomas minsan nag tataka talaga ako kung bakit psychology ang course mo eh. Obvious naman kasing may problema yung tao. Haay! Sayang mo lang sa tuition eh!""Grabe ka naman Sue! May feelings din naman ako eh!"
Tumayo si Thomas sa kinauupuan niya at tumakbo palabas ng cafeteria habang umiiyak.
Tiningnan naman namin si Sue nang 'sundan mo' look. Nag roll eyes lang sya at sinundan naman si Thomas.
"Hindi talaga ako magtataka kung magkatuluyan yung dalawang yun sa huli."
Lumilingong sabi ni Hadley.
"Oo nga. Sabi pa naman nila, kung sino daw yung pinaka hate mo yun daw yong nakakatuluyan mo sa huli."
Sabat ni Farren habang ngumunguya.
"Hindi totoo yan! Sinong poncho pilato ba ang nag sabi nyan at titirisin ko!!"
Dahil sa ka shungahan ko napatigil sa pag basa ng libro si Allen, si Farren naman ay na bilaukan, si Hadley ay lumampas sa pisngi ang ina-apply na lipstick at ang mga tao sa cafeteria ay napatingin sa akin. Oops! Napa lakas ata boses ko ah?!
"Aish! Ano ba yan! Bago pa naman tong lipstick ko! Ano bang problema mo ha Ria?!"
Inis na pinahiran ng tissue ni Hadley ang mukha niyang namantsahan ng lipstick.
"S-sorry."
Nag peace sign ako sa kanila at ngumiti nang alanganin.
"Bakit ka ba kasi bigla-biglang sumisigaw?"
Si Farren na kaka recover palang.
At bigla ko na namang naalala ang pagmumukha nang taong yun! Arrrggghh!!! Nakakainis!Sleep 💤 i need it so much 😂😴