-Si Allen po yang nasa taas. Pogi eh no?
"Ahhh!!!"
I jumped out of happiness and hug him full of delight.
"Len-len, you're back!"
Pinunasan niya ang mga mata kong paiyak na at kinurot ang ilong ko.
"Ang OA mo talaga kahit kailan! Hahahaha isang linggo lang akong nawala ganyan ka na maka react, eh pano pa kaya kung isang buwan ako mawala? Isang taon? O dikaya'y forever na?"
*PAK!
"Aray ko! Para san yun?!"
I rolled my eyes and pointed at him.
"Pinagsasasabi mo ha?! At bakit ka naman mawawala aber?! At tyaka alam kong hindi mo ako magagawang iwan kahit kailan no!"
Inakbayan niya ako at inayos ang pagkakasukbit ng bag niya sa kaliwang balikat niya at hinigpitan ang hawak sa mga libro ko. Teka, kailan niya nakuha at naligpit ang mga yan? May super powers yata bestfriend ko ah?
"Hmp! Kung alam ko lang. Baka nga pinagpalit mo na tong bestfriend mo sa iba eh. Sabi pa naman ni Casey sa akin may nagpapalipad hangin daw sa'yo nung wala ako."
Napatingin ako sa kanya nang nag tataka. At sino naman yun?
"Wow lalim besh ha?! Kasing lalim ng Mariana Trench! Yang si Casey talaga kalalaking tao napaka chismoso! Wag na wag kang gagaya dyan sa kaibigan mong yan ha? Wag niyo nang dagdagan pa ang krisis sa pilipinas! Chismis nang chismis mali naman ang pinag uusapan! Mga tao talaga!"
Tumawa sya nang mahina at tumingin sa malayo.
"So hindi totoong may nanliligaw sa'yo?"
I sighed. Tumigil ako sa paglakad at tumingala sa kanya, kulang kasi ang height ko eh. Pinagpala ako sa beauty pero sa height tinipid naman ako masyado.
"Wala ok? And kung meron man ikaw ang unang makaka-alam. Kailan pa ba may nanligaw sa akin na hindi muna dumaan sa'yo?"
Ngumiti sya nang matamis at ginulo ang buhok kong naka pusod at nag simula na naman syang mag lakad.
"Ehhh! Kainis ka talaga Len-len! Nakalimutan ko pa namang mag dala nang suklay!"Pagkatapos nang "reunion" namin ni Allen sa may corridor kanina, dumiretso na kami sa mga klase namin at ang engot hindi nga nakalimutan ang bilin kong pasalubong. Isang owl nacklace na ang mga mata ay birthstone ko. Sapphire ang mga ito at sigurado akong mahal. Kahit nga sabihin kong kahit anong kwago lang ang ibigay sa akin ang ibibigay niya ay kwago nga pero sobrang mahal naman. Haay! San pa kaya makakahanap nang ganyang kaibigan ngayun? At dahil nga sa sobrang happy ako ngayong araw, pagkatapos nang klase ko ay dumiretso ako sa cr at nag ayos. Gusto ko rin kasing isuot ang owl necklace na binigay ni Allen sakin m. Pagkatapos kong isuot ang necklace, nag madali akong lumabas ng cr dahil nakatanggap ako ng text galing kay Lear na nasa cafeteria na daw silang lahat at dahil nga sa pagmamadali ko ay hindi ko namalayang may tao palang naka harang sa daan ko nauntog tuloy ako sa likod nito at napaupo sa sahig.
"Aray ko!"
Bahagya akong napa tagilid at hinimas ang pang upo ko. Sobrang sakit naman nun! Sino ba kasing humaharang-harang sa daan?!
Pinilit kong tumayo habang hinihimas pa din ang pwet ko at hinarap ang taong nagpa sakit nun.
"Hoy! Ikaw na may cellphone sa tenga!"
Humarap sya sakin at dahil don na shock ako. Siya na naman?!