Prologo

43 2 0
                                    

Prologo

Namulat ako sa mundong walang dinadamdam na problema. Everything is all fine. My parents never let me face a problem. They protect me no matter what. They will give me my happiness at all cost. Sa lahat ng iyan, alam kong mahal na mahal nila ako at mahal ko rin sila. I feel contented.

Dad always gives me my preferences. That's why i always make sure not to fail and be a good daughter in exchange. Binibigay ko lagi ang best ko.

Mula bata pa lang ako I always like things related to unicorns. I don't know pero sabi ni Mom my favorite toys are all about unicorns because they're colorful. Hindi rin naman iyon kaduda duda. Isang sulyap lang sa kwarto ko, alam ng adik sa unicorn at pink stuff ang may ari no'n.

Aw, how i love pink.

My bed sheet, pillow case, wallpaper, wall clock, kurtina, floor mat, door mat, at gitara. Even my mug. Walang pinalagpas ang unicorn images. I used to ask Mom to buy me a lot of unicorn stuff way back. Noon iyon, medyo na lang kasi ngayon. I'm into books now.

Gusto ko sanang ibahan ang mga bagay dito at gawing plain pink na lang kaso nakaka panghinayang naman ang itsura ng mga unicorns. They're inevitable cute.

Nakakawala sila ng stress.

Noong nakilala ko si Ciene sa celebration ng kaarawan ng aking kapatid ay napalapit ako sa kaniya. Noon ko lang nalaman na sila pala ang bagong lipat sa katabing lote ng aming mansyon. Mula noong ay lagi na kaming magkasama.

Naalala ko pa noong mga bata pa lang kami ay lagi siyang naroon sa kwarto ko at nagugustuhan niya ang mga imahe ng unicorns. But when time pass by really fast, nagbabago rin ang lasa namin sa iba't ibang bagay. Noong naiba na ang kagustuhan niya at nakahiligan ang mga kolorete ay pinuna niyang masyadong girly ang kwarto ko.

Nag suggest si Aerol na ipa renovate ang kwarto ko. Sa una ay tutol ako pero dahil sa ikot ng daliri ng orasan ay nagbabago ang mga natitipuhan kong mga bagay. Ako na rin mismo ang nagsabing gawing plain pink ang dingding. Naisipan ko ring palitan ang kurtina, puti iyon at may mga disenyong cherry blossom.

Then that's all, iyon lang ang binago. The rest remain and still have print of unicorns

I was home schooled mula pre school. At sa totoong paaralan nag aaral si Ciene. Sa tuwing nagpapalipas kami ng oras sa kanilang mansyon with her lola after her class, unti-unti akong naiinggit sa kalayaan ng kaibigan. I got envious towards Ciene. Pinagplanuhan naming magkaibigan na sabihin sa mga magulang kong pag aralin ako sa malaking paaralan kung saan siya nag aaral. Laking tuwa ko noon dahil ibinigay nila ang kagustuhan ko.

Malapit na noong matapos ang taon ng third year high school, but knowing dad, napakiusapan niya ang paaralan na tanggapin pa rin ako. Walang paglagyan ang sayang naramdaman ko noong unang tapak ko ng SMA.

Nawala ang pokus ko sa pagbabasa nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Sino yan?" Tanong ko.

Sinarado ko ang librong hawak at isinoli sa drawer. Nilock ko 'yon at sinuot ang baby pink fur slippers.

"Naku, nandito ang kaibigan mo, Aera." Sagot nito.

Nanlaki ang mga mata ko. It must be Ciene!  Binaba ko ang handle ng pintuan at saka inawang. Lumabas ako at nagpaalam na si Maryang maglalaba pa. Nangingiti akong tumango at bumaba na.

Full of Colors (Full Series #1)Where stories live. Discover now