Chapter 5
First Heartache?
Nagpasalamat ako nang ibinaba ni Manong Seb ang bagahe ko. Kumaway sa akin si Ciene nang makaalis ang driver nila.
"Salamat sa paghatid!" I waved back.
Ngumiti si Ciene. "Bye! Love you!"
"Love you, too!" matamis akong ngumiti at tinodo pa ang pagkaway.
Nanatali akong nakatingin sa papaalis na SUV na lulan ang kaibigan hanggang sa mawala ito sa paningin ko.
"Aera, nandito ka na pala!"
Kinuha ni Marya ang duffle bag ko. Akto niya sanang kukunin ang bagpack ko pero sinabi kong ako na ang magbubuhat. Pumasok kami sa loob ng bahay. Balak ko sanang dumiretso na sa kwarto but the comfort of the couch seduced me so I slammed myself against it. Agad kong naramdaman ang pagod.
"Where's dad?" tanong ko.
Inakyat niya ang gamit ko sa itaas. Ngumiti siya nang makababa. Nagtataka pa ako sa makahulugan niyang tingin sa akin. Kunot-noo ko siyang tinignan, tumawa siya bago sumagot.
"Nasa opisina niya. Nanghapunan ka na ba?" nagaalanganin niyang sabi bago umiwas at dumiretso sa kusina.
"Not yet." I badly wanna rest. "So, maybe I'll just check on him later."
'Tsaka ko lang naramdaman ang sakit ng katawan nang ibinagsak ko ang sarili sa kama. Muling bumalik sa akin ang mga pangyayari sa huling araw namin sa Recollection. Ramdam kong uminit ang tainga ko nang maalala ang pagkautal ko doon sa misa.
Ibinaon ko ang mukha sa unan at inalala ang mga nangyari matapos ang kahihiyan ko.
Matapos ang misa namin roon, pinaakyat kami sa mas mataas pang parte. Sementeryo na pala ang dulo at may matarik na bangin. Namangha kami ron. Doon ay naganap ang picture taking namin at saglit kong nakalimutan ang nakakahiyang pagkautal ko sa misa.
Ipinilig ko ang ulo nang maalala ang dahilan no'n, dahil 'yon sa sinabi ni Aleister kay Cea. I'm very sure he said "I really like you'. Hindi ako nagkakamali ro'n. Tinampal ko ang pisngi nang bahagyang kumirot ang dibdib ko.
Ipinagbuntong hininga ko na lang iyon at nagpalit na ng pambahay. Dahil siguro sa pagod ay mabilis akong nakatulog. Nagising lang ako nang maramdaman ang mainit na palad na humahaplos sa 'king pisngi. Unti-unti kong iminulat ang mga mata.
"Oh, sorry for waking you up, darling."
Ngumiti ako at ibinangon ang sarili. "Mom... What time is it?"
Tumuwid sa pagkakaupo si Mama. "Six pm. How's your Recollection?"
"Nag-enjoy ako. Though, it's a bit tiring." Kinapa ko ang salamin sa aking headboard. Isinuot ko iyon.
Nakangiti kong nilingon si Mommy pero nadatnan ko ang pagod sa mga mata n'ya. Agad sumilay ang ngiti sa mapupulang labi niya nang makita akong nakatitig sa kaniya.
Nanliit ang mata ko doon. "Somethings wrong, Ma?"
Mahinang humalakhak si Mommy sa itinanong ko. Umiling siya at tumayo na. Napansin kong naka-business attire pa rin siya. Siguro ay kagagaling lang sa kaniyang trabaho.
"Of course, nothing is wrong, darling." Sinuklay niya ang buhok ko at ngumiti.
Tinignan ko siya ng hindi naniniwala.
"Are you sure, Ma?"
"Yes. Don't worry, Aera. Pagod lang ako dahil sa trial kanina. Bumangon ka na riyan para makapagdinner, okay?" Ngumiti siya.