Chapter 3
His effect
"What? Can't you get over it? Hindi naman iyon big deal." I hissed.
Pinisil-pisil ko ng bahagya ang mga daliri ko. Humalakhak siya sa kabilang linya. Matagal bago siya nagsalita.
"I didn't even said anything! Pero dumedepensa ka na. Ikaw lang ang nagsasabing big deal 'yun." patuloy lang ang halakhak niya sa kabilang linya.
"Advance ako mag-isip."
Lalo ko lamang narinig ang tawa niya sa kabilang linya. Of course, she know I'm not fond of those memes. But I actually used one phrase of it.
"I thought you're serious. Pero anong sinabi mo? It isn't something big deal? Kissing someone- I mean not just a 'someone' because it's the Leo Alzate who you suddenly kissed that night is not a big deal! Jesus, Maria, napaka-interesting." Dinig na dinig ko ang malakas niyang halakhak.
She's annoying. Nilayo ko ang cellphone sa tainga ko. Minsan gusto ko siyang isubsob dahil sa panunuya niya e.
She knew I was unintentionally drunk that night. Well, I can't blame her. She doesn't know the whole thing. Dahil hindi ko pa naikukwento sa kaniya kung bakit nagka ganoon. Saka nakaka konsensya lang isipin na ang first freedom night at unang pagpayag sa akin nila Dad na umattend sa isang house party ay ang paglabag sa mga bilin nila sa 'kin. Hindi lang ako nakatikim ng alak, I got drunk. That's even worse. Nalapit ako sa mga lalaki na hindi ko naman talaga intensyon. At higit sa lahat ay ang pesteng halik na iyon.
Sa dami ng naging kasalanan ko sa gabing iyon ay paniguradong hindi na ako dadaan sa purgatory dahil idideretso na ako sa impyerno.
Nakakainis.
"Stop it. Hindi naman katawa-tawa." Iritadong saway ko sa kaniya.
Sinabi kong ibababa ko na ang tawag dahil puro kalokohan lang naman ang sasabihin niya for sure. Hindi ko na makausap ng matino dahil sa paghagalpak niya ng tawa.
Pinilig ko ang ulo para mawaksi at kalimutan ang nangyari sa gabing 'yun. Nang nakita kong malapit na kami sa school ay kumalabog ng sobra ang dibdib ko sa kaba. Paniguradong usap usapan na ngayon ang nangyari sa party noong weekend lang. Maraming naki-party na schoolmate namin. Karamihan ay puro mga seniors at college students.
Tinignan ko na lang ang repleksyon ko sa salamin at saka ko sinuot ang eyeglasses ko. Ipinark ni mama ang kotse sa tapat ng gate kaya nagpaalam na ako at humalik sa kanyang pisngi.
Nanginginig ang mga kamay ko habang kinukuha ang bagahe ko sa compartment ng sasakyan.
Huminga ako ng malalim at lumunok bago pumasok sa gate ng school. Naabangan ko ang mga kaklase ko na papasok na ng bus. Iniwasan kong tignan sila sa mata. Namataan kong kinakausap ni Ciene ang konduktor ng bus na sasakyan ng section namin.
"Manong, huwag niyo diyan ilagay ang maleta ko. Sa itaas na lang po ng upuan ko sa loob. Ang baho diyan, e." Dinig na dinig ko ang pagiging maarte niya.
Lumapit ako sa kanila at nakita kong napakamot sa batok si manong konduktor.
"E, masyado ho kasing malaki ang maleta ho niyo, Ma'am. Baka kako'y hindi magkasya sa loob." Nahihiyang paliwanag ni manong.
Inirapan siya ng kaibigan kong maarte. Anong nangyari dito? Kanina lang ay tinatawanan ako at nanunuya pero ngayong nasa harap ko na siya ay tila binagsakan ng langit. Tinapik ko sa balikat si Ciene.
"Let your baggage stay at the compartment. Ang taba, oh." Singit ko.
Bahagya pang nagulat si Ciene sa presensya ko pero ngumuso din kalaunan. "Ang baho kaya doon. Ayoko nga." Matinding pagpupumilit niya.