Chapter 4

12 2 0
                                    

Chapter 4

I really like you

Nang makarating kami ay nagpasalamat ako sa mga kaklase naming lalaki.

"Okay, students. Announcements!"

Hinila ko si Ciene upang makalapit kami kay Sister na nagsasalita sa harap. Nandito kami ngayon sa pasilyo ng kumbento. At nagtitipon-tipon dito ang mga kaklase ko. Kinapa ko ang panyo sa aking bulsa at agad pinunasan ang namuong pawis sa aking noo dahil sa pag akyat kanina.

"Mr. Afoli?" tawag ni Sister sa aming class mayor.

Agad namang sumagot at nagtaas ng kamay si Marco. "Sister."

"How many are you? Can you give me the list of names?" mahinhing sabi ni Sister.

"Thirty eight kaming lahat, Sister. Ito po."

Ibinigay niya ang listahan ng mga pangalan namin kung saan ay naayos iyon ayon sa aming apelyido. Diretso at sopistikadang inayos ni Sister ang kaniyang salamin upang basahin ang ibinigay ni Marco.

"Okay, so mayroong apat na silid ang kumbento dito malapit sa canteen. That two consecutive rooms only have four double deck at ang kwartong nasa dulo ng pasilyo'y may isa pa pero mas malawak 'yon kesa sa naunang dalawa. And the last room on the left have six kaya mas malawak iyon. Dahil thirty-eight kayong lahat, all of you have their own partner." Litanya niya. Bumaling siya kay Marcos.

"Tama? I'm sure your adviser assigned all of you on your chosen partners."

"Yes, sister." Magalang na sagot ni Marco.

"Okay, so listen at sasabihin ko ang mga magkaka-kwarto. Buti at nilagyan namin ng number ang bawat room para hindi kayo malito. The first room are..."

Tagatak na ang pawis ko dahil dikit-dikit kami rito sa pasilyo. Sinikop ko ang buhok ko at nilagay sa gilid ng leeg. Pinunasan ko ang batok ko at sa leeg, pati na rin sa noo.

"Sa pangalawa ay, Patcho, Ramirez, Sanchez , Santiago, Thomas, Trinidad, Villaluna, and Zandueta."

Nagkatinginan kami ni Ciene. Ngumisi siya sa akin at tinaas-baba ang dalawa niyang kilay.

"We're on a same room." mahinang aniya.

Nag-apir kaming dalawa ng tahimik. Naisip ko nang magka-kwarto kami ni Ciene nung una pa lang. Kaya hindi na ako gaanong nagulat.

"Napakarami pala ng lalaki sa seksyon nyo. Hm, 22 boys and 16 girls? Occupied ng mga babae ang room 1 at 2. Kaya 'yung mga boys doon na kayo sa 3 at 4. The third room have five double deck at anim sa panghuling kwarto. Saktong-sakto pala sa inyo ang lahat ng kama dito sa kumbento." Puna ni sister.

Nilipat niya ang page ng hawak niyang papel. She glance at her wristwatch. Bumuntong-hininga s'ya at inayos ang salamin.

"Marco, ikaw na ang mag-assign sa boys sa mga kwarto. Kailangan ko pang tulungan si Brother Jef, siya ang magiging speaker niyo mamaya. Tanghali na kasing nakarating tayo rito kaya bilisan n'yo sa pag-aayos. Sige na, magpahinga muna kayo." bilin ni sister.

Narinig ko ang ilang pagsasang ayon ng ilan sa mga kaklase ko.

"Nakakapagod ang byahe." si Ciene.

Bago pa man umalis si Sister ay nagbilin pa siya ng mga pwede at hindi pwedeng gawin habang narito kami sa kumbento.

"Boys, iwasan ang mga kalokohan." ani sister.

"Yes, Sister!"

Nang nakaalis si Sister ay umingay na. Pinapasok na kami ni Marco sa mga magiging kwarto namin. Naghiyawan ang mga kaklase kong lalaki at ilan sa mga babae nang may harutang nangyari. Nilingon ko sila at nakitang nakanguso si Cea at umiiling si Aleister sa mga tukso ng ilang kaklase namin. Dumaan ang kirot sa dibdib ko sa nakita. Kinunot ko ang noo at iniwas ang tingin. Nagpatianod na lang ako sa hila ng kaibigan.

Full of Colors (Full Series #1)Where stories live. Discover now